CHAPTER 10:
ZevDelaGracel'sPOV
SUNDAY 8:38 AM
Sunday ngayon at bukas ay retreat na namin!! Tinawagan ako ni Lyle kanina. Mag-grocery daw kami para may baon kaming snacks bukas. Nag high waisted shorts na lang ako at black sleeveless shirt. At yung buhok ko ay naka-messy bun lang.
Narinig ko ang doorbell ng bahay namin, paniguradong si Lyle na yun. Tulog ang mga tao sa bahay, ang aga kasi naming nagsimba kanina kaya naman inaantok pa sila. Ako lang ang gising, nag-iwan na lang ako ng note sa refrigerator namin na aalis ako kasama si Lyle. Para naman hindi sila mag-alala.
Pagkatapos kong idikit ang note sa ref, ay lumabas na ako ng pintuan namin. Naglalakad na ako papunta sa gate namin at natanaw ko agad ang blonde hair ni Lyle. Nakahilig siya sa kanyang Red Lamborghini habang bahagyang nakayuko sa hawak hawak niyang black na baseball cap. Nakasuot lang siya ng isang plain na black t-shirt at pants. Sa totoo lang, ang cool tingnan ni Dude ngayon, pero di 'ko yun sasabihin sa kanya. Mas lalaki lang lalo ang ulo niya.
Nang narinig niya ang yapak ko ay binalingan niya ako ng tingin. Nginitian ko naman siya as a sign of good morning kaso sinimangutan niya lang ako habang isinusuot nang pabaliktad ang baseball cap niya.
"Aga aga, bad mood?" tanong ko nang nakalapit na ako sa kanya.
"You look so thin." sabi niya habang nakasimangot na tinitingnan ako. Tiningan ko naman ang sarili ko. Okay lang naman, normal lang, di mataba at di rin naman masyadong payat. Problema neto?!
"Ako na naman napansin mo!" sigaw ko sa kanya.
Umayos siya ng tayo, hindi na siya nakahilig sa kotse niyang si 'Baby'. (Yes, baby daw kasi niya ito. Sabi sa inyo, maarte. Haha!) Lumapit pa siya sakin at pinisil niya ang tagiliran ng tiyan ko. Kumunot ang noo niya.
"See? Wala akong mapisil." sabi niya at tiningnan ako ng masama.
"Sexy kasi ako, aminin mo nalang." biro ko sa kanya nang sa ganun ay matigil na siya sa kakausisa sa katawan ko.
"Oh please, you're a dude." sabi niya habang pinagtatawanan ako. Bwiset talaga ang isang toh. Pag sinasabi kong sexy o kaya ay maganda ako, laging sinasabi na lalaki ako!
Inirapan ko na lang siya at padabog na binuksan ang shotgun seat ng kotse niya.
"My baby will get hurt. Dahan dahan lang!" sigaw niya ng nakita akong padabog na binubuksan ang baby niya kuno. I rolled my eyes at him nang nakaupo na ako sa shotgun seat. He hissed at me habang umiikot papunta sa driver seat.
Nang naka-upo na siya sa driver seat ay tiningnan niya agad ako ng masama. I just rolled my eyes at him again. Inalis niya ang tingin sakin at binalingan niya naman ng atensyon ang kotse niya.
"Baby, did you get hurt?" malambing na sabi niya habang hinahaplos ang manubela ng kanyang sasakyan. Pinanuod ko lang siya na patuloy sa pag-aalala sa 'baby' niya.
"The evil dude will not hurt you anymore, baby. I'm here. I'll protect you."

BINABASA MO ANG
Steal His Heart
Novela JuvenilThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...