Bhria
NAKATANAW lang ako sa labas ng bintana habang pinapakinggan ang kanta sa sasakyan ni Dhanelle. Pagkatapos kasi ng photo shoot ay nagpresinta nanaman syang ihatid ako sa bahay. Hindi ako umangal at walang imik nalang na pumasok sa sasakyan nya pagkatapos nya akong pagbuksan ng pinto.
Lihim akong napabuntong hininga. Heto kami ngayon, tahimik at walang imik. Tanging kanta lang ang maririnig sa paligid. Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa isip nya habang nagdadrive.
Ang totoo nyan ay nag-away muna kami bago ako walang imik na pumasok nalang sa sasakyan nya kaya ang naging resulta ay ito- para kaming hindi magkakilala sa loob ng sasakyan nya.
I look at Dhanelle as she sing along with the music that the car stereo produce. "Come up to meet you, tell you I'm sorry, you don't how lovely you are.."
Saglit nya akong sinulyapan. "Tell me your secrets and ask me your questions oh lets go back to the start.."
"Nobody said it was easy..it was a shame for us to part-"
She stop from singing when I turn off the stereo. Hindi ko alam kung bakit. Maybe, my mind told me to do that because if she keep on singing like she was pertaining to me..
I'm going crazy and change my mind on what should I do and turn it to what should I would not.
"Can we talk?" I asked as she lay her emotionless blue eyes at me.
Hindi ko pinansin ang kaba na lumulukob sa loob ko. Ang gusto ko lang ay matapos 'to. Gusto ko nang matapos to dahil habang napapalapit ako sa kanya ay lalong nanganganib ang puso kong masaktan ulit at ayoko nang mangyari yun.
Mom said that I have choices and I chose to let go. I chose to let go from the past and from her. Ilang taon ko rin tong inalagan sa dibdib ko- Yung sakit sa tuwing naaalala ko yung mga masasakit na salita na sinabi nya sakin at yung hapdi sa pagkatao ko sa tuwing binabalikan ko yung mga bagay na tinalikuran ko para sa kanya.
She said that she will fix our marriage but how can she fix it if the person shes married with is someone who's still broke from the past.
I can't let go if shes here besides me, making me to remember every hatred that I suffered.
Hindi ko alam kung saan nya kami balak na mag-usap dahil mabilis nyang ini-U-turn ang sasakyan. She manage the car wheel in a soft and swift way. Hindi na ko nagtaka kung bakit parang parte na ng katawan nya ang sasakyang ito kung patakbuhin nya. She's a famous car racer after all. Ilang saglit lang ay tumigil kami sa loob ng isang parking lot.
Ibayong pakiramdam ang lumukob sa loob ko nang pagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan. Walang imikan na naglakad kami papasok sa isang elevator kahit pa gusto ko nang itanong sa kanya kung bakit kami nasa lugar na ito ngayon.
Gusto kong itanong sa kanya kung bakit kami nasa lugar kung saan..kung saan nagsimula at natapos ang lahat.
Hanggang sa lumapag kami sa isang floor ay hindi pa rin kami nagkikibuan. Hindi ko kasi alam kung paano sya kakausapin gayung wala akong makitang kahit ano sa kanyang mukha maging sa kanyang mga mata. Hindi ko malaman kung anong nararamdaman nya. Wala rin akong ideya kung paano magsisimula- kung sa paanong paraan ko sasabihin sa kanya na itigil na nya ang kahibangang ito.
Oo, isa nga itong kahibangan. Isang kabaliwan kung iisiping pwede pang mabago ang lahat. Na pwede kaming bumalik sa dati.
I admit, I still love her. I really do. Hindi naman nagbago yun kahit pa lumipas na ang anim na taon. Ang nagbago lang ay ang mismong ako. I can't be the same Bhria who will throw herself to her wife and beg for her love. I can't be that fool again. I've learn now- in a hardiest way.

BINABASA MO ANG
Chased Desire (COMPLETED)
RomanceDesire 2: Dhanelle Reese Mature Content R-18 SYNOPSIS: Loving someone who can't love you back is the most painful way of loving.. It's been six years when Bhria Alfonso- 'Reese' chose to run away from her wife. Akala nya ay hindi na magtatagpo ang l...