CHAPTER 28:
Third Person's POV
Pagkabalik nina Dillon at Zev sa bistro bar ay nag-aayos na ulit ang banda nila Lyle para sa kanilang second set. Dumeretso ang dalawa sa kanina nilang inuupuan na parang walang nangyari. Nagpapasalamat si Zev sa loob loob niya, dahil hindi siya pinansin ng Kuya Zaid niya. Na kay Max lang kasi ang buong atensyon nito. Ngunit ang tingin nila Ian at Jeiel kay Zev ay hindi matanggal.
"What?" maang-maangan ni Zev.
"Asus!" sabay na pahayag nila Ian at Jei habang nakangiti ng nakakaloko.
Naudlot lang ang panunukso ng dalawa kay Zev, nang magsalita si Lyle gamit ang mic sa stage. Nakatayo ito katapat ng isang mic na may stand, hawak hawak ang isang puti at itim na electric guitar. Napansin din ni Zev na nagpalit ng damit si Lyle, nakasando-shirt na itim na lang ito at kitang kita ang hubog ng kanyang mga braso.
"This next song that we'll play means so much to me…" pasimula ni Lyle, lumingon siya sa paligid at nahanap niya ang mga mata ni Zev. Kinagat niya ang kanyang labi sabay ngisi sa best friend. "Dude, this is for you." malumanay na sambit ni Lyle kay Zev. Napa-awwh ang mga tao dahil sa kilig.
Maski si Jeiel ay hindi mapigilan ang sarili sa pagtili. "Huwag kang malikot gurl, natatapakan mo yung hairlalu ni Zev." sabi ni Ian at nagtawanan silang dalawa.
Si Zev naman ay walang nagawa kundi ang tumingin lang sa kanila. At makinig sa kanta ni Lyle. Why am I nervous? Gosh, is this what he talkin' about awhile ago? Tanong ni Zev sa sarili. Pareho silang tuliro ni Travis na kanina pa palingon lingon sa kabilang table.
♪ I bite my tongue but I wanna scream out.
You could be with me now.
But I end up telling you what you wanna hear.
But you're not ready and it's so frustrating.
He treats you so bad and I'm so good to you, it's not fair. ♪
Pumikit si Lyle habang nakangisi. She promised… Iyan ang mga katagang pinang-hahawakan niya habang patuloy siya sa pagkanta.
Si Zev ay walang masabi, natuyuan ata siya ng lalamunan. Pasumandaling nawala sa isipan niya si Dillon. Ngunit ang mga katabi niya ay walang humpay sa kakatili except nga lang kay Travis syempre.
♪ And when the phone call finally ends.You say I'll call you tomorrow at ten.
And I'm stuck in the friend zone again and again. ♪
Noong una ay hindi pamilyar si Zev sa kanta, ngunit kalaunan ay naalala niya ang crumpled paper na nakita niya sa kwarto ni Lyle. It's that song... He wrote it for me? Hindi makapaniwalang pahayag ni Zev sa sarili.
Napalingon si Dillon kay Zev, pinagmamasdan ang reaksyon nito. Aware siya sa gustong ipahiwatig ni Lyle. Alam niyang hindi malabong magkagusto din ito sa dalaga. Sigurado din siya na yung 'He' sa 'He treats you so bad' na tinutukoy ni Lyle sa kanyang kanta ay walang iba kundi sya. Ngunit mas iniisip niya ngayon si Zev. What is she exactly thinking? Dammit. Hindi mapakali si Dillon.
BINABASA MO ANG
Steal His Heart
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...