CHAPTER 17:
Zev Dela Gracel's POV
Pagkatapos naming mag-icecream ay nagpasya kaming umalis na doon sa mall para mag-roadtrip. Nasa loob kami ng sasakyan ni Lyle na si 'baby'. Si dude ang nagdadrive. Nakaupo ako sa shotgun seat habang ang dalawa namang kanina pa bumibirit sa pagkanta ay nasa backseat.
"You say that I'm messing with your head! Yeah, yeah, yeah, yeah!♪" umpisang kanta ni Max habang winawagayway pa ang mga kamay sa ere. Good mood na siya ah.
"All 'coz I was making out with your friend. Yeah, yeah, yeah, yeah!♪" sunod na birit naman ni Travis na feel na feel ang pagkanta sa kanta ni Avril Lavinge na 'What the Hell'. In fairness sakto sa kanya yung linya na 'yun. Playboy na playboy ang dating. Haha!
Napatawa na lang kami sa kanya. "Dude, ikaw na bili!" utas ni Lyle sakin. Napangiwi ako pero sinakyan ko na lang din ang trip nila.
"Love hurts whether it's right or wrong.♪" napangiti naman si Lyle sa pagkanta ko. Pero sa kalsada pa rin siya nakatingin. "Yeah, yeah, yeah, yeah!♪" masayang kanta nila Travis at Max mula sa backseat.
"I can't stop 'coz I'm having too much fun.♪" kanta ni Lyle sa matigas na english. Ang ganda talaga ng boses ng isang 'to! Ang lamig sa pandinig.
Pinagpatuloy lang nila ang pagkanta habang nakikitawa na lang ako. Kumakanta naman ako, pero wala lang talaga ako sa mood ngayon.
Kahit papano nakakalimutan ko yung mga problema ko pag kasama ko sila. Lalo na si Lyle. Ang carefree kasi ng attitude niya. Parang laging chill lang. Ganun din naman ako, pero lately parang hindi na masyado. Maybe because of what I feel for Dillon. Pag kasama ko kasi si Dillon ay hindi mapakali yung puso ko. Parang lagi akong naghuhuramentado pag malapit siya sakin. But, it's a different story now, nasasaktan na ako. After what happened that night, hindi ko na alam kung papaano ko ba i-aaproach si Dillon. Magkaibigan pa rin naman kasi kami. Makakausap at makakausap ko siya sa ayaw ko man o sa gusto ko.
Bahala na nga!
Sasakit lang ang ulo ko sa kakaisip.
Hininto ni Lyle ang sasakyan niya sa gilid ng kalsadang konti lang ang dumadaan. Ewan ko kung saan ito, pero ang ganda ng view sa labas. Parang country side ang dating. Isang open space ang nakaharap samin ngayon. Tanaw na tanaw ang mga naggagandahang ulap at mayroon ding bundok mula doon sa malayong lugar. Dumagdag pa ang ganda ng papalubog na araw.
Bumaba kami isa isa para magpahangin. Sumandal ako sa harapan ng sasakyan ni Lyle. Tumabi siya sakin. Habang ang dalawa naman ay busy sa pagse-selfie. Mukhang naaaliw din sila sa view na tanaw namin mula sa pwesto ng sasakyan ni Lyle.
"May gig pala kami bukas after the exam, you should come." Hindi siya nagtatanong, pinapapunta na niya talaga ako. Napatingin ako sa kanya.
"Bakit, aber?" nanliliit ang mga mata kong tanong sa kanya. "Coz I want you there." sabi niya atsaka ngumisi sakin habang tinataas baba ang mga kilay niya.
BINABASA MO ANG
Steal His Heart
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...