Bhria
MABILIS na akong tumayo pagtapos kong kumain.
"Shower lang ako." Sabi ko nang hindi tumitingin kay Dhanelle. Mahirap na. Baka totohanin pa nya yung banta nya kanina. Mas mabuti nang umiwas.
"Teka," Tumayo narin sya sa kanyang pwesto saka ako hinawakan sa kamay.
"What?" I asked as I try to scape from her grip.
She lazily play with my fingers while looking at me with a mischievous grin. "You want me to join you?"
"Ewan ko sayo! Bitaw nga." Hinila ko ang kamay ko pero imbis na matanggal iyon sa pagkakahawak nya ay mas lalo lang akong napalapit sa kanya nang hilahin nya ako pabalik at hapitin sa bewang.
Ito na ata yung tinatawag nilang 'karma'. Pero ginawa ko lang naman yun kasi ayokong pagsilbihan nya yung babaeng yun! Naiinis kasi ako kaplastikan nya.
"Nuh-uh, ikaw ang nagsimula nito.." Sabay haplos nya sa hita ko.
Bigla akong napaigtad. "Dhan.."
"Where's the'hon' awhile ago? Diba yun yung tawag mo sakin?" Ngisi nya.
"Huh? Hindi kaya! Baka naman sa sobrang gutom mo, iba na narinig mo. Saka.." Tinapik ko yung kamay nya na kanina pa humahaplos sa hita ko. "Tantanan mo nga yung hita ko!"
"Okay." Baliwalang sabi nya saka nagkibit balikat. Yun pala ipapasok nya lang yung kamay nya sa loob ng t-shirt ko.
Kainis! Ginagaya nya yung ginawa ko sa kanya kanina.
"Pakawalan mo na nga 'ko." Pilit akong kumawala sa kanya.
"Ayaw ko nga." Nakangusong sabi nya.
"May usapan tayo, diba?" Taas kilay na sabi ko. "Hintayin mo munang sagutin kita. Saka, wala ka pa ngang ginagawa sa panliligaw mo eh."
Napabuntong hininga sya saka ako nakangusong pinakawalan. Ang cute lang nyang tignan. Para syang bata-damulag na ayaw bigyan ng candy. Parang ang sarap tuloy ikiss ng pouty nyang labi. Kahit hindi sya ngumuso pouty pa rin naman yun.
"Hanggang kelan ba kasi ako manliligaw?" Kakamot-kamot sa batok na tanong nya.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Malay ko. Saka wala ka pa ngang ginagawa sa panliligaw mo eh.." Sabay titig sa mga mata nya nang may marealize akong isang bagay. "Don't tell me, hindi ka marunong manligaw?"
"Then I won't tell you."
"Dhanelle!"
"Okay, okay, magsisearch na sa Google."
"Anong magsisearch? Hindi ka talaga marunong? As in?"
Namumula ang pisngi nya ng nagbaling sa iba ng tingin saka namulsa. "You know..this is also new to me." Sabay haplos sa batok. "Hindi naman kasi ako ang nanliligaw dati kundi sila. And I don't do courting.. I do f-fùcking." Nakangiwing saad nya.
Napangiwi rin ako nang lumabas ang katagang yun sa bibig nya. Alam ko naman kung ganu kadami ang babae nya dati at kung gaano kadami ang naghahabol sa kanya kaya siguro hindi sya sanay na manligaw because those women are willing to spread their legs to her without an effort. Tsk.
"So, anong gusto mong gawin? Susuko ka na?" Nanantyang tanong ko.
"No!" Mabilis na tangi nya. "Hindi ako susuko sayo. Medyo may alam naman ako..hindi ko nga lang alam kung tama yun pero..wala naman mali sa paraan ng panliligaw diba?"
"Oo."
"Good then," Malawak nang ngiting saad nya.
"Pero hindi ka parin makaka-first base sakin." Sabay talikod ko.

BINABASA MO ANG
Chased Desire (COMPLETED)
RomanceDesire 2: Dhanelle Reese Mature Content R-18 SYNOPSIS: Loving someone who can't love you back is the most painful way of loving.. It's been six years when Bhria Alfonso- 'Reese' chose to run away from her wife. Akala nya ay hindi na magtatagpo ang l...