Bhria
"ANO 'to?" Nangingiting tanong ko kay Dhan habang nililibot ang aking paningin sa veranda kung saan nya ako dinala.
May nakaset-up dun na lamesa na parang sa isang lunch date. Ang kakaiba nga lang.. imbes na sa lamesa nakalagay ang pagkain ay nakapatong iyon sa isang coffee table na katapat ng isang puting sofa.
Parang tuloy nakakaingganyong humilata..
"Our second date?" Hindi siguradong sagot nya saka napahaplos sa batok habang namumula ang pisngi. "I'm sorry. Gusto ko kasing maging unique yung bawat date natin kaya imbes na sa typical na lamesa ko ipahanda yung lunch ay naisip ko na mas maganda kung komportable ka."
"Bakit ka namumula?" Takang tanong ko.
"Baka lang kasi..a-ang c-corny ko..?" Alanganin namang sagot nya.
Pinisil ko ang ilong nya. Ang cute nya lang kasi kapag nawawala yung pagka-cool nya."Ano bang sinasabi mo dyan? Ang cool nga eh."
"Talaga?"
"Talagang-talaga." Sabay hila sa kanya sa kamay. "Kaya wag ka nang magdrama dyan. Kumain na tayo kasi nagugutom na 'ko."
Umupo kami sa white sofa na parang water bed sa lambot. Isinandal ko ang likod ko dun at napapikit nalang nang unti-unting marelax ang katawan ko. Idagdag pa ang malamig na hangin na humahampas sa mukha ko dahil sa makulimlim na pahon.Hayy.. kung hindi lang 'to date baka nakatulog na 'ko.
Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na para kang inihihele.
"Dha-" Dumilat ako at bumaling kay Dhanelle pero hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi nakita ko syang titig na titig sakin."You're beautiful.." Biglang sambit nya habang hindi parin inaalis ang tingin sakin.
Inirapan ko sya para makaiwas ng tingin sa kanya. "Alam ko na yun." Mayabang 'kuno' na sabi ko pero ang totoo, nahihiya ako kasi..
Ang ganda-ganda nya habang nakatitig yung light blue nyang mga mata sakin.
"Kumain na nga tayo. Kung ano-ano na yang pinagsasabi mo. Nalilipasan ka na kasi ng gutom." Natatawang sabi ko na pakiramdam ko ay sa sarili ko yun sinabi.
Naiiling nalang syang sumunod. Inayos nya ang kakainan namin saka kami kumain ng matiwasay habang nagkukwentuhan.
Pagkatapos naming kumain ay pinanuod namin ang mga tanawin sa paligid."Sayang naman.. aalis na pala tayo bukas. Hindi na tayo makakapag-stay dito." Nakaramdam ako ng panghihinayang.
"Pwede naman tayong mag-stay pa rito kung gusto mo." Baling sakin ni Dhanelle.
Kumunot ang noo ko. "Diba sabi mo may naka-schedule kang meeting sa isang araw?"
Naalala ko kasi na nagpaalam sya sakin kahapon na aalis sya sa isang araw dahil gagawin nya yung mga trabahong naiwan nya ng isang lingo dahil nga sa photoshoot.
"Yeah. Pero pwede naman akong magchopper paalis at pabalik dito. Mabilis lang naman ang byahe."
"Ayoko nga! Mapapagod ka lang kapag ganun." Mabilis na tanggi ko. "Isa pa, gusto ko sa susunod na stay natin dito ay yung wala na tayong iba pang gagawin sa manila para makapagrelax naman tayo, lalo ka na." Tinuro ko sya ng daliri ko na mabilis naman nyang hinalikan sa dulo.
"Okay lang naman ako."
"Anong okay? Bukod sa ang dami mong negosyo na dapat asikasuhin, nagmomodel ka pa sa branch ni Daniel tapos meron ka pang racing career."
"Well..balak ko nang tumigil sa pangangarera para naman magkaroon tayo ng maraming oras na magkasama. Naisip ko kasi na masyado nang kinakain ng trabaho ang oras ko. Okay lang naman sakin na wala akong pahinga pero naisip ko na unfair sayo. Ayokong dumating yung araw na kahit sa mismong hapunan natin ay may tatawag pa sakin dahil lang sa trabaho. Mas importante ka kesa sa mga bagay nayun." Seryosong sabi nya.

BINABASA MO ANG
Chased Desire (COMPLETED)
Storie d'amoreDesire 2: Dhanelle Reese Mature Content R-18 SYNOPSIS: Loving someone who can't love you back is the most painful way of loving.. It's been six years when Bhria Alfonso- 'Reese' chose to run away from her wife. Akala nya ay hindi na magtatagpo ang l...