CD 17

22.7K 488 28
                                        

Bhria

ILANG araw narin kami sa pag-aaring resort ni Dhanelle at masasabi kong ayos naman ang lahat. Kinabukasan pagkatapos naming tumapak sa resort na'yun at ang surprised date ni Dhanelle kahapon ay dumating narin sila Shana at ang iba pang staff para sa photoshoot.

Pagkagising namin ay sabay na kaming mag-gy-gym ni Dhanelle tapos ay saka namin sisimulan ang photoshoot dipende sa oras na dapat sa setting katulad noong isang araw na kailangan namin gumising ng alas dos para lang makapaghanda at maabangan ang pagsikat ng araw. Pwede naman sana yun i-edit ang kaso masyadong perfectionist si Shana at ang gusto nya ay yung realistic. Kung sabagay, tama sya. Mas maganda nga yung naging kinalabasan ng shoot namin nung araw nayun.

At si Dhan naman? Ayun, patuloy parin sa panliligaw. Minsan nga na-iisip ko na medyo nagiging OA na sya sa pagiging protective o mas tamang sabihin na napaka possessive talaga nyang tao.

"Great job guys! Pack up na muna tayo sa ngayon." Anunsyo ni Shana sa aming lahat.

Agad namang lumapit sakin si Dhan at inunahan pa si Nelya na assistant namin sa pagbibigay sakin ng robe.

"Wear this hon, kung hindi ka lang nakamake-up ngayon, siguradong namumutla ka na sa lamig."

Nginitian ko lang sya saka nagpasalamat. Pagkasuot ko sa robe na binigay nya agad nya akong niyakap. Nagtataka tuloy akong tumingala sa kanya.

"Why?" I ask as I look at her pretty face.

She sighed and said, "I have three reasons." Saka nya pinisil ng bahagya ang ilong ko.

"And those are?" I asked raising my brow.

"First, you're freaking freezing. Second, I've miss you and third.." She bent her annoyed gaze at my back. "I just want to send a message to those fucking bastards that I own you." Baling nya sakin saka nakakalokong ngumisi.

Wala sa sariling napalingon ako sa likuran ko at nakita ko nga yung mga lalaki na naka summer shorts lang na kanina pa nanunuod sa nangyayaring photoshoot.

"Let's go."

Bago pa ako makapag react ay inakbayan na ako ni Dhan paalis sa lugar.

"Hindi manlang tayo nakapagpaalam kila Shana. Basta-basta ka nalang kasing nanghihila." Reklamo ko sa kanya.

"It's okay, magkakasabay-sabay naman tayo mamaya sa hapunan. Isa pa, mukhang busy si Shana sa mga oras na 'to." Sabi nya na nakatingin sa bandang kaliwa nya habang mabagal kaming naglalakad.

Tinignan ko rin yung tinitignan nya at masasabi kong tama nga si Dhan dahil may ibang 'trabaho' pa palang ginagawa si Shana..
Ang kaso nang marealize ko kung 'sino' ang tinatrabaho nya ay bigla akong natigilan.

Si Shane pala, yung cute na front desk ng hotel ni Dhan.

"Is she-"

"She is." Sagot ni Dhan sa dapat na itatanong ko palang.

"You mean.. kapederasyon nyo rin si Shana?" Namamanghang tanong ko.

Natawa sya sa sinabi ko. "Yeah,"

"E bakit hindi ko napansin?" Wala manlang akong ka-idi-idea na medyo baliko pala tong si Shana. Akala ko kasi straight sya kahit medyo boyish syang kumilos ay magaling naman syang mag-ayos ng sarili. Saka pwede na nga syang pumasang model kung gugustuhin lang nya.

"Hindi mo naman talaga mapapansin yun kung hindi ka isa samin. They call it 'gaydar', I guess."

"Gaydar?"

"It some kind of instinct. Sa panahon ngayon kung sino pa ang magaganda at magaling mag-ayos sila pa pala ang hanap rin ay maganda." Sabay kindat sakin.

Chased Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon