CHAPTER 11:
Zev Dela Gracel's POV
At Retreat House in San Del Monte Bulacan...
Pangalawang araw na namin ngayon dito sa San Del Monte Bulacan para sa retreat namin. Nung first day ay halos wala pa naman kaming nagawa dahil tanghali na kami nakarating at pagod sa byahe. Pero kaninang umaga, marami rami na kaming nagawa at marami na din kaming mga natutunan at narealize. How I wish marealize na ni Dillon na para siya sakin. Hahaha! Joke.
Actually, kakatapos lang ng dinner namin. Nagsialisan na yung mga kaklase ko para magpunta sa kani-kanilang assigned rooms. Ang mga girls ay hinati sa dalawang grupo. Dalawang malaking rooms ang naka-assigned samin, sampung tao sa bawat isang kwarto. Thank God at hindi namin kasama si Yanna, at baka madukot ko ang mga mata niyang irap ng irap sa akin. While the boys, well siguradong magugulo yun pag pinagsama sama kaya hiwalay hiwalay sila. Dalawang tao lang bawat room. Di sila hinayaan na ikumpol sa isang malaking kwarto at baka kung anong kalokohan ang maisipan nila.
Naiwan ang mga officers, teachers at helpers sa dining hall. Secretary ako kaya tumulong ako sa pag-aayos ng mga kinainan namin. Pagkatapos mag-ayos ng mga helpers ay nagsialisan na sila. Kakaalis lang din ng mga teachers pagkatapos makipagusap sa mga madre at padre tungkol sa gaganapin na misa bukas ng umaga. Pati ang mga ibang officers ay unti unti na ding umaalis papunta sa kwarto nila. Hanggang sa kaming dalawa na lang ni Tanya ang natira. President ng klase namin si Tanya, napakasipag niya at sobrang bait. Pero minsan strict at nakakatakot magalit.
"Zev, mauna na ako ah. Okay ka lang ba dyan?" tanong niya sakin habang hinuhubad ang apron na suot niya.
"Yap! Go on, I'm okay." sabay ngiti sa kanya. Ilalagay ko pa kasi sa mga kabinet ang ibang mga natirang plates at basong hinugasan kanina.
"Sabi mo ah. Aayusin ko pa kasi yung mga letters. Ipapamigay na yun later eh. Sige ah." tinapik niya ng mahina ang braso ko at tinanguan ko naman siya. Umalis na siya at iniwang bahagyang bukas ang pintuan. Ang dami niya pa palang gagawin, ang hirap nga talagang maging president.
Binilisan ko na ang paglalagay ng nga kitchen wares sa cabinet. Ayoko naman magtagal mag-isa dito, natatakot din naman ako noh. Tiningnan ko ang relo ko, 7:30 na pala ng gabi.
Nang makatapos ako sa gawain ko ay hinubad ko na ang apron na suot ko at tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko. Nagpunas ako ng kamay sa bimpong nakasabit sa refrigerator. Saka ako lumapit sa pintuan, malapit kasi doon ang patayan ng ilaw.
Pagkapatay ko sa ilaw ay aalis na sana ako nang biglang may pumasok na lalaki. Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat. Nakayuko siya sa harapan ko, habang nakatukod ang mga kamay niya sa kanyang tuhod. Tila ba'y hinihingal siya. Pagkatapos niyang bumawi sa paghinga ay tumayo siya ng maayos at saka ako binalingan ng tingin. Napasinghap ko.
"Shhh." sabi niya habang nakalagay ang index finger niya sa kanyang labi.
"D-dillon..." pabulong na sambit ko sa pangalan niya. Mas naging magulo ang messy niyang buhok dahil siguro sa pagtakbo. Naka black pants siya at nakasuot ng isang navy blue v-neck t-shirt na may nakaprint sa gitna na 'Shits Happening'. He looks frustratedly handsome!!
Nakatingin kami sa isa't isa. Ako na gulat at siya na mukhang nagiisip ng gagawin. Nakarinig kami ng yapak ng mga paa mula sa labas. Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Dillon ang kamay ko at bigla akong hinila sa likudan ng pintuan. Para bang may pinagtataguan siya. Napasandal ako sa pader at siya naman ay nasa harapan ko habang nakatukod ang kanang kamay sa pader na sinasandalan ko. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya masikip sa pwesto namin.

BINABASA MO ANG
Steal His Heart
Novela JuvenilThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...