[TGOA2] Q56:Day 01,Valkyrie Gna

3.5K 109 1
                                    


SHINE♔


Agad ko siyang niyakap habang tumatalon talon ako.

"WAAAH!! Akala ko bukas ko pa kayo mahahanap!" Tuwang-tuwa kong sabi.

"Aish! Bitawan mo nga ako.Susunugin na talaga kita." Sabi niya.Bumitaw naman ako.

"Sorry,sorry naman.Na excite lang he he he" sabi ko at nag peace sign.

"So? Ikaw lang ba? Saan na yung iba?" Tanong ko ngunit napailing siya.

"Wala" sabi niya at tumingin sa paligid.

Napakunot naman ako ng noo dahil sa mga galaw niya.

"Wala ka bang nararamdaman na kakaiba sa paligid?" Tanong niya.Pumikit naman ako para pakiramdaman ang paligid.

Dumilat ako at tumingin kay Shia at umiling.

"Wala ka bang nararamdaman na lamig?" Tanong niya muli.

Umiling ako ngunit ng maalala ko ang nangyari kanina ay nanlaki ang mata ko.

"Oh? Bakit ganyan itsura mo?" Tanong niya.

"Kanina habang nilalaro ko yung water charbute ko bigla itong naging yelo at biglang lumamig kanina.Teka!!! Huwag mong sabihin na may Ice Charbute na rin ako kagaya ni Q--WHAT!?"

Nanlalaki ang mata kong tumingin kay Shia.

"Ewan ko ba kung totoo ito o hindi ngunit nakita ko siya habang nilalaro ang kanyang ice charbute" sabi niya sa akin.

"B-buhay p-pa s-siya?" Kinakabahan kong tanong.

"Hindi ko alam.Naguguluhan din ako" sabi niya.

"Kung patay na siya at may mga nararamdaman at nakikita tayong kakaiba b-baka... NAGMUMUL---Aray grabe" sabi ko at napahawak ako sa noo ko.

"Gaga! Huwag kang sumigaw! Baka may mga makarinig sa atin.Imposible naman na mag multo siya.Nasa kaharian na siya ng mga dyosa." Sabi niya kaya naman ay napa takip ako ng aking bibig at nag peace sign.

"Bakit natin nararamdaman ang kanyang presensya?" Tanong ko ngunit umiling siya.

Maya-maya ay bigla kaming nakaramdam ng sobrang lamig.

"Fire Shield!" Sabi ni Shia kaya naman ay pinalibutan kami ng fire charbute.

"B-bakit biglang lumakas yung lamig?" Kinakabahan kong tanong.

"Maaaring nasa paligid lang siya kaya talasan mo ang iyong pakiramdam!" Saad niya at tumingin-tingin sa paligid.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid.

May naramdaman ako sa aking likuran kaya naman ay dumilat ako at napangisi.Nagteleport ako papunta sa malayo.

Nakita ko ang isang babae na nakatayo sa likod ni Shia.

Nagtago ako ako sa gilid at tinignan sila.Pumikit ako para mapasok ko ang isipan ni Shia.

"Shia"

Tawag ko.

"Shine? Ikaw ba iyan?"

"Oo.Huwag kang lilingon sa likod mo.May babae....Mag teleport ka bigla"

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon