Bhria
"HI! Is Dhan inside?" Tila anghel na tanong sakin ni Rina- but I know the truth, she's definitely one-hundred percent 'demonyita' inside and out. Plastic.
Pilit akong ngumiti sa kanya. Kung gusto nyang makipagplastikan. Fine. Madali naman akong kausap. Akala nya siguro nakalimutan ko na yung ginawa nya sakin noon. Bitch.
"Yes, of course. Come in." Sabi ko saka imunuwestra ang kamay ko na pumasok sya. "Actually, she's kinda busy. Inaayos nya kasi yung mga damit namin." I added.
Hindi nakaligtas sa paningin ko yung bahagyang pagtaas ng kilay nya. "Really? She's doing that?" Halata sa boses nya na hindi makapaniwalang ginagawa yun ni Dhanelle.
Ano naman ang tingin nya sa tao? Walang kamay? At isa pa, hindi ba sya makapaniwala na pinagsisilbihan na ako ni Dhanelle ngayon?
Muli kong pinindot yung button sa sliding door para muli rin yun magsara. Ang walang hiya, nauna pang maglakad papunta sa asawa ko. Talipandas talaga ang babaeng yun.
Nang pahakbang na ako para sundan ang jellyfish na pumasok sa kwarto namin ay sya namang pag-buzz ulit ng pinto. Naiinis na pinindot ko ulit yung button.
"Miss Bhria, ito na po yung pinapaakyat ni miss Dhan. Pasensya na po kung natagalan. Pinagbilin po kasi nya sa chef na ipagluto daw kayo ng baked mac. Paborito nyo daw po kasi yun." Sabi sakin ng babae na nakasuot ng uniform ng hotel.
Kung hindi ako nagkakamali, isa sya sa mga assistant chef base narin sa uniform nya. Tila alumpihit pa sya kung itutulak nya yung tray papasok o hindi. Napansin nya siguro na hindi maganda yung mood ko kaya natakot.
Napabuntong hininga ako. "Sorry, pagod lang ako. Natakot ba kita?" Nakangiting tanong ko.
Mabilis syang umiling. "N-naku hindi po miss Bhria." Tarantang sagot nya.
Natawa ako ng bahagya. Naaalala ko kasi sa kanya yung sarili nung unang beses kong pumasok sa trabaho. Para akong tanga nun na hindi alam ang dapat kong gawin. Sanay kasi ako noon na ako ang sinusunod and not the other way around.
"Please come in." Bahagya akong tumabi para makadaan sya pati yung dala nya.
"Salamat po." Sabi nya habang nakayukong dumaan sa harap ko.
Muli kong pinindot pasara yung sliding door.
"Naku, wag mo na nga akong ipo-po. Parang ang lakas makatanda eh. Okay na sakin yung miss Bhria. It's actually more than okay. Hindi kasi ako sanay na tinawag ng miss Bhria." Sabi ko habang nauunang naglalakad sa kanya.
Napansin ko naman na parang hindi sya sumusunod sakin kaya nilingon ko sya. Nakanganga lang syang nakatingin sakin. Well..not literally pero parang ganun na rin.
"May problema ba?" Baka naman nahihirapan na sya sa pagtutulak ng food cart. "Nahihirapan ka na ba dyan? Tutulungan na nga kita." Muli akong kumapit sa kanya pero mabilis naman syang tumangi.
"Ayy wag na po! Magaan lang naman po to." Sabi nya saka naglakad na. Sinabayan ko nalang tuloy sya.
"Mabait pala sya." It maybe suppose to be whispered pero narinig ko parin dahil magkalapit lang kami.
"Sino? Ako?" Curious na tanong ko.
Alanganin naman syang ngumiti sakin. "Ah..eh..a-akala po kasi namin kanina ano..ma-masungit kayo kasi hindi manlang kayo ngumiti nung pinakilala kayo samin ni ma'am Dhan."
Napakunot ang noo ko. "Ganun ba? Pasensya na. Nahihilo kasi ako kanina. But don't worry, hindi naman ako bîtch," Napagawi ang paningin ko sa bukas na two door room. Eksaktong lumanding yung paningin ko kay Dhanelle na masayang nakikipag-usap kay Rina habang si jellyfish naman ay may pahampas