Harry's POV
(The next morning)
"Manang. Alis na po ako" pagpapalam ko kay manang dolores na yaya ko habang sinusuot ko ang sapatos ko
"Ingat ka anak" sagot ni manang
"Opo. Salamat po. Alis na po ako" sambit ko at naglakad na ako palabas ng bahay...
Nakalabas na ako ng bahay at isinara na ang gate at ng paglingon ko ay di ko inasahan kung anong nakita ko...
We? Tunay ba 'to? Haha katapat bahay ko lang siya? We? Di nga? Haha huta! Sign ba 'to lord? Di ko alam kung bakit o pano pero naramdaman ko na lang na kusang ngumiti ang mga labi ko. What the f? Kumakabog na naman ang dibdib ko.
"Hi" sambit ko ng nakangiti at may kasamang pagkaway pa
"Ah a-ano hello" sagot niya na tila nahihiya pero ngumiti parin kaso mukhang pilit.
Lumapit ako sa kanya
"Sabay na tayong pumasok?" Alok ko with matching killer smile pa. Tumango lang siya at umiwas na ng tingin pero napansin ko parin ang pamumula ng mukha niya. Mukhang effective yung killer smile ko ah haha
Naglakad na kami at walang sinuman ang nagsasalita maya-maya ay kinuha niya ang earphone niya at nilagay sa tenga niya. Patuloy lang kaming naglalakad ng ganun ng di ko na natiis at inalis ko yung earphone sa tenga niya at pinatigil ko siya sa paglalakad...
Nagulat siya at mukhang naguguluhan.
"Queen, galit kaba saken? Iniiwasan mo ba ako? Bakit? May nagawa ba ko sayo?" Medyo frustrated kong tanong habang nakatitig sa mga mata niya
Tila nagulat siya sa sinabi ko. As in mukha siyang gulat na gulat. Haha ang cute niya. Maya-maya ay biglang namula ang mukha niya. Woah! Lalo siyang naging cute! Haha
Iniiwas niya ang tingin niya bago siya sumagot "Hindi ako galit. Wala kang kasalanan. Sorry" sagot niya na tila kabado at saka nagmamadaling tumakbo palayo sakin at sumakay sa jeep. Iniwan niya ako dun na nakatayo pero agad ko siyang sinundan at sumakay rin ako sa jeep na sinakyan niya. Nakasakay na kami ngayon sa jeep na papunta sa school at magkalapit lang ang pwesto namin. At dahil siksikan, sobrang close namin sa isa't isa. As in dikit na dikit siya sakin...
Bigla akong napatingin sa kanya at napansin ko na inaamoy niya ako. Haha"Wag mo kong amuyin. Alam kong mabango ako.. Queen." Pabulong at nakasmirk kong sabi.. Bigla siyang namula.
"Hindi kita inaamoy noh! Ang kapal ha! Ano ka? Pabango?" Sagot niya sabay iwas ng tingin.
After nung incident na yon, Nanahimik nalang siya nang buong byahe. Napapangiti na lang ako sa mga nangyayari ngayon.
Nasa tapat na kami ng school ng pumara siya kaso hindi tumigil ang jeep. Pumara ulit siya pero hindi parin 'to tumigil, hanggang sa nakalampas na kami ng school kaya sumigaw na rin ako ng para at nagulat kaming lahat ng huminto ng biglaan ang jeep at dahil sa lakas ng preno ay napatulak kami pauna at dahil nasa unahan niya ako ay napatulak siya papunta sakin at tumama at sumandal ang ulo niya sa dibdib ko...
*Dug Dug, Dug Dug* what the F!?! Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Shet! Bakit ganto? Bakit ngayon pa? The F! Tila bumagal ang lahat nang nangyayari. Shet! Nakadikit parin ang ulo niya sa dibdib ko. Baka maramdaman niya yung malakas na kabog ng dibdib ko. The F!
Iniwas niya ang ulo niya at bumaba na siya ng jeep. Agad naman akong sumunod sa kanya. Ano ba yan bro? Sinasadya mo yata 'to eh.
Hinabol ko siya at nakapasok na kami sa loob ng school.
---------
Diana's POV
"Salamat po kuya" pagpapasalamat ko sa driver ko pagkatapos kong makababa sa sasakyan
"Ingat po ma'am" sambit niya at umalis na
Naglalakad na ako papasok ng school ng makita ko si loves na tumatakbo papasok ng school at nagulat ako ng makita kong may sinabayan siyang babae sa paglalakad. Sino yun? Anong ginagawa niya? Lalapit sana ako sa kanya ng bigla akong tinawag ni dona, kaklase ko.
"Oy! Diana! Sabay na tayo!" Sigaw niya at wala akong nagawa kundi hintayin siya kahit gustong gusto kong lapitan si loves. *sighs* sino kaya yung babaeng yun. Ahhhh... Yari ka sakin mamaya, ikaw na Fak boy ka!
---------
Zayn's POV
"Goodmorning z" bati sakin ni cindy pagkapasok ko sa room
"Goodmorning" balik kong bati with matching killer smile.
Umupo na ako at nagulat ako sa nakita ko. Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad kong nakita ang sabay na pagpasok ni angel at harry sa room at pareho silang nakangiti at namumula pa ang mukha ni angel. Anong meron? Anong nangyari? Atsaka teka... Bakit sabay silang pumasok? At bakit nababadtrip ako?
xxx
![](https://img.wattpad.com/cover/122113077-288-k224496.jpg)
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionA story of love and misfortunes "Its not love if there's no sacrifice" ~JQM