Chapter 17: Tragedy

4 0 0
                                    


Zayn's POV

"Loves, sorry" bulong ko habang nakayakap parin kami sa isa't isa.

"Di ko alam kung anong problema pero gusto kong malaman mo na nandito ako para tulungan ka. Nandito ako para sayo loves. Sana sabihin mo sakin kung anong problema. Mahal na mahal kita loves" dagdag ko pero nagulat ako ng bigla niyang inalis ang pagkakayakap niya't itinulak ako palayo sa kanya. Umiiyak siya

"Sorry zayn. Di ko pa kaya. Naguguluhan ako. Di ko alam kung anong dapat kong gawin. Nahihirapan na ako. Please lang zayn. Hayaan mo na muna ako. Please lang" sambit niya habang patuloy parin sa pagpatak ang mga luha niya

Napakunot ang noo ko't napatiklop ang mga kamao ko. Di ko na napigilan ang sarili ko. Di ko kayang mawala na naman ang tanging taong nagpapasaya sakin. Akin ka lang loves. Akin ka lang.

Inabot ko ang kamay niya at hinawakan ko ng mahigpit. Nagulat siya sa ginawa ko at tiningnan niya ako ng may takot. Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto...

"Zayn! Anong ginagawa mo dito?" Sambit ng lalaking pumasok

-----

Harry's POV

"Sorry loves" sambit ko  habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata niya. Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko.

"Loves. Mahal na mahal kita at ayokong mawala ka kaya please. Wag mo kong ipagpapalit ha" sambit niya ng nakangiti at pinisil pisil ang kamay kong hawak niya.

Ngumiti lang ako at tinitigan ang mga mata niya. Biglang lumitaw  sa isip ko ang mukha ni angel. Bumalik sa alaala ko ang una naming pagkikita, ang pagdating niya sa school namin at ang pagsandal ng ulo niya sa dibdib ko. Napailing nalang ako sa naalala ko.

"Ok ka lang ba?" Tanong niya ng mapansin niya ang pag-iling ko.

"Ok lang ako" tangi kong sagot sabay ngiti.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong niya sabay lapat ng likod ng kamay niya sa noo ko

"Sobrang init mo! kailangan ka na talagang dalhin sa hospital
Tatawagin ko si manang. Dadalhin ka na namin sa hospital" sambit niya at agad na tumayo at aalis na sana kaso hinawakan ko ang kamay niya kaya agad siyang napahinto.

"Wag na loves ok lang ako. Uminom naman na ako ng gamot eh" pagpigil ko sa kanya habang pilit ding pinipigilan ang pagpikit ng mga mata.

"Sobrang init mo loves kailangan mo ng dalhin sa hospital, wag ng matigas ang ulo" sambit niya at agad na inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. Naglakad na siya palayo at palabas ng kwarto at di ko na siya napigilan.

Pagkatapos niyang lumabas ng kwarto ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib at biglang sumakit ng sobra ang ulo ko, nakaramdam ako ng parang masusuka kaya't agad akong napatayo kahit hirap na hirap ay pinilit kong bumangon at tumayo. Kailangan kong umabot sa cr. Nakatayo na ako habang ginagamit na suporta ang maliit na cabinet sa gilid ng kama ko. Magsisimula na sana akong maglakad papunta sa cr  ng nagsimula na rin akong mahilo, ang buong paligid ay umiikot sa paningin ko at maya-maya lang ay pumikit na nang kusa ang mga mata ko at naramdaman ko na lang ang agad na pagbagsak ng katawan ko sa sahig...

(BLOG!)

-----

Zayn's POV

"Zayn! Anong ginagawa mo dito?"

Agad akong napabitaw sa pagkakahawak ko sa kamay ni loves at nakaramdam ako ng sobrang kaba ng dahil sa titig sakin ng kuya niya

"Kuya?" Gulat na tanong ni loves habang pinapahid ang mga luha sa mga mata niya

"A-anong ginagawa mo dito?" Dagdag pa niyang tanong

"Siya dapat ang tinatanong ko niyan? Anong ginagawa mo dito zayn? Ha? At bakit umiiyak ang kapatid ko ha?" Agad siyang lumapit sakin at hinila ako palapit sa kanya sa pamamagitan ng paghila sa kwelyo ng damit kong suot.

"Kuya bitawan mo siya! Wala siyang ginagawang masama! Nag-uusap lang kami! Kuya ano ba! Bitawan mo si zayn!" Pagmamakaawa ni loves sa kuya niya.

