CHAPTER 13:
Zev Dela Gracel's POV
What's up with my Mum? Binubugaw niya ba ako? Ay nako.
Kahit naman gusto ko si Dillon ay hindi naman ako ganun kadesperado para pumayag sa pang-bubugaw ng Mum ko. Alam ko namang hindi ako gusto ni Dillon, kaya sana tigilan na lang nila Mum kung ano man yung iniisip nila. Ayoko namang ipilit yung sarili ko sa kanya noh. Saka, okay na yung ganito, friends. Okay nga ba, Zev?
Bumukas ang malaking gate at nagdrive si Dillon papasok doon. Bumungad sakin ang isang three-storey house building. Office style ang design neto, modern na modern tingnan. Naglalakihan ang mga glass na bintana neto at halos puti ang kabuuang kulay. Natanaw ko din ang malaki nilang swimming pool. Wow!! Mas malaki pa yung bahay nila kaysa samin. Ito ang first time kong makarating sa kanila.
Ipinark ni Dillon ang sasakyan niya sa garahehan nila. Natanaw ko ang mga iba pang naggagandahang kotseng naka-park din dito. Mukhang sa kanya din ang iba doon. Hmmm. Spoiled asshole. Palibhasa nag-iisang anak, kaya ibinibigay lahat ng luho.
"Nasa loob din ba ang Dad mo?" tinanggal ko ang seatbelt ko para bumaba sa sasakyan saka inaayos ang naka-messy bun kong buhok.
"Yup. He always take a leave every time my mom's home." pagkababa namin ay ginagalaw galaw niya ang leeg niya, mukhang nangalay siya. Tumango na lang ako at sumunod sa paglalakad niya.
Sila naman ang may-ari ng company (The Famous Farell's Incorporation) kaya siguradong okay lang na mag-leave ang Dad niya sa trabaho. Nalaman ko din na, twice a year lang pala umuuwi ang Mom ni Dillon dito sa Pinas. Fashion designer kasi ito sa France. Ang alam ko ay pangarap nilang dalawa iyon ng Mum ko, pero si Tita Ivy lang ang nakatupad. Ang Mum ko ay naging katuwang ng Daddy sa family business namin na ang forte ay pagpapatakbo ng mga hotels.
Pagkadating namin sa living room nila ay sumalubong agad kay Dillon ang isang napakalaking siberian husky. Kulay puti eto at may kaonting touch ng black. Mukhang wolf!!
"Ahhhh, Dillon!" takot na sigaw ko sa kanya.
Natawa si Dillon nang naramdaman niyang agad agad akong nagtago sa likod niya. Kinurot ko nang bahagya ang tagiliran niya habang nakasimangot. Napa-aray naman siya pero humahagalpak pa rin.
Kasalanan ko bang may phobia ako sa aso? Kairita 'to.
Nakakapit ako sa laylayan ng white Vneck T-shirt ni Dillon. Pilit kong tinatago ang sarili ko sa likudan niya, habang ang aso niya ay tahol ng tahol. Mukhang sabik na sabik sa pagdating ng amo niya. Konti na lang, papasan nako kay Dillon. Natatakot talaga ako. I'm much more panicked than usual.
"Stop, buddy. You're scaring our guest." bahagyang yumuko si Dillon para kausapin si buddy. Hinahaplos niya ito sa ulo para tumigil sa pagtahol at pagdamba sa kanya. Pagkatapos ay saka pinaalis na muna. Nakahinga ako ng maluwag nang nakalayo na ang aso niya. Dogs really freaks me out. And he knows that! Dati pa man.
"You can let go of my shirt now." nakangising sabi niya sakin habang nakatingin sa kamay kong mahigpit na nakahawak pa rin sa laylayan ng T-shirt niya.
Nag-aalangan naman akong tanggalin ang kamay ko don. Paano kung makasalubong ulit namin yung aso niya? I'll freak out! Mukhang nakita niya ang hesitation sa mukha ko kaya ini-offer niya sakin ang braso niya na may ngisi pa rin sa labi. Nang-aasar ba sya?! Bwiset toh, natatakot na nga yung tao nakuha pang matuwa! Sinimangutan ko siya at binitiwan na ang T-shirt niya saka hinampas ng mahina ang braso niya. Humagalpak naman siya.

BINABASA MO ANG
Steal His Heart
JugendliteraturThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...