[TGOA2]Q41:HAPPY BIRTHDAY! (Part 1)

6K 171 7
                                    

[TGOA2]Q41:HAPPY BIRTHDAY! )

(Gowns ⬆⬆⬆)

••••••

QUILLA


Its been a month again,At sa loob ng isang buwan na iyon ay paghihirap namin kay Haynes.Grabe noong isang araw lang gusto niyang pakantahin ako yung birit daw.Ay jusmiyo! Nagkanda ubo ubo na ako hindi pa ako pinatigil.Aish!.


Napatayo na lang ako mula sa aking--aming kama.Wala ngayon si Lyndon.Nasa mundo siya ng mga tao upang bisitahin ang natitira niya pang pamilya.

Lumapit ako sa may bintana at hinawi ang kulay asul na kurtina.Kita ko dito ang buong blue--black division,Ice forest,at ang karagatang puno ng yelo.

Napatingin naman ako sa baba.Medyo nahilo ako dahil sa sobrang taas ko pala.Halos maging langgam na ang mga kawal na nagbabantay at mga maids na naglilinis sa paligid ng palasyo.

Napangiti ako ng mapako ang paningin ko sa garden.Karamihan rito ay puro mga nabubuhay sa yelo pero meron rin dahil sa temperatura.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok rito.Napaayos naman ako ng tayo at pumunta sa pintuan para ito'y buksan.

Nang mabuksan ko ay nakita ko ang aming tatlong katulong na may hawak na gown? Makeup kit? Teka

"Ice Queen narito po kami para ayusan ka." sabi ng nasa gitna nila.Pinapasok ko naman sila kahit naguguluhan ako.

Tinignan ko silang tatlo habang inaayos ang mga gagamitin.

"Bakit niyo ako aayusan? Kaya ko ang sarili ko kaya maaaring lumabas na kayo" malamig kong sabi sa mga ito ngunit mabilis silang nagsiilingan kaya lalo akong nagtaka.

"Anong meron at bakit niyo ako aayusan? May okasyon ba na hindi ko alam?" tanong ko sakanila at silang tatlo ay tumango.Nangunot ang noo ko at sinuri sila.Ngunit naputol ang aking pagsusuri sakanila ng abutan ako ng isang maliit na envelope na gawa sa ginto.

Tinanggap ko ito at binuksan.Nang makita ko kung ano ang nasa loob ay lalong nangunot ang aking noo.May mensahe pa ito.

"Sa lahat ng mga Reyna Ika'y imbitado sa napakalaking salo-salo na gaganapin sa ikalawang palasyo ng goddess castle."

"Iyon lang? Walang para saan ang salo-salo na iyan? Teka!" biglaang sabi ko kaya kinuha ko yung phone ko sa kama ko at tinawagan si Haynes ngunit hindi niya ito sinasagot hanggang sa maka-apat na ulit ako kaya naman ang tinawagan ko ay si Chester na pero parehas sila ay hindi rin sinasagot ang tawag.

Nagulat ako ng biglang mawala yung phone ko sa kamay ko kaya napatingin ako sa mga katulong na natulala sa kamay ko.

"A-anong nangyayari?"

Napatingin kaming lahat sa pintuan.Iyon pala ay si Lyndon na kararating pa lang at may hawak ring invitation.

"Oh? Akala ko ba nasa mortal world ka?" tanong ko rito.Tumango siya."Oo nandoon na ako pero agad akong napabalik dahil dito sa imbitasyon" sabi niya at pinakita sa akin ito.

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon