6 // Bucket List

54 3 0
                                    

CHAPTER 6:

Zev Dela Gracel's POV

PALAWAN:

Day 2

Nagaayos na ako ngayon. Marami daw kaming gagawin ngayon sabi ni Kuya. Grabe, inaantok pako. 8 pa lang ng umaga for crissakes!

Sa totoo lang di kasi ako masyadong nakatulog kagabi. Pagkatapos ng usapan namin ni Dillon, mas hindi ata ako nakatulog. Ewan ko ba. Ba't ba ako apektado!? Saka, ba't kasi hinalikan niya ako sa noo? Ginagawa niya naman dati iyon pero ang unusual na kasi. Di ko alam. Ayokong bigyan ng malisya pero diko mapigilan. Tigil na nga, Zev. Hayyy.

Today, nag-suot ulit ako ng isang beach dress. Pero white na lang ang kulay niya tas below the knee na. Sa loob nakasuot ako ng bikini na navy blue naman ang kulay. Tapos yung buhok ko, naka messy bun lang. Tinatamad kasi ako mag-ayos masyado. Inaantok pa talaga ako huhu.

"Zev, come on! Let's go inside the hotel restaurant, we're going to have breakfast. Nandun na silang lahat." Tawag sakin ni Mum. Mukhang kaming dalawa na lang ang naiwan.

Lumabas na ako. Nakita ko si Mum na nakasuot din ng beach dress. Fashionista talaga ang Mum ko. Parang di tumatanda.

Dumiretso kami sa hotel, may restaurant doon. Nakita ko silang lahat na nakaupo na. Nakahanda na din ang mga pagkain. Mmm, ang sarap! Nawala bigla ang antok ko.

Nakaupo na si Mum sa tabi ni Dad. Naghanap ako ng bakanteng upuan pero yung upuan na lang na katabi ng kay Dillon ang pwede. No choice. Ba't ba ang awkward ko na naman sa kanya?

Nagkatinginan kami. Ang saya niya ahh, malayong malayo sa aura niya kagabi.

"Good Morning. :)" bati niya sakin ng nakangiti.

"Goodmorning." Alangang bati ko sa kanya habang naka sly smile. Umupo na din ako sa tabi niya.

Nagsimula na kami magkainan. Habang kumakain, nagkwekwentuhan silang lahat. Medyo nawawala na din yung pagka-awkward ko at nakikisali na sa kwentuhan. Baka mahalata ng iba. Ayoko naman maging KJ.

-----

Lumipas ang oras at mag-aalas dos na ng hapon. Nag-swimming kami kanina. Sumakay ng banana boat at tinuruan din ako ni Kuya at Dillon na mag-surfing. Nakakatakot siya sa una kasi feeling ko matatangay ako ng alon at tuluyang malulunod. Pero kalaunan, sobrang nakakaenjoy pala. At walang ginawa si Kuya at Dillon kundi tawanan ako. Nagkakasundo sila pagdating sa pang-aasar sakin! On the bright side, okay na din yung ganun para di ako mailang sa kanya.

"Zev, tara!" biglang tawag sakin ni Dillon sabay hila sakin kung saan. Hawak hawak niya yung kamay ko. Naconscious naman ako bigla.

"H-huh? Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko naman sa kanya. Lagi na lang akong ginugulat neto.

Hindi siya sumagot at patuloy pa rin akong hinihila. Mas nauuna siya sakin, pero hawak hawak pa rin niya yung kamay ko.

Tiningnan ko yung kamay namin na magkahawak. Ang lambot ng kamay niya. Naalala ko tuloy yung unang pagkakataon na nahawakan niya ang kamay ko. Napakunot ang noo ko. Ba't ko ba naiisip ang mga ito?!

"Earth to Zev! Uyyy." biglang sabi ni Dillon habang nakalapit yung mukha niya sakin. Parang pilit nyang hinahanap kung saanang tingin ko. Natutula kasi ako. Ano ba yan, ang gwapo naman ng isang toh! Kainis.

Tumingin ako sa paligid. Nakita kong nasa isang parte kami ng beach. May mga employees dito na nag-aasist. At may ibang tao din dito, mukhang may balak din silang gawin kung ano man ang gagawin namin ni Dillon.

