CHAPTER 26:
Maxelle Go's POV
Tatlong araw na lang at graduation na namin. Hay, ang bilis talaga ng panahon.
"Gurl, si papa travis oh... chura naman ng fes ni ati." biglang sambit ni Ian sakin habang nginunguso si Travis sa di kalayuan.
May pinopormahan kasi si Travis na tiga kabilang seksyon. Yung may mahabang buhok at maigsing palda. Tss, kakatapos pa lang ng practice ay puro kalandian na agad ang inaatupag ng mokong.
"B, sasama ba si kuya later?" bigla namang tanong sakin ni Zev na nasa kaliwa ko naman, may ka-text. Ewan ko nga kung sino iyon eh.
"Oo daw eh." nakangiting sagot ko sa kanya.
May gig kasi ulit si Lyle sa bistro ng kanyang daddy. Siguro ay naghahanda na iyon para mamaya, nauna na kasi siyang umuwi at kami kami na lang nina Ian, Jeiel, Zev, Ako at si Travis ang naiwan dito sa canteen. Nanginginain.
"Sila Dillon nasaan?" curios na tanong ni Jei.
"Nag-basketball kila Migz, kasama din si Mon. Susunod na lang daw sila." sagot ni Zev habang nakatingin pa rin sa screen ng kanyang cellphone.
Napakunoot ang noo ko.
"Why itech nagpaiwan si papa travis?! Omygulay himala!" di makapaniwalang tanong ni Ian. Pano ay pag basketball ang usapan di nagpapahuli si Travis.
"Ano pa ba edi may nilalandi kaya nagpaiwan." sagot ko kay Ian.
Nakita namin si Travis na papalapit dito habang nakangiting aso. Mukha.
"Oh, why the long face Max?" tanong agad sakin ni Travis pagkaupo niya sa harapan ko. Ngiting ngiti pa rin siya. Di ko na lang sinagot.
"Ay baka namimiss niya na yung jowabels niyang yummy! Omg!" kinikilig na pahayag ni Ian. Hindi ko namang mapigilang mamula kapag nababanggit si Zaid.
Napanguso na lang si Travis. At medyo kumunot ang noo niya.
"Kayo na?" tanong niya.
"Soooooon, travis!" singit ni Zev habang tumatawa pero nakatuon pa rin ang tingin niya sa cellphone niya. Sino ba kasing ka-text ng babaeng 'to? Siguro ay si Lyle. Oo, baka nga.
Nakitawa sila Jei at Ian.
"You really love him?" tanong ni Travis habang tinitingnan ang mukha kong namumula. "Of course noh, Travis! Diba Max?" sagot ni Jei para sakin.
Wala akong nagawa kundi ang tumango.
Pero si Travis ay nakatitig pa rin sa akin. Nakakaconscious naman, mamaya may dumi pala ako sa mukha.
"Uy, Travis! Naiinggit ka ba, gusto mo ata love ka din ni, B." singit ni Zev na nabitawan na sa wakas ang kanyang cellphone.

BINABASA MO ANG
Steal His Heart
Подростковая литератураThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...