CD 3

24.3K 705 92
                                        

Bhria

KABA. Yun lang ang tanging emosyong nararamdaman ko habang tinatahak namin ni mamu ang daan papunta sa kompanya ni Daniel Reese. Hindi ko kasi alam kung ano ang iaakto ko kapag nagkita kami, lalo pa't ang alam nya ay niloko ko ang kapatid nya. Hindi malayong galit sya akin, pero anim na taon na naman ang nakalipas diba? Anim na taon nang matuling lumipas at siguro naman ay nakamove-on na sila sa nangyari noon..

Kahapon nang sabihin ko kay mamu na tinatanggap ko na ang offer na sinasabi nya ay agad nyang sinabi na ngayon ang contract signing. Ipinaayos nya ang trabahong maiiwan ko bilang secretary nya at ibinigay nya muna yun sa iba. Sa ngayon ay sya ang tumatayong manager ko. Si mamu ay nagmamay-ari ng isang modeling agency kaya naman minsan ay nakakaraket ako ng pagmomodel pangdagdag panggastos namin mommy.

"Mamu Lu?" Tawag ko sa pansin nya.

"What is it hija?" Nag-angat sya ng tingin mula sa cellphone na hawak nya. Kachat nya siguro yung isa sa mga anak nya sa ibang bansa.

Byuda na si mamu Lu. Ang modeling agency na pag-aari nya ay nakatayo na noon pang bago sya mag-asawa kaya naman kilala na ito ngayon. Meron lang syang dalawang anak na puro mga lalaki, at ang isa ay may asawa na habang ang bunso naman ay doctor sa U.S. Nameet ko na sila at masasabi kong mababait ang mga anak nya lalo na si Brix na naging kaibigan ko na rin ng ilang taon.

Saglit kong sinulyapan si mamu Lu. Nahihiya akong banggitin sa kanya 'to pero kesa naman magutom kami ng mommy ko?

"B-baka po pwedeng.." Napahinga ako ng malalim. "Ba-baka po pwedeng magpart-time parin sa pagiging secretary ko mamu. Alam nyo naman na ako lang ang may trabaho samin ni mommy at-"

"The D.R. company will provide your needs. Bibigyan ka nila ng allowance every week habang ginagawa ang photo shoot, so you don't have to worry too much hija." Ngiting saad nya.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. At least hindi na ako mahihirapan sa pag-iisip kung saan ako kukuha ng pangkain namin at panggamot ni mommy habang hindi pa ako nababayaran ng D.R. kubg sakali.

Ilang saglit lang ay naisip kong itanong ang kahapon pang bumabagabag sa isip ko. "Mamu..y-yung D.R. po ba ang nag-request sakin?" Biglang tanong ko.

Kinakabahan ako. Bukod sakin at kay mommy ay wala nang nakakaalam na dati akong may koneksyon sa mga Reese..maging si mamu na itinuturing ko nang pangalawang ina ay wala ring ideya sa bagay na yun.

Sa totoo lang ay nung isang araw pa iyon bumabagabag sa isip ko. Hindi ko kasi maiwasang isipin ang kung ano mang pinaplano nila kung sila nga mismo ang kumuha sakin. Paghihiganti kaya sa akala nilang ginawa ko? Pero imposbleng mangyari yun. Matagal na yun at kung balak nilang parusahan ako..bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang kung kelan sobrang naghihirap na ako?

"Actually, hindi." Lihim akong nakahinga ng maluwag. At least alam kong hindi ito planado.

Bumaling sakin si mamu. "Nang tumawag ang D.R. para kumuha ng model para sa bubuksan nilang branch ay sinabi kong ikaw ang ibibigay ko." Ngumiti sya sakin. "I already told you that you have a big future in modeling, right? At naniniwal ako dun. I think hindi bagay ang ganyang ganda sa opisina ko. You have to show up to the public hija, para rin to sa career mo."

"Salamat po mamu.." I sincerely said. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay mamu para sa mga naitulong nya sakin.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa napalaking building ng D.R. at ang kaninang kaba na sandali kong nakalimutan ay muli nanamang bumalik at tila mas lalo lang tumindi. Ano nang iaakto ko sa harapan nya ngayon?

Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay napabuntong hininga nanaman ako. Be professional Bhria. Kaya mo yan! Pagpapalakas loob ko sa sarili ko.

Chased Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon