16 // Okay?

63 2 0
                                    

CHAPTER 16:

Zev Dela Gracel's POV

Sunday: 10:45 AM

He knew what I feel for him but he still chose Yanna.

Sakit ah.

Narealize kong ang OA ko pala kagabi. Iyak kung iyak. Di ko pa naman siya mahal di ba? Paano ba malalaman kung mahal mo na ang isang tao? Na hindi na gusto ang nararamdaman mo para sa kanya?

Hay. Ang hopeless ko.

"Good morning, baby." masayang bati sakin ni Daddy. Ngumiti na lang ako ng pilit at niyakap siya. Niyakap din naman ako ni Daddy ng mahigpit. Kahit papano gumaan yung pakiramdam ko. Pinilit kong magmukhang masaya sa harapan niya.

"Tumawag si Lyle dito kanina. May lakad daw kayo?" tanong sakin ni Daddy pagkatapos ng yakapan namin. Inaayos niya ang glasses niya."Ah. Yap, Dad! Mamayang one pa naman po yun." sagot ko sa kanya, tumango lang naman si Daddy sakin. Halos nakalimutan ko na tuloy iyong lakad namin ni Lyle kasama sila Max at Travis. Nag-aya kasi silang manuod ng sine. "Call him back, okay? He seems worried about something." paalala niya sakin. Tumango ako at humalik na sa pisngi niya para magpaalam sa kanya. Nakasuot kasi si Daddy ng suit, paniguradong may aasikasuhin sila ni Mum sa business namin.

Pagkatapos noon ay dumiretso na si Daddy sa kwarto nila ni Mum. Nag-aayos pa panigurado si Mum, iyon pa! Sabay siguro silang papasok sa trabaho.

Dumiretso naman ako sa dining room at umupo para sana kumain ng agahan. Nakita ko si Kuya Zaid na nakaupo sa harapan ko, wala siyang suot na tshirt, boxer shorts lang. Hawak hawak na naman niya ang iphone niya pero this time di na siya mukhang kinikilig, ang sama sama nga ng tingin niya eh. May kaaway ba ang isang 'to? Inignore ko na lang siya at nagsimulang kumain ng nakahandang agahan.

Susubo na sana ako ng bacon nang biglang nagsalita siya. "Do you know this asshole?" tanong niya sabay lahad sakin ng iphone niya para ipakita ang isang picture na pinost ni Lyle.

Oh. Picture iyon ng mga kaibigan ko sa retreat namin. Kaso wala kami ni Dillon, siguro ito yung time na nagpunta kami sa lake. Ang saya saya namin nun ni Dillon. Akala ko pa naman, iyon na yun. Turns out na hindi pala. I hate you, akala!!!

Naalala ko pa tuloy. Hay, ayoko na.

Yung tinutukoy niyang asshole ay si Travis. Pano naman kasi kung maka-akbay kay Max ay parang ayaw na itong pakawalan at saka magkatinginan pa sila habang nakatusok ang isang daliri ni Travis sa pisngi ni Max. Ngiting ngiti pa silang dalawa.

Tsk, tsk. Lagot ka na talaga Max.

Max didn't tell me something about this. But I know, it's just a picture. Si Travis pa! Eh playboy ang isang 'yun. Saka si Max, eh patay na patay yun sa Kuya ko.

"That's Travis, our friend." baling ko sa kanya. "Friend. Ha. Yeah, right." sarcastic na sabi niya habang nakasimangot. Seselos lang 'to eh. Bayaan na nga siya para naman ma-threaten din siya katulad ng pagkathreaten ni Max kay Ate Carla.

"Don't mind it, it's just a picture." sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Nagugutom ako. Kagabi ay 'di ko natuloy ang balak kong kumain. Nawalan ako ng gana kay Dillon. Wag mo na nga siyang isipin, Zev!

Steal His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon