19 // Before Three

54 3 0
                                        

CHAPTER 19:

 
WEDNESDAY: 12:45 NOON

Zev Dela Gracel's POV

Hay, salamat tapos na din ang exams!! Time for me to slack off.

Papauwi na 'ko samin tutal wala naman akong lakad ngayon. Dala ko yung bago kong kotse, isang Audi na kulay red. Yeah, advance graduation gift! Buti na lang sanay na 'kong mag-drive kaya pinayagan nakong gamitin yun kahit di pa ko eighteen.

Pababa nako ng hagdanan nang matanaw ko si Silver. Actually, we're kind of friends(?) now. Since last last night.

Naalala ko tuloy yung nangyari sa bistro bar nila Lyle.

*Flashback*

Bakas sakin ang pagkagulat dahil sa pagkakakilanlan niya sa pagkatao ko. How come? Maybe beacause he is a playboy. Or nah?

"Lyle talks about you all the time. That's why." sabi niya. Napansin niya ata ang pagtataka ko.

Ano naman kayang kalokohan ang pinagsasabi ng Lyle na yun! Eff. Nakakahiya.

Saka ba't ba ngayon ko lang nalaman na magka-banda pala sila! Stupid me for not giving a fuck about Lyle's band & gigs!!

"Oh. That butt face." bulong ko. Pero mukhang narinig niya ata kaya napatawa siya ng mahina.

"Guys, pwede maka-istorbo? Malapit na kasi kaming tumugtog." biglang salita ni Drei habang nakakunot ang noo. Napakagat ako ng labi. Ngumisi naman si Silver.

"Tara!" aya ni Silver. Papasok na sila ng bistro bar pero hesitant pa rin ko dahil ayokong makita ang eksena kapag nagkita sila ni Dillon. Pero mukhang wala akong choice nang lumingon si Silver sa direksyon ko. "Zev?" tanong niya. "Ah, ayan na." sabi ko at sumunod na sa kanila papasok.

Steal His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon