Dhanelle
MABILIS syang umibis sa kanyang sports car pagkatapos nyang igarahe iyon sa parking lot ng mansion nila. Salubong ang kilay na ipinatong nya ang kanyang leather jacket sa kanyang balikat. Mainit ang ulo nya ngayon dahil naputol ang akma sanang karera nya na malaki ang pusta na sigurado naman na sya ang mananalo katulad ng dati.
Tumawag kasi ang mommy nya sa kanya at pinapa-uwi sya ng maaga dahil meron daw silang 'importanteng' bisita. Kailangan ay may magpakitang anak ng daddy nya maski isa sa kanila ng kakambal nya para ipakilala sa kung sino mang padrino nito, at alam nito na sya lang ang maaasahan nito pagdating sa mga bagay na iyon dahil tiyak na hindi magpapakita ang kakambal nya para lang humarap sa ibang tao.
Knowing her twin, shes a crab as hell. She wants to hide in her cage. Always.
At sa mga pagkakataon na iyon ay tanging sya lang ang maaasahan ng mga ito dahil sya lang naman ang mahilig makiharap sa mga tao. She is the jocose one, and not to mention— a charmer too.
Pero mali ang pagkakaintindi ng ibang tao sa ginagawa nya. Because those sweet smiles that she gave and those flirty aura that she posses is not for her dad's visitors, but for their hot secretaries. At alam yun ng daddy nya. Kaya nga hindi ito nag-aalala na baka isipin nya na inirereto sya nito sa kung sino-sino.
"Where have you been?" Tanong agad ng aristokrata nyang ina na nag-aabang sa kanya. Para itong reyna na naka-upo sa isang sofa saka ileganteng tumayo para lapitan sya.
She kiss her mother's cheek. "Hey mom."
"Hindi mo ba alam na kanina pa ako tawag ng tawag sayo?" Bigla ay nawala ang mahinhin nitong aura.
Napangisi lang sya. "Where are they?" Tanong nya na hindi nanaman pinansin ang sinabi ng ina.
"In the dining hall." Tumalikod na ito sa kanya saka nagpatiunang maglakad. "Let's go. Kanina pa tayo hinihintay ng daddy mo."
Sumunod na sya sa ina. Pero hindi pa man sila nakakailang hakbang nang tumigil ito.
"And please anak. Be good. At.." Kinuha nito ang leather jacket na nakasukbit sa balikat nya at inayos iyon saka isinuot sa magkabila nyang balikat. "There. More fashionable." Tumingin ito sa mga mata nya. "Hindi lang basta bisita ang meron tayo ngayon kaya umayos ka. No seductive smile for a woman and no flirting. Okay?"
Mabait syang tumango saka ngumisi. Pero tinignan sya nito ng matalim na parang sinabing 'I know what's roaming on your mind.'
Tuloy ay inayos nya ang pagtayo saka tumikhim at nagpakaseryoso ng mukha katulad ng ginagawa nya sa ibang bisita kapag... Pangit ang mga secretary-ing kasama ng mga ito.
Second later, they reach the dining hall. Her mother enter the place with her elegance and queen like aura. Pinaseryoso nya ang mukha dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay maloko sya. Kahit papano ay alam nya rin kung kailan siseryoso.
"Good evening everyone." She greeted as her father look at her as well as the visitors.
Tumayo ang mga ito. Bahagya syang yumuko para magbigay galang sa kanyang ama pati narin sa halos kasing edad lang ng daddy nya na bisita nila. Lumapit sya sa kanyang ama saka humalik sa pisngi nito saka bumaling sa bisita nila.
Akmang babatiin nya ito nang mabilis na lumipad ang kanyang paningin sa batang babaeng kasama nito na kung hindi sya nagkamamali ay matanda lang sya ng ilang taon. Hindi na ito bata dahil sa hulma ng katawan nito pero dahil sa baby face ito ay nagmukha itong bata pa kesa sa edad nito.
Wala sa sariling lumawak ang ngiti nya nang makita nyang bahagyang itong sumulyap sa kanya saka mabilis na nagbaba ng tingin at namula.
"Let's eat first. Saka natin i-discuss ulit yung sinasabi ko kanina." Bumaling ang ama nya sa kanya. "Dhan." Saad nito at kuha na nya ang ibig nitong sabihin.
BINABASA MO ANG
Chased Desire (COMPLETED)
RomansaDesire 2: Dhanelle Reese Mature Content R-18 SYNOPSIS: Loving someone who can't love you back is the most painful way of loving.. It's been six years when Bhria Alfonso- 'Reese' chose to run away from her wife. Akala nya ay hindi na magtatagpo ang l...
