CHAPTER 14:
Maxelle Go's POV
Papunta kami ngayon sa Robinsons Place para i-meet yung ex niya. Wednesday ngayon kaya walang pasok si Zaid at pati na din yung Carla na 'yun. Ano kayang itsura niya? Mas maganda kaya siya sakin? Umiling ako sa isipan ko, kung ano ano na yung naiisip ko.
Habang nagdadrive si Zaid ay pasulyap-sulyap siya sakin. Pagkatapos ay ibabalik ang tingin sa kalsada at biglang ngingisi. Napakunot naman ang noo ko.
"Anong nakakatuwa?" takang tanong ko sa kanya habang nakangisi siyang nakatingin sa kalsada.
Umiling lang siya nang nakangisi pa din.
Ibinaba ko ang salamin ng kotse niya atsaka tiningnan ang sarili. Wala naman akong dumi sa mukha. Maayos din naman ang buhok ko. Hindi naman baduy ang suot kong damit. Ano bang nginingisi-ngisi niya?!
Lalo lang lumaki ang ngisi niya sa ginawa kong pagsita sa sarili.
"Bakit ba kasi ngingisi-ngisi ka dyan?!" frustrated na tanong ko sa kanya.
Hindi ko namalayang nasa parking lot na pala kami ng Robinson. Nang nakahanap siya ng pagpaparkan ay saka niya ako binalingan ng tingin.
"You're wearing the necklace." saad niya habang nakatingin sa suot kong kwintas na bigay niya sakin.
Ngumisi ulit siya at tumingin sa mukha kong sa tingin ko ay namumula na.
"Tara na?" sabi niya at saka bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.
Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa loob ng mall. Nasa starbucks na daw si Carla at hinihintay kami. Ba't bigla ata akong kinabahan.
Naramdaman ata ni Zaid ang pagka-asiwa ko dahil hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Tiningnan niya ako at nginitian ko na lang siya. Okay lang naman ako.
"Zaid!" sigaw at sabay kaway ng isang babae samin pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa coffee shop.
Kaunti lang ang tao sa loob, kaya wala namang masyadong nagreact sa pagsigaw niya. Mayroon na ding inumin na nakapatong sa table niya, mukhang kanina pa siya dito.
Tumayo siya nang nakalapit kami sa kanya. Ang kaninang kamay ni Zaid na hawak ang kamay ko ay nasa bewang ko na. Nakita ni Carla iyon, pero sa tingin ko ay pinawalang bahala niya na lang ito.
Binati niya si Zaid sa pamamagitan ng pagbeso dito. Ewan ko pero 'di ko nagustuhan 'yun.
"Oh, Hi." sabi niya nang napansin na niya ako. Nginitian niya ako kaya nginitian ko din naman siya pero sandali lang iyon.
"Uhm. Carla, this is Max. Max, Carla." sabi niya sabay turo kay Carla na nakangiti pa din.
Maigsi din ang buhok ni Carla, hanggang balikat din tulad ng akin. Kaya nga lang ay tuwid ang kanya at itim na itim ang kulay, hindi tulad ng sakin na medyo wavy at may light brown na kulay. Maputi din siya tulad ko. Mas matangkad siya sakin ng kaunti. At girly siyang manamit di tulad ko na medyo may pagkaboyish pero nasa uso pa din naman. Maganda siya pero mas maganda pa rin ako. Tatanungin ko nga si Zev, kung sinong mas gusto niya saming dalawa. Babatukan ko yun pag itong Carla na'to ang pinili niya!
"Hi. I'm Carla, Zaids' friend." nakangiting inilahad niya ang kamay niya sakin.
Friend. Ha. Nahiya ka pa sakin. Alam ko na naman.
BINABASA MO ANG
Steal His Heart
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...