CHAPTER 8:
Zev Dela Gracel's POV
PALAWAN:
Day 3
Last night na namin ngayon. :(
Bukas ng madaling araw, babalik na kami sa Bulacan! Wednesday bukas, may pasok. Miss ko na din naman sila Lyle. Sana makapasok pa ko bukas, kung makaka-abot ako. Kung hindi nman sa tanghali na lang ako papasok. Miss na miss ko na sila!
7:30 am pa lang ng umaga. Tulog na tulog pa si Kuya. Himala na nagising ako ng maaga gayong may party kaming dinaluhan kagabi. Naalala ko tuloy yung nangyari. Yeah, gusto ko na si Dillon. Pero di naman ako umaasa noh. Mahirap na.
Naisipan kong tingnan ang phone ko. Di ko kasi nagagalaw ito eh. May WiFi pala dito! Di man lang nagsasalita si Kuya!
Una kong tiningnan ang instagram ko. Nakita ko ulit yung pinost ni Dillon. Oh my god. Ang daming nag-like na mga schoolmates namin! Napakadami ding comments! But, isa dun ang nag-stand out.
yannasmith: stay away from my babe bitch @zevdgracel
Ilan sa mga kaibigan niya ang sumangayon sa comment niya. Ang iba din ay nakikisawsaw. Sikat si Yanna, cheerleader siya sa school. Kaya di nako nagtatakang maraming magtatanggol sa kanya.
Samantalang, ako naman ay di gaano. Marami akong kilala at kaibigan sa school pero di ako sikat. Iyong iba ay nakilala ko sa iba't ibang club na sinalihan ko: Book lovers club, Glee club, Dance troupe, photograhy club, etc. Yung iba naman ay mga naging kasamahan ko sa varsity ng badminton.
Slut, flirt, whore, malandi, maarte, mangaagaw, sulutera at iba pang masasakit na salita ang tinawag nila sakin dahil lang sa isang picture na iyon namin ni Dillon. Immature aliens! Grr. Wala naman silang alam, kung makapagsalita!! I bet Dillon doesn't knew about this, di kasi iyon nagbabasa ng mga comments. Sanay na yun, lagi naman kasi madami.
Nawala tuloy yung excitement kong pumasok. Siguradong issue toh sa buong Ambridge Academy. But, come to think of it. Wala naman akong kasalanan ahh. Siya nga tong dapat na tawaging bitch!! Cheater, psh. Bayaan na nga siya. Ayokong magpa-apekto sa ka-immaturan nila. Hindi worth it! Nagbasa na lang ako ng mga messages sa facebook.
From: Lyle William
Dude! Sama kooooo. :c (With an attachment of Lyle's lungkot selfie)
Miss na kita.
I saw the instagram post. Why are you with him?
Crush mo pa rin siya?
DUDE! WHY AREN'T YOU REPLYING?!
You orayt? Don't mind Yanna.
Aww. Natouch naman ako kay Lyle. Ngayon ko lang toh lahat nakita. Sinendan pa talaga ako ng malungkot na selfie niya. Hahaha! Too late ngayon ko lang nakita, di na tuloy sya nakasama. And pa-kyot talaga yan at super vain palibhasa alam niyang gwapo siya. Nireplayan ko siya at ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Para di na sya magwala sa kanila, haha! Pero, di ko sinagot yung tanong nya kung crush ko pa si Dillon. Secret ko muna toh. He'll understand naman siguro.

BINABASA MO ANG
Steal His Heart
Fiksi RemajaThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...