7 // Fallin'

50 3 0
                                        

CHAPTER 7:

Zev Dela Gracel's POV

Alas singko na ng hapon. Mag-iihaw daw sila sa tabi ng beach. Iyon pa rin ang suot ko, kumuha lang ako ng sarong. Kung sakaling mag-swimming ulit kami, maya maya. Huhubadin ko na lang ang dress ko at isusuot ang sarong para di masyadong makita ang katawan ko.

Kanina, kumuha kami ng maraming pictures ni Dillon. Naalala ko tuloy ang mga mukha namin. Halos lahat ata ay funny faces. Natatawa na lang ako. Masasabi kong mas close kami ngayon kaysa noon. Nakaka-aliw din ang tanawin sa ilalim ng dagat, ang daming kakaibang isda at corals.

"Baby sis!" tawag sakin ni Kuya. Sinenyasan niya ako na pumunta sa kanya. Nakaupo siya doon malapit sa may bonfire kasama si Tita at Mum na nagkwekwentuhan pa rin. Habang sila Dad, Tito Dylan at Dillon naman ay nag-iihaw sa may harapan lang namin.

"Why?" tumabi ako sa kanya.

"Close ulit kayo?" tanong niya sabay nguso kay Dillon. Tumingin ako kay Dillon at napatingin din siya sakin. Nginitian niya ako, nginitian ko din naman siya at nag-iwas na ng tingin.

"O-oo." sagot ko.

"Sobrang close naman ata ngayon. Ayieee. Hahaha!" tukso sakin ni Kuya. If I remember it right, sinesermonan niya pa ako noon tungkol sa mga ligaw ligaw na yan ahh. Sobrang saya niya ata at pati ako pinagdidiskitahan niya na.

"Baliw!" sagot ko sabay hampas sa kanya.

"May papost post pa sa instagram. Hahaha!" tuloy niyang tukso sabay tingin sa iphone niya.

"Anong pinagsasabi mo, Kuya?" takang tanong ko sa kanya. Anong instagram?

Tiningnan niya ako ng nagtataka, at binigyan ng di-mo-alam look. Tumango ako ng nakakunot ang noo. Di ko nga nahahawakan ang phone ko eh. Ano ba kasi yun?!

Ibinigay niya ang phone niya sakin. Naka-open ang instagram niya at nakita ko ang mukha naming dalawa ni Dillon. Picture namin iyon kanina sa ilalim ng dagat. Naka-akbay siya sakin habang ngiting ngiti sa camera. Nakanguso naman ako sa camera. Sobrang saya namin tingnan sa picture na iyon. At ipinost ito ni Dillon.

(*insert picture here*)

dillonfarell: 'Never been this happy'

Pagkabasa na pagkabasa ko sa caption niya. Di ko mapigilan ang mapangiti. Dillon, why do you affect me so much?

Simula noong kagabi na nagka-usap kami, kung ano ano na yung nararamdaman ko. Ewan ko ba. Baka nagiging crush ko na naman siya. What to do?

-----

I can't fight this feeling any longer.

And yet I'm still afraid to let it flow.

What started out as friendship,

Has grown stronger.

I only wish I had the strength to let it show. ♪

Nangiinis ata yung DJ ng party dito eh. Ang dami daming pwedeng iplay ba't yan pa?!

Ngayong gabi, may gaganaping Summer Party sa beach. Iba't ibang makukulay na dekorasyon ang nakapaligid sa beach. Maraming klase ng pagkain at mga alcohol drinks ang nakahanda. Ang mga ilaw ay umiindak kasabay ng pag-indak ng mga tao. Pati ang alon ng tubig sa dagat ay nakikisabay sa indayog ng musika.

Steal His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon