HAYNES
Pagmulat ko ng aking mga mata ay ramdam na ramdam ko ang lakas na pumapalibot sa akin.Nakapa ko pa ang spada.Napa upo naman ako at tinanggal ang mga naka inject sa akin at tumayo.
Lahat sila'y nanlalaki ang mga mata.Labis ang kanilang pagkamangha.
"H-Haynes..."
"My Queen"
"Ang spada..."
Napatingin ako kay kuya Lam ng banggitin niya ang spadang hawak ko.
Biglang dumating si Dad,Papu at Mamu at nagulat rin sila sa hawak ko.
"M-mag uumpisa na" saad ni Mamu.
Nagpalit naman ako ng suot at naging armor ang aking suot.Ginawa rin nila ang ginawa ko kaya kaming lahat ay naka pang laban na.Maliban lang kina Dad.
"Ready your legendary weapons and we will win this war" seryoso kong saad.
Tumango silang lahat kaya na una na akong lumabas sa kwartong iyon.Nasa isang clinic pala kami kaya pala.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay napangiti ako ng palihim.
Tinupad nila ang kanilang pangako.
"Queen Hanchery" saad nilang limang reyna.Tumango ako sa kanila.
"Tulad nga po ng aming pangako ay narito kami para tumulong" saad ni Queen Zary.
"Maraming salamat" saad ko at ngumiti.
Tumingin ako sa paligid at napangisi.Hindi ko aakalain na sobrang dami ng kanilang mga tauhan lalo na't pinagsama nila ang kanilang tauhan kaya mas lalong dumami.
Lumipad ako patungo sa harap ng mga kawal.
"Itaas niyo ang inyong mga armas" saad ko.Lalagyan ko ito ng basbas dahil nararapat lang ang mga armas nilang bigyan ng basbas.
Nang ma-i-taas nila ay inilabas ko ang gem ko.Pumikit ako at lumiwanag naman ang mga armas nila at nang mawala ay tumango ako sakanila.Napangiti ang mga kawal.
"Mabuhay ang mahal na REYNA!" Sigaw nilang lahat.Ngumiti lang ako at tumalikod.
Lalong lumaki ang ngisi ko ng makita ko nang paparating na ang hukbo ng mga spectris at dark families.Ang dami nila ay kasing dami rin namin.
Bumaba naman ako mula sa pagkakalipad.Tumabi naman sa akin ang mga kaibigan ko pati na si Chester.Sina Quilla ay nasa kanan ko habang sina Chester ay nasa kaliwa ko naman.Sina Kuya Lam ay nasa likod ng mga kawal para umalalay.Ang limang reyna naman ay nakatabi kina Quilla.At ako naman ang nasa unahan nila.
"My Queen,no matter what happens I love you and our baby." saad ni Chester kaya nginiti-an ko siya.
"I love you too and I love our baby" nakangiti kong saad.
Ito na...Ito na ang pinaka hinihintay ng lahat.
Tumigil naman ang mga Spectris at Dark Families.Pinangunahan ito ni Lucia at ang mga katabi naman niya ay sina Demonic,Helldrix,Lucifer at ang Dark Lord.Nakakatuwang isipin na kulang sila at kami ang dahilan kung bakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/91764720-288-k272066.jpg)
BINABASA MO ANG
The Goddess of All
Fantasía#10 Highest rank in Fantasy #41 Highest rank in Action 『COMPLETED』 The Goddess of All (1 & 2) -UNDER SUPER MAJOR EDITING- "I will do anything for you,Just don't leave me.."