"Dillon. Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya habang dahan dahang inialis ang kamay ko na hawak niya. Nacoconscious kasi talaga ako. Wala lang naman sa kanya. Siguro ako lang talaga itong nag-iisip ng kung ano.

"Sea Kayaking :)" sabi niya sabay ngiti sakin, nakikita ko tuloy yung dimples niya.

Pumunta kami doon sa mga nag-aasist. Nginitian kami nung mga nagga-guide.

"Sir, magkakayaking po ba kayo?" tanong nung babaeng nasa 20's palang ata. At kay Dillon lang siya nakatingin. Psh.

Gustong ko sanang sumabat na, obvious ba? Kaya nga pumunta dito diba. Saka nandito din ako noh, hindi lang si Dillon.

"Yes. Double kayaks boat please." Sagot naman ni Dillon sabay ngiti. Kinilig tuloy yung babae.

"Okay Sir hihi." sagot nung babae habang kinikilig at hindi maialis ang tingin kay Dillon.

Bago kami sumakay sa kayak boat binigyan niya kami ng life jacket. At inalalayan ako ni Dillon sa pagsakay sa kayak boat. Saka siya sumakay sa harapan. Nasa likod niya ako.

May tour guide kaming kasama habang nagpapadle papunta sa mga different Island dito sa Palawan. Bawat isla na natatanaw namin from our kayak boat, kinekwento nung tour guide namin kung anong history. Ganun ganyan.

"Uhm. Sir, Ma'am, alas tres napo. Babalik na po tayo." Pagistorbo niya samin na tumitingin sa ganda ng paligid.

"Sige Kuya, bumalik ka na. We'll be okay here." Sagot naman ni Dillon.

"Sure po kayo?" tanong nung lalaking tour guide.

"Yes." sagot naman ni Dillon.

Umalis na yung guide namin. Nakahinto yung kayak boat namin. Napapalibutan kami ng mga malilit na Island. Yung parang mga bato na malalaki. Super ganda ng view. Nakakamangha.

Teka, pinaalis ni Dillon yung tour guide namin. May topak ba siya?!

"Hoy Dillon! Alam mo ba pabalik?!" sigaw ko sa kanya na nasa harapan ko lang.

"Ofcourse. :)" humarap sya sakin, kasi nasa likod niya ako. At ngumiti. Natahimik ako. Yang ngiti na yan, nakakabwiset na. Alam niya atang walang tatanggi sa kanya pag ngumiti sya eh!

Tinanggal niya yung life jacket niya. At aakmang huhubarin ang T-shirt niya.

"H-hoy! A-anong gagawin mo?!" tanong ko na kinakabahan. Ano bang pumapasok sa kokote neto!

Nagpatuloy pa rin siya sa paghuhubad ng T-shirt. Nag-iwas ako ng tingin. Kahit nakita ko na naman siyang naka-topless dati, naiilang parin ako.

"I'll swim? C'mon Zev, join me." sabi niya na nakababa na ng boat. Hinihila niya ng marahan yung kamay ko.

Sanay naman akong lumangoy kaya hindi ako natatakot. Pero kasi, nadidistract ako sa katawan ni Dillon.

"Ayoko ikaw nalang." sabi ko sa kanya.

"KJ neto! Dali na!" sabi niya sabay saboy ng tubig sakin habang tumatawa. Bwiset!

"Bwiset ka talaga! Oo na! Wait." hinubad ko yung life jacket ko. Pero hindi yung suot kong dress.

Inilahad ni Dillon ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman ito at dahan dahang bumaba ng boat.

Nang pareho na kaming nasa tubig, may kinuha siya sa loob ng kayak boat. Isang maliit na bag. May inilabas siya mula doon. Camera? Wow, isang waterproof camera.

"Let's take a picture, Zev. But this time, under the water. Game?" Tanong niya sakin habang ngininitian ako. Lumilitaw na naman ang dimples niya.

"Game!!! =)" excited kong sang-ayon sa kanya. Isa kaya yon sa bucket list ko! Ang kumuha ng picture under the sea.

→To be continue...

Steal His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon