👑Haynes POV 👑
Napamulat ako ng mata sabay upo.Napahawak pa ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito.Arg! I hate this!
Tinignan ko yung paligid ko at sabay nanlaki ang mga mata.Nakahiga ako dito sa counter kitchen! May hawak pa akong strawberry kaya naman ay kinain ko ito pero nailuwa ko rin ng malasahan ko ang tapang ng alak.
Tss,Nasawsaw pala.Napatingin naman ako sa may lababo.Napakunot ang noo ko ng makita ko si Chester at Lyndon na magkakandong habang nakaupo sa lababo at yung gripo ay nakabukas pa!
Kaya si Lyndon ay mukhang basang-basa habang si Chester na nakakandong sakanya ay nakanganga pa habang may pakwan pa sa bunganga.
Bumaba naman ako sa counter kitchen at kumuha ng tubig sa refrigerator.Pagkatapos ay pinuntahan ko yung dalawa na nasa lababo.
"Chester! Lyndon! Gising na" sabi ko at tinapik-tapik sila pero ayaw magising.Aish! Pinapahirapan niyo ako ah."Chester! Lyndon! Ano ba! Gising na sabi!" sabi ko at inaalog ko na sila.Muntik ng malaglag si Chester kaya inalalayan ko ito.
"Aish! Mga itlog! gising na!" sabi ko pa at binuhat ko na si Chester.Ang bigat ah.Tinapik ko yung mukha niya at bigla itong ngumuso.Napairap na lang ako.
"Wag kang magtulog-tulogan.Kawawa si Lyndon oh" sabi ko sakanya kaya naman ay napamulat siya.Agad niyang ginising si Lyndon na basang-basa."Pandak gising na!" Sabi nito.Nagising naman si Lyndon.
"Lol! Pag ako lumaki" sabi ni Lyndon na kinatawa lang ni Chester pero sabay daing at napahawak sa ulo.Napailing na lang ako at naghanda ng makakain.
---
Nang matapos kong ilagay ang tatlong mangkok sa harap namin ay kumain na kami.Syempre hindi ba mawawala ang mushroom soup.Inubos namin iyon at pagkatapos ay uminom kami ng gamot pampawala ng sakit sa ulo.
Medyo hilo pa kami ng pumunta sa may sala.Wala na yung mga royalties dito.Tanging kami na lang dito.Ewan ko na lang kina Dad.
Nakita namin yung mga kaibigan namin na nakahilata sa sahig.Tumayo naman si Calvin at sinabing mag c-cr lang ito.
Umupo kaming dalawa ni chester sa sofa habang ang iba ay nasa sahig at hinihilot ang mga ulo.Naki-upo naman si Shine sa tabi ko at sumandal sa akin kaya sumandal rin ako.
"Ah! Ang bigat mo Clark! Biruin mo nagbabad sa bath tub tapos lasing pa." sabi ni Calvin habang inaakay si Clark.
"Waaah! Excited na akong maging ninang! Haynes ah! Si baby mo! "
Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sabay tingin kay Shine na nakapikit.
"W-what?" tanong ni Calvin,Clark,Lyndon at Chester.
SHIT!
"A-ah yung tinutukoy niya yung b-bago kong dragon.Water dragon kasi eh." sabi ko pero mukhang binabasa nila yung nasa isip ko kaya naman ay agad kong sinarado ito para hindi nila malaman yung nasa isip ko.
"Sigurado ka?" tanong ni Calvin sa akin tumango naman ako.Shit! Buti na lang totoong may bagong baby dragon ako."Bakit baby mo ang sabi ni Shine?" tanong naman ni Lyndon.
"S-syempre baby pa lang iyon" sabi ko at nag summon ng bago kong dragon.Nakita nila ito at napatango sila.
"Akala ko kung ano na.Water dragon lang naman pala" sabi ni Clark.Napatango silang tatlo samantalang si Chester ay nakatingin sa akin.Ngumiti na lang ako para hindi mahalata.
Pinaalis ko muna yung baby water dragon at umalis naman.Wooh! May purpose rin naman pala iyon akala ko wala na eh.
Napahiga naman yung tatlo sa sahig at nagyakapan pa.Aish! Basa itong sina Clark at Lyndon.
"Mga itlog! Mag bihis nga kayo.Mamaya magka-sakit pa kayo niyan eh" sabi ko pero hinubad lang nila yung pang itaas nila.Nagulat ako ng maghubad rin si Chester ng pang itaas kaya..kaya...
Shetness! Abs men! Aish!
Ginising ko naman sina Quilla,Quincy,Shine at Shia.Nagising naman sila.Gigisingin ko na sana si Earl ng pigilan ako nila chester at Shine.Napakunot noo naman ako.
"What's wrong?" tanong ko sakanila.
"Delikado kapag ginising mo lalo na't lasing pamandin." sabi ni Calvin pero hindi ko sila sinunod.Ginising ko ito pero laking gulat ko na nakakulong na ako sa loob ng Water giant ball.Kinontra ko ito pero masyadong malakas.Rinig ko sila na sinasabing palabasin na ako rito sa loob pero nanatiling tulog ito.
Hindi ko na kaya! Wala ng hangin!
EARL! IT'S ME! HAYNES!
Sabi ko sa isip.Napahinga naman ako ng maluwag ng mawala yung water giant ball.Gosh! Basang-basa na rin ako.
"S-sorry Haynes" hingi niya ng paumanhin sa akin.Tumango na lang ako at napahiga sa sahig.Hanggang sa maramdaman ko ang antok.
👑👑👑
👑Chester's POV 👑
Tinitignan ko lang siya habang nakahiga sa kama.Napakahimbing ng kanyang tulog.
Pero may iba akong naramdaman ng sabihin ni Shine ang katagang iyon.
"Waaah! Excited na akong maging ninang! Haynes ah! Si baby mo! "
Hindi ako naniniwala na baby dragon iyon pero parang totoo kasi base sa expression niya.Aish! Ang gulo! Pero diba bago kami nagkahiwalay may nangyari sa amin.
Tapos nitong isang buwan lang sobrang napaka-weird niya.Yung mga kinakain niya hindi ordinaryo! At kapag may na aamoy kami ng di kanais-nais ay mas gusto niya pa ito.Hindi fart ah.Kapag maayos naman ang amoy ayaw niya.Palagi din niyang hinahanap si Kuya Leo at napaka-clingy niya rito.
What the hell happened to my queen?
Hindi ko alam pero mukhang may itinatago siya sa akin at dapat malaman ko iyon sa lalong madaling panahon.
Ano ba ang ibig sabihin ng iyon?
Bakit sobrang weird niya? Mas weird pa siya sa akin! ARRGG!
I think she lied to me--No us! What the f*ck is that Haynes!?
👑👑👑
BINABASA MO ANG
The Goddess of All
Fantasía#10 Highest rank in Fantasy #41 Highest rank in Action 『COMPLETED』 The Goddess of All (1 & 2) -UNDER SUPER MAJOR EDITING- "I will do anything for you,Just don't leave me.."