[TGOA2]Q38:Queen's Potion

5.3K 163 0
                                    

[TGOA2]Q38:Queen's Potion

👑👑👑

HAYNES


Napabalikwas ako ng malaman ko yung nangyari kay Shine.

"Ano!? Dark Venomous Poison" tanong ko kay Chester.Yeah nasa kwarto ko siya -_-

"Oo,Hindi ko lang alam kung kailan siya magigising pero okay na siya" sabi niya at nawala na sa paningin ko.Anyare don? Kanina kung makahabol sa akin parang iiyak na -_- tss.

Bumangon na lang ako at inayos yung higaan pagkatapos ay pumunta ako sa guest room.Nakita ko pa si Earl na natutulog habang hawak ang kamay ni Shine.Nagbuntong hininga ako at lumapit sa higaan ni Shine.

Napabangon naman si Earl ng makita ako."Oh? Haynes?" tanong niya.

"Tumabi ka muna" seryoso kong sabi kaya sinunod niya ito at tumayo.Inilabas ko ang gem.

"Inuutusan kita na tanggalin lahat-lahat ng lason sa kanyang katawan pati na ang potion." sabi ko at lumiwanag ang buong kwarto at biglang umangat si Shine at lumiwanag ang kanyang katawan hanggang sa bumaba ang katawan niya sa kama at nawala na ang liwanag.

"She's okay now" sabi ko at ngumiti.Nagulat naman ako ng yakapin niya ako."Maraming salamat Haynes.Sana makaganti ako ng tulong sa iyo" sabi niya at agad na kumalas ng yakap at pumunta ulit kay Shine na natutulog parin.

"Baka bukas magising na siya" sabi ko at umalis na sa kwartong iyon.Napatingin naman ako sa gilid ng makita ko si Chester na nakapamulsa habang nakasandal sa pader.Mukha siyang cool pero.. Aish.Nilagpasan ko siya pero nahawakan niya yung kamay ko at nakaramdam na naman ako ng kuryente.Pak Shit!

"Paano mo nagawa iyon?" tanong niya.Napairap naman ako."Kaya nga tayo may hawak na pinakamalakas na gem para gamitin rin ito sa paggagamot.Hindi mo ba binasa yung libro na nasa kahon kasama ang korona mo dati? And wait hindi lang ito sa paggagamot marami pang purpose yung mga gem" sabi ko at nagteleport.

Umupo ako sa may sofa at napapikit.Ugh! bakit nga ba ako nakikipagusap sa ex ko? At bakit pumayag ako na maging magkaibigan ulit kami?

"Siguro para maayos niyo ang pamamalakad.Para walang awkward" bigla naman sumulpot si Quilla sa tabi ko habang pinaglalaluruan yung ice sa palad niya."Tss" tanging sabi ko.

"How's Shine?" tanong niya."She's okay at bukas magigising na siya" sabi ko.Napatingin naman ako sa kanya."Nasaan sila Shia?" tanong ko.

"Busy sila.May kakaiba kasing nangyayari dito sa Ayeshib kaya inasikaso nila." sabi niya kaya naman napakunot ako ng noo.

"What do you mean by that?" tanong ko."Noong umalis ka dito wala ng mga normal na tao ang nakatira dito sa buong Ayeshib.Sa brown division ay maraming nalalanta na mga puno't halaman pati ang mga bulaklak.Sa green Division naman ay natutuyo ang mga tubig.Sa Red division naman kung saan nang gagaling ang mga bulkan ay sabay-sabay ang pagsabog at halos ng nasa division na iyon ay parang nilamon ng apoy.At sa Blue o sa literal na tawag ay black division naman ay nilalamon na ng yelo.Pati mga hayop doon ay namatay dahil sa sobrang lamig." sabi niya.

Bakit nangyari ang mga iyon?

"Dito sa white wala bang nangyari na kakaiba?" tanong ko.

"Meron" sabi niya at mukhang nag aalinlangan pa."Sabihin mo na" malamig kong utos."lahat ng mga malalakas na gangsters ay tulala at parang wala sa sarili.Na alala mo ba yung sa government yung mga Dark Hell gang?"

[A/N: Q18:Spectris]

Nanlaki ang mga mata ko.Oo nga! Bakit nga ba sila tulala at parang wala sa sarili?

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon