CHAPTER 27:
Third Person's POV
Kanina pa nagsimula ang pagtugtog ng banda nila Lyle, Silver, Drei at Troye. Halos nakaka-tatlo na nga silang kanta ngunit wala pa rin namang nangyayaring strange para kay Zev.
Mukhang prinaprank lang ako ng isang 'yun ah. Isip isip ni Zev.
Tumingin si Zev sa paligid.
Doon sa kabilang table sa may right side, ay nakita niya ang kanyang Kuya Zaid at si Max na nakasandal sa balikat nito. Habang nakatingin ang dalawa sa stage ay kinikilig niyang kinuhanan ito ng stolen picture.
Sabay pakita sa dalawa niyang katabi na sina Ian at Jeiel. Ngising ngisi silang tatlo.
"Hoy, quit gushing!" masungit na saway sa kanila ni Travis.
Sinimangutan nila ito. KJ.
Habang patuloy sa pagkanta si Lyle ay naramdaman ni Zev na nagvibrate ang cellphone niya sa kanyang palad. Agad niya itong chineck.
From: Dillon
Can we stroll outside?Agad tumaas ang tingin ni Zev kay Dillon na nasa kabilang table din, sa may left side nga lang. Kasama niya doon sila Migz at Mon. Mukhang umiinom ng alak. I hope it's not hard liquors. They bought their cars pa naman. Isip ni Zev.
To: Dillon
Can't. Lyle's singing pa.Si Dillon naman ang nagbaling ng tingin niya kay Zev. Ngumuso ito at mukhang nag-iisip. Crap, remind me again on why did I decided to sat here. I badly wanna be with her. Isip ni Dillon.
From: Dillon
Please? We'd be back at their second set.Ang tinutugtog nila Lyle ngayon ay ang first set pa lang ng mga kanta na puro covers ng banda nila. While the second set of songs ay puro composed naman ng banda. Mainly ni Lyle. Ngunit mamaya pa naman iyon dahil mag-brebreak muna sila.
To: Dillon
Sige na nga. You go first.Naunang lumabas si Dillon sa bistro bar. Hindi naman ito napansin ng iba dahil mukhang engrossed na engrossed sila sa bandang tumutugtog.
"Oy, pahangin lang ako sandali." paalam ni Zev sa mga katable niyang sina Ian, Jeiel at Travis. Nagsitanguan lang naman ito kaya napahinga ng maluwag si Zev dahil hindi niya na kailangang mangatwiran pa. At baka mausisa pa siya.
Paglabas ni Zev ay nakita niya si Dillon doon sa may dati niyang tinayuan nung last gig nila Lyle na inattendan niya. Nakasuot ito ng white na t-shirt na pinatungan ng kanyang varsity jacket na galing school. Favorite itong suotin ng binata pagkatapos maglaro ng basketball. Oh, that jacket again! Di maiwasang mapuna ni Zev, dahil iyon ang jacket na ipinahiram sa kanya ni Dillon nung gabing sinabi sa kanya nito na nagkabalikan na sila ni Yanna.
Pinagmasdan ni Dillon si Zev nang makalapit ito sa kanya.
"Why did you let me out first? We could go together naman." tanong ni Dillon habang nakataas ang isang kilay.
Oo nga noh. It's like we're sneaking out tuloy. Napaisip isip naman si Zev. Parang secret lovers lang ang peg. Bakit nga ba? Ewan niya rin pero ayaw niya lang. Baka kasi kung anong isipin ng barkada, lalo na at nandyan ang kuya niya at bigyan pa ng malisya. Ang tanong ay kung wala nga ba.

BINABASA MO ANG
Steal His Heart
Genç KurguThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...