Harry's POV"Dahan dahan anak" sambit ni manang habang dahan dahan akong ihinihiga ulit sa kama
"Anak. Tatlong araw ka ng nilalagnat. Ayaw mo ba talagang pumunta sa hospital, baka kung mapano ka na nyan eh, tatlong araw ng di bumababa ang lagnat mo" nagaalalang sabi ni manang habang pinupunasan ng basang panyo ang braso ko
"Ok lang po ako manang. Gagaling din po ito, umiinom naman po ako ng gamot. Wag po kayong mag-alala sakin. Alam niyo naman pong malakas ako diba?" Nanghihina kong sagot habang pinipilit ngumiti
"Di ka naman mukhang malakas eh. Dalhin ka na namin ni kuya Dodie sa hospital?" Tanong pa niya
"Hindi na po. Ok lang po ako. Sige na po. Matutulog na lang po muna ako para tuluyan na po akong gumaling" sambit ko ng nakangiti
"Sige. Magpahinga ka na ulit at magpagaling na. Sayang yung mga araw na inabsent mo" sambit ni manang habang nililigpit yung ginamit niya para punasan ako
"Opo" maikli kong sagot at tumayo na si manang at naglakad palabas ng kwarto
"Sige anak, maiwan na muna kita. Tulog na ha" sambit niya bago tuluyang lumabas ng kwarto at isinara ang pinto
Napabuntong hininga na lang ako at napangiwi ng bigla na namang kumirot ang dibdib ko. Sh*t! Anong nangyayari sakin?
(Hachhuuu!!!) Bigla akong napaigkas ng mapabahing ako ng malakas. Bigla na namang sumakit ang dibdib ko. Sh*t mamamatay na ba ako? Anong nangyayari sakin? (Hachuu!!!) Nabahing na naman ako kaya't kumirot na naman siya. Sh*t! Mamamatay na yata talaga ako!
Napabuntong hininga nalang ako ng malakas at pipikit na sana ako ng bigla akong mapa-igkas ng maramdaman kong may nagvibrate sa uluhan ko at tsaka ko lang naalala na inilagay ko sa unan ko yung cp ko. Agad ko tong tiningnan at nakita ko ang 23 missed calls at 45 unread messages galing lahat kay diana. Napabuntong hininga ako ulit at nilapag ang cp sa tabi ng uluhan ng kama. Di ko na binuksan ang mga text niya tiningnan ko lang kung anong oras na. 11:53am, magtutwelve na pala. Napabuntong hininga na naman ako at nagpasyang tumulog na lang kaso ng ipipikit ko na sana ang mga mata ko ay nagulat ako ng biglaang bumukas ang pinto at lumitaw siya sa likuran nito...
Diana?!? Anong ginagawa niya dito?
"Diana? Anong ginagawa mo dito?"
-----
Zayn's POV
"Stop. Wag muna tayong mag-usap sa ngayon. Please? Give me a week para makapag-isip pa. Wag ka muna pumunta sa bahay. Sorry Z.." Reply niya sa text ko.
Naihagis ko na lang ang cellphone ko sa kama ng dahil sa galit. Napabuntong hininga nalang ako at napagpasyahan na pumunta na sa bahay nila kahit ayaw niya, kahit na alam kong lalo siyang magagalit. Wala akong magawa, ayoko ng ganito, ayoko tong nararamdaman ko, ayoko tong nangyayari samin. Tangina naman kasi. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto at kinuha ko ang susi ng motor ko sa sabitan ng mga susi at pagkatapos ay agad akong tumakbo papunta sa labas ng bahay. Nagmamadali akong sumakay sa motor at sinuot ang helmet ko atsaka humarurot paalis ng bahay. Dahil sa pagmamadali ko di ko na nadala yung cellphone ko. Di ko na alam kung anong pwedeng mangyari pero di ako makakapayag na mawala ka sakin loves. Di ka mawawala sakin. SAKIN KA LANG!!!
>>>>>FastForward
Nakarating na ako sa tapat ng bagong bahay nila. Agad akong bumaba sa motor at nagulat ako ng makita ko ang pagpasok ni diana sa loob ng katapat bahay nila angel. Anong ginagawa niya dun? Bagong bahay ba nila yun? Tss. Who cares!?! I'm here for angel. I NEED TO SEE HER!!!
Lalapit na sana ako sa gate ng bahay nila ng biglang pumatak ang malakas na ulan at kasabay nun ang pagbukas ng pinto ng bahay nila at lumabas siya. Agad niya rin akong nakita at kitang kita ko ang gulat niya.
"Z!?!"
I smiled...
xxx
![](https://img.wattpad.com/cover/122113077-288-k224496.jpg)
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Novela JuvenilA story of love and misfortunes "Its not love if there's no sacrifice" ~JQM