"T-teka lang po. Magpapaliwanag ako. W-wala po akong g-ginagawang masama!" Sambit ko habang hirap ng huminga dahil sa pagkakatiik sakin ng damit kong hinihila niya

Bumuntong hininga siya at binitawan ang damit ko.

"Mag-ayos ka ng damit at itsura mo queen, may pupuntahan tayo" sambit niya habang nakatitig sakin. Wala akong magawa kundi ang tumayo lang at matulala.

"Saan tayo pupunta kuya?" Tanong ni loves na nakatingin sakin na tila nag-aalala

"Basta! Sa byahe ko na sasabihin. Bilisan mo na't kailangan na nating umalis" sagot ng kuya niya na tumataas na ang boses at tila galit.

"P-pero kuy---" "P*TANG*INA! SINABI NG BILIS NA EH!" di natapos ni loves ang sasabihin niya dahil sumigaw na ang kuya niya

Nagulat si loves sa ginawa ng kuya niya at tila nakaramdam din siya ng takot kaya't agad siyang tumakbo papunta sa loob ng isang kwarto

"Anong ginagawa mo dito ha? Anong ginawa mo sa kapatid ko ha? Bakit yun umiiyak?" Sunod sunod na tanong niya sakin at titig na titig siya sa mga mata ko. Lalo akong natakot at kinabahan.

"P-pasensya na po. N-nag-u-usap lang po k-kami ni a-angel. K-kinakausap ko lang po siya. Humihingi po kasi ako ng sorry, meron lang po kasi kaming tampuhan. P-pasensya na po" nau-utal-utal kong sagot ng dahil sa sobrang takot at kaba

"Wala akong pake kung mahal ka man o hindi ng kapatid ko, at lalong wala akong pake kung manliligaw ka niya. Tandaan mo 'to! Hindi kita gusto para sa kapatid ko! Pero dahil mahal ko ang kapatid ko ay hahayaan ko siya sa kung anong gusto niya. Pero tatandaan mo! Pag may ginawa ka sa kapatid ko, pag pinaiyak mo pa siya ulit at pag ginago mo siya. Di ko alam kung anong pwedeng magawa ko sayo!" Pagbabanta niya sakin na agad nagpalakas sa kabog ng dibdib ko.

Bumuntong hininga siya at nagsalita ulit...

"Umalis ka na! Ayokong makita ko pa ang pagmumukha mo dito sa bahay! Umuwi ka na sa inyo! Wala akong pake kung magkasakit ka o maaksidente ka, basta gusto kong umalis ka sa harapan ko. Alis na!" Sigaw niya at agad na akong tumakbo palabas ng bahay at sumugod sa ulan. Agad kong sinuot ang helmet ko at pinaandar ito palayo. Sobrang lakas parin ng ulan kaya't di ko na masyadong nakikita yung daan at sa di ko inaasahang pagkakataon ay biglang lumitaw ang isang basang basang aso sa harapan ng motor ko kaya agad akong umiwas kaso dumulas ang gulong ng motor hanggang sa magpagewang-gewang to at nabunggo ako sa isang poste kaya't agad akong tumilapon sa daan. Nagpaikot-ikot pa ako pagbagsak ko sa kalsada. Pakiramdam ko ay nabali lahat ng buto ko. Sobrang sakit ng buong katawan ko at halos mabasag ang helmet na suot ko ng tumilapon ako sa kalsada. Umiikot na ang paligid sa paningin ko at maya-maya lang ay nawalan na ako ng malay...

-----

Liam's POV

Lumabas na at kumaripas paalis si zayn at maya-maya lang ay lumabas na si queen.

"Kuya! Asan na si zayn?" Nag-aalala nitong tanong

"Wala na. Pinauwi ko na"

"Ano? Kuya! Ok ka lang ba? Ano bang problema mo? Alam mo bang sobrang lakas ng ulan? Baka magkasakit yun! Baka kung mapano pa yun! Ano bang inii-" di ko na siya pinatapos sa pagsasalita at di ko na rin napigilan ang sarili ko halos napasigaw na ako...

"INATAKE SA PUSO SI MAMA!!!" Napangitngit nalang ako't napatiklop ang mga kamao pagkatapos kong sabihin yun

.
.
.
.
.
.
.
.
"a-ano?"

xxx

When Destiny PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon