Timothy's POV
"Boss gising"
"Oy boss ano ba napaka antukin mo naman oh! Maibati tan bimaba da aminen"(maiiwan na tayo bumaba na silang lahat)
Damn ang ingay ano ba yung sinasabi niya hindi ko maintindihan parang alien magsalita ang bilis.
"Boss!" Sigaw niya sa tenga ko kaya napabalikwas ako.
"F*ck why?! Im sleeping can't you see!" Sigaw ko rin sa kanya.
"Kase boss adda ta toy ilocos'n!"(nasa ilocos na tayo) Masiglang sabi niya sa akin pero diko maintindihan yung sinasabi niya.
"What?! Minumura mo ba ako!"
"Ala hindi ah ang sabi ko nasa ilocos na tayo, ganito talaga yung pananalita namin dito boss"
"Ganon ba sige baba na tayo."
Pagkababa namin sinalubong ako ng simoy ng hangin probinsya nakaka relax pano pa kaya kung nasa dagat na kami. Pagtingin ko sa kasama ko wala na siya luminga linga ako at shoot! Andon siya sa mga ewan ko kung kapamilya niya yun nakikipagyakapan binababa ko kaunti yung aviator ko aba ang rami pala nila f*ck mapapasubo ata ako ngayon. Lumapit ako sakanila gusto kung matawa sa itsura niya dahil nakayakap siya tapos biglang umangkla sa mama at papa niya ata ewan ko. Nang makalapit ako ramdam ko yung pag kamiss niya sa pamilya niya.
i cleared my throat para mapansin nila ako.
"Sino deta nagwapo manong" sabi ng isang bata ( sino yan angwapo kuya) pero hindi ko maintindihan yung sinabi niya
"Emeged apay haan mo inbaga a adda kadwam a gwapo jak nakapag ready." Sabi nong bakla at tinampal pa yung braso ni sandro ( bakit hindi mo sinabi na mayroon kang kasamang gwapo hindi ako nakapag ready)
Hindi ko maintindihan yung mga pinagsasabi nila.Lahat sila nakatingin sa akin what the f*ck ngayon lang ba sila naka kita ng ganito ka pogi tss.
"Ah siya nga pala siya si timothy luxxe montenegro ang pogi kong boss nagmomodel siya at CEO sa companyang pinagtratrabaho-an ko" pagpapakilala niya sa akin.
Lahat sila nalaglag ang panga siguro dahil sa pagkabigla sino ba naman kaseng mayaman ang gustong pumunta ng probinsya diba? Akala siguro nila lahat ng mayayaman maaarte pero ibahin niyo ako sa akin walang mayaman walang mahirap pantay pantay
Ang tingin ko sa mga tao mayaman man ako pero mas gusto ko parin ang maging simple."Hello po" bati ko sa kanila sabay bow ng head ko
"Ay hijo angwapo mo naman ako nga pala ang nanay ni sandro eto ang tatay niya,tsaka dalawang kapatid niya" pagpakilala niya at nag hi naman sila sa akin.
"Salamat po pala sa pag welcome sakin dito"
"Ay walang anuman hijo masaya kami at nakapasyal ka sa aming probinsya"
"Opo napakaganda nga po eh"
"Oo marami pang magagandang lugar dito hijo ililibot ka ni sandro kasama ang mga kaibigan niya o siya mauna na kami ha usap na lang tayo ulit pag tapos na yang bakasyon ninyo" pagpapaalam niya
"Sige po,salamat" sagot ko sa kanya
Nagpaalam na yung mga magulang ni sandro at binilin pa si sandro ng kanyang ina bago sila umalis.
"Oh tama na yan get over na tayo ha tao yan hindi alien para magulat kayo" sinamaan ko ng tingin si sandro.
"Ano ka ba sandro ipakilala mo naman kami walangya ka talaga" sabi nong gay na kasama nila.
"Boss eto nga pala si ryann,chelsea,sophie at ramram"pagpapakilala niya sa mga kaibigan niya.
"Hi nice meeting you all" bati ko sa kanila.
YOU ARE READING
When two broken hearted meet's
RomansaThis is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. ...