[TGOA2]Q49:HELL TRANING IS BACK!

4.6K 122 9
                                    

Owwkie's I need your questions about this story or your questions about me.

~•~

👑Haynes POV👑

Nakatingin lang ako sakanila habang inililibing si Quilla.Hindi nila ako pinayagan na palapitin sa labi ni Quilla.Kahit na sobrang sakit ay tinitiis ko.

Kasalanan mo naman eh...

Napapikit ako ng marinig ko na naman ang tinig na iyon.Bakit ko ba ito naririnig? Kahit sa aking panaginip ay naroroon ito.

Napamulat naman ako ng mga mata ng may humila sa akin.

Chester...

Pinunasan ko naman ang mga luhang patuloy na tumutulo.Kahapon pa ako ganito kahit sa pagtulog ako'y umiiyak.Kaya ang aking mga mata ay maga na.

Napunta kami rito sa hardin.

"Bakit ganito? Bakit hindi kita matiis? Bakit hindi ko kayang makita ka na umiiyak at nasasaktan? Bakit?" seryosong sabi niya sa akin.

Hindi ko alam... Bakit ba laging ganito tayo...

"H-Haynes.... I-I'm so sorry" sabi niya sa akin.

Napatingin naman ako sa likod niya.Lalo akong naiyak ng makita ko siya.

Quilla....

Sinagi ko si Chester para puntahan si Quilla pero hinila ako ni Chester.

"Chester! Si Quilla! Nakita ko siya! Ayon siya!" sabi ko habang tinuturo si Quilla na nakatingin sa amin.

"H-Haynes,wala na siya.Kung nakikita mo man siya ay isa na lamang siyang hiren o kaluluwa" sabi niya pero umiling ako.

"Hindi! Chester bitawan mo ako! Nais kong humingi ng tawad sakanya! Hindi ko agad siya nailigtas dahil sa kapabayaan ko!" sabi ko ngunit iniharap niya ako sa kanya.

"Haynes,Napatawad ka na ni Quilla.Alam ko.... wala kang kasalanan sa nangyari maliwanag ba? Hindi naman natin ala--"

"Pero alam ko na mangyayari iyon sa kanya!" Nanghihina kong sabi sakanya.Umiling lamang siya at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"Makinig ka.Walang may kasalanan sa nangyari.Siguro nakatadhana na mangyari iyon sa kanya kaya tanggapin na lang natin.Alam mo naman ang mangyayari diba? Tanggap ko na mangyayari iyon kaya huwag na huwag mong sisihin ang iyong sarili." saad niya sa akin.Napatango na lang ako.Binitawan naman niya ako kaya tumingin ako sa likod niya.Nang tignan ko ito ay wala na si Quilla.

Tama nga siya.Isa na siyang hiren.

"Paligi kong tanong sa aking sarili.Bakit ba kailangan mangyari ang ganito? Sawang-sawa na ako sa kalungkutan.Wala ba tayong karapatang lumigaya? Katulad ng karaniwang tao? Ng mga mortal? Na kahit ay may mga problema ay nagagawa pa nilang maging masaya.Minsan naiisip kong mawala na lang rito sa ating mundo para wala na akong isipin pa." wala sa sarili kong saad.

"Hindi mo naman matatakasan ang problema kung nais mong mawala sa mundo.Madadala mo pa rin yan kahit saan.Kaya naman nating masolusyonan ang mga problema.May pag-asa pa tayo kaya hindi dapat bumitiw.Magandang harapin ang mga problema kaysa takasan dahil kung tatakasan ay patuloy ka nitong susudan." saad niya at hinawakan ang aking kaliwang kamay.

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon