CD 6

24.2K 687 186
                                    

Bhria

NATIGILAN ako nang makita ko ang box ng wedding ring namin ni Dhanelle. Nalaglag iyon nang kumuha ako ng damit para maligo dahil kailangan ko pang pumunta ng maaga sa D.R. para simulan yun photo shoot.

Simula nang pag-uusap namin nung sabado ay hindi na sya nagpakita pa o dumalaw manlang dito sa bahay. Malamang ay naisip na nya ang mga sinabi ko at umatras nalang. O baka sinisimulan na nya ngayon ang pag-aayos ng dukomento sa pagpapawalang bisa ng kasal namin. Kapag nagkita kami ulit ay ibabalik ko to sa kanya. Wala akong karapatan sa singsing na to, dahil ang pamilya naman ni Dhanelle ang bumili nito. Saka ang mahal-mahal ng ganitong klaseng singsing na may mumunting diamond sa paligid.

Napangiti ako ng mapait. Ang sakit parin pala kahit anim na taon na yun nakalipas lahat. Nung nakita ko sya at nakausap, parang dinudurog yung puso ko ng paunti-unti..ang sakit-sakit lang kasi..hanggang ngayon-

"Anak? Bumaba ka na, nakahanda na ang almusal." Narinig ko si mommy na kumakatok sa nakasarang pinto ng kwarto ko.

"Opo mom, susunod na ako."

Tumayo na ako kipkip ang isang robe at ang munting box. Sinampay ko sa balikat ko yung roba bago ako pumunta sa bag na dadalhin ko at sinilid doon ang box ng singsing. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kung saan si mommy kasalukuyang umiinom ng tea.

Sumabay na ako sa kanya sa pagkain at pagkatapos ay naligo na. Ilang saglit lang ay tinatahak ko na ang daan papunta sa D.R.

Bumaba ako ng taxi pagkatapos magbayad. Nanghihinayang man sa ginastos kong pamasahe ay hindi ko nalang ininda iyon. Sa susunod magcacutting trip nalang ako para mas mura.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa D.R. building ay agad na akong binati ng butihing guard doon. Binati ko rin sya pabalik saka naglakad papunta sa elevator at pinindot ang second floor button. Nasa second floor kasing building ang kwarto kung saan kami magpophoto shoot.

Huminga ako ng malalim. Kahit hindi ito ang unang beses na haharap ako sa kamera ay ito naman ang unang beses na kukuhanan ako na may kaparehang babae na intimate pa ang theme.

Bahala na, gagawin ko nalang ang makakaya ko para hindi sila magsisi sa malaking halagang ibabayad nila sakin.

Napukaw ang pansin ko nang tumunog ang elevator, indikasyon na nasa second floor na ako. Lumabas ako at naglakad papunta sa kwartong binanggit sakin ni Daniel.

Kumatok ako at pinagbuksan ako ng babaeng may malawak na ngiti. "She's here." The girl announced to the people inside the room. Niluwagan nya ang pagbukas ng pinto para makapasok ako.

"Hi, I'm Shana, the photographer." Bati sakin ng babaeng isang taon lang ata ang tanda sakin.

"Bhria Alfonso," Ngiti ko sa kanya saka nakipagkamay sa kanya at sa mga staffs duon.

"Your partner would be here any minute. Nalate lang siguro yun." Sabi sakin ni Shana habang inaayos ang lense ng camera nya.

"Okay lang." Ngiting sagot ko sa kanya.

Binalingan nya yung babaeng nagbukas sakin ng pinto na Ana pala yung pangalan at syang make-up artist namin. Actually dalawa sila. Si Beth yung isa na sya namang magmimake-up sa kapareha ko.

"Ana, ayusan mo na si Bhria." Bumaling sya kay Wardy na Edwardo talaga ang tunay na pangalan. Beky kasi si Wardy kaya ayaw nyang magpatawag ng Edwardo. "Wardy pakiayos na ng mga damit na susuotin nila," Tunuro naman nya yung isa. "Alan pakiayos na ng lights." Pumalakpak sya ng tatkong beses. "Move people! Let's start this and done with!"

"Halika na miss Bhria, aayusan na kita." Hinawakan ako sa siko ni Ana at dinala sa maliit na kwarto na nasa loob lang ng kwartong iyon.

Ngayon ko lang napansin na may maliit na kwarto pala dito. Parang dinesenyo talaga ito para sa photo shoot. Pina-upo ako ni Ana sa isang stool na nakatapat sa salaming maraming ilaw.

Chased Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon