SPECIAL CHAPTER .5

5K 107 0
                                    

SHIA


"CLARKKKKK!!" Inis kong tawag dito.

Tumakbo naman siya papunta sa playground ng anak namin.Nag liyab kasi yung playground nila at heto kami aligaga kami sa pagpatay.

Kinuha ko ang dalawa kong anak at nag teleport kami papunta sa kwarto nila.

"Bakit niyo 'yun ginawa? Delikado ang ginawa niyo! Paano na lang kung kainin kayo ng apoy!?" alala kong tanong.

"Eh kasi *sobs* si kuya! Inaaway ako!" umiiyak na sabi ni Carla at tinuro si Shaun.

"Shaun? Bakit mo na naman ba inaaway si bunso?" kalmado kong tanong dito.

"Kasi Mom si Carla kinuha yung psp ko!" inis niyang sabi.Napa takip na lang ako sa mukha ko.

Jusko! Psp lang... Psp lang!

"Psp lang!? Nag batuhan na kayo ng fire ball!? Mga anak! Magsiayos naman kayo! Please lang! Pagod na si Mommy na sumaway sainyo sa tuwing nag-aaway kayo" umiiyak kong sabi.Niyakap naman nila ako.

"Sorry Mom" sabay nilang sabi.Pinunasan ko naman ang luha ko at hinawakan ko ang mga mukha nila.

"Promise me na hindi na kayo magaaway? Iiyak si mommy sige kayo" seryoso kong sabi.Tumango naman sila at niyakap ako.

"Wala ng apoy" biglang litaw ni Clark sa tabi namin.Tumayo naman ako at tinignan siya.

"Ang dumi mo na tuloy" sabi ko rito at kinuha ko ang pulang panyo ko at pinunas ko sa mukha niya.

Nakatingin lang sa akin si Clark kaya namula naman ako.

"Ayieee sweet nila mommy and daddy" -Carla

"Tss,Lalamgamin kami mom and dad" -Shaun.

Napa iling na lang ako.

"Maligo ka na" sabi ko kay Clark pero nagulat ako ng higitin niya ang bewang ko sabay halik sa labi ko.Ngumiti lang siya at nawala na sa harap ko.

Hanggang sa matauhan ako...

"CLAAAAAARRRKKK"

➖♦️➖

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon