[TGOA 2] Q58:Dead Leaves

3.6K 117 5
                                    


HAYNES

Napagdesisyonan naming lima na pagsama-samahin na ang aming nakuhang nace.

"Ilan lahat ng points?" tanong ni Quilla.

"We got..... 2,201 points" sabi ni Shia at ngumiti.Napanguso naman ako.Parang ang onti.

"Nguso-nguso ka diyan? Medyo mataas na nga 'yan" mataray na saad ni Shia.Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tse! Feeling ko tayo yung pinaka ma-onti na puntos" sabi ko at tinignan yung mga nace.

Nagsitanguhan naman silang tatlo maliban kay Shia.

"Yeah feeling ko rin" pagsang-ayon ni Quilla.

Hay mukhang kailangan naming makarami ngayon.

"Tara na nga na gugutom na ako." sabi ni Quincy at tumayo.Tumayo na rin kami dahil kanina pa kami hindi kumakain.

Yung mga hayop na tumulong pala sa amin ay wala na.Aish akala pa naman namin hanggang dulo kasama sila.

"Na mimiss ko na yung tigre na yon" saad ni Shine.

"Teka hindi ba aso yon?" tanong ko.Napatingin siya sa akin.

"Gaga! Tigre 'yon.Nagf-feeling lang na aso" sabi niya at nag pout.Napatango naman ako.

Tumingin-tingin ako sa paligid at parang may mga kakaiba sa mga dahon na narito.

Napahinto ako ng makita ko na gumapang ang mga dahon kaya naman ay pinatigil ko rin sina Quilla.

"Girls pakiramdaman niyo yung paligid." seryoso kong sabi at ginawa naman nila.

Maya-maya ay may mga tinik ng halan na papunta sa amin kaya naman ay iniwasan namin iyon.

"Gosh! Mukhang na punta tayo sa dead leaves! " sabi ni Quincy.

Wait! What? Dead leaves?

"Wait! Explain mo nga sa amin 'yan" naguguluhan na saad ni Shine.Napa-lutang naman kami ng may mga hindi ordinaryong orchids na papunta sa mga paa namin.

"Peste naman!" inis na saad ni Shia.

"Ganito kasi 'yan.Noong unang araw palang ng laban ay may naka-usap akong matandang babae at sabi niya pagkarating ng pang apat na araw ay kailangan huwag na huwag daw tayo mapupunta rito dahil---PESTE!" saad niya ngunit naputol ng muntik na siyang mahila ng mga ugat ng puno.

"Peste?" tanong ni Shine.

"Wala! Di 'yon kasali.So ito na nga wag daw tayong mapupunta dito dahil ang mga puno't halaman dito ay mga patay na." saad niya.

"Eh? Kung ganoon dapat hindi na nila tayo sinusu---Punyeta!" inis na saad ni Quilla.Kaya naman ay ginawa niyang yelo ang mga ugat ng puno.

"Promise wala akong maintindihan" saad naman ni Shine at panay bato ng water ball.Nanlaki ang mga mata ko ng may papunta sa likod niya na malaking ugat ng puno.

"Shine tabi!" sigaw ko at itinulak siya.Kaya ako ang na kuha ng ugat ng puno.

"ANG SIKIP!" Sigaw ko dahil sa sobrang higpit.Parang dinudurog nito yung buto ko.Gumalaw ako at lalong humigpit.

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon