CHAPTER 24:
Maxelle Go's POV
Friday ngayon pero walang practice para sa graduation kasi may laban ang varsity players ng school. Kaya ang saya ko.
Makakapag-update kasi ako ng story ko sa wattpad, yung 'That Awkward Moment'.
Nagtatype lang ako sa laptop ko habang nag-sasound trip.
"I'mma tell you one time. ♪" sabay na kanta ko pa kay Justine Bieber.
Nadistract lang ako nang tumingin ako sa screen ng iphone ko at nakita ko ang mga notifications na natatanggap ko.
Ang una ko agad napansin ay ang message na galing kay Zaid.
From: Zaid
Dinner later?
May pasok siya ngayong friday, at mag-aalauna pa lang ng tanghali. Nireplyan ko agad siya.
To: Zaid
Okay. Saan?
Habang naghihintay ako ng reply niya ay tiningnan ko muna ang iba sa mga notifications ko. Siguro ay nagklaklase na sila Zaid kaya hindi siya agad makapagreply.
Nakita ko ang favorites at retweets ng mga kaibigan ko sa mga tweet ko kanina. At ang direct message ni... Dillon?
Nakakapagtaka, di naman kami masyadong nag-uusap nito sa social networking sites. Saka may game sila ngayon ah.
Messages
@DillonFarell: 24 min
Max, can i ask you a favor?
Twenty Four minutes ago pa pala siya nag dm sakin. Ano naman kaya iyon?
@MaxelleGo:
Okay lang. Ano ba yon? Pero teka, diba may game kayo nila travis?
Nagreply naman agad siya. Mukhang importante sa kanya 'to ah.
@DillonFarell:
Yeah, though I can't join, I'm really not feeling well. Fever.
Btw, can you text Zev?
Ah kaya pala, sayang. Malamang mahihirapan sila Travis, Migz, Mon at ang iba pang mga players kung wala si Dillon.
Teka, napakunot ang noo ko. Bakit hindi na lang siya ang mag-text? Wala ba siyang load? Imposible.
@MaxelleGo:
Oh, get well soon. :)
Pero ano namang itetext ko?
@DillonFarell:
Ah, just text her anything and lemme know if she replied.
Ang weirdo ni Dillon ngayon ah.
@MaxelleGo:
Orayt. Wait lang.
Agad ko namang tinext si Zev ng 'B, tanghali na! Uso gumising.' Tulog mantika kasi ang isang iyon.
Nagreply din naman si Zev agad ng 'Kanina pako gising noh! Aren't you proud of me?' Napangiti naman ako at nireplayan ulit siya.
BINABASA MO ANG
Steal His Heart
Genç KurguThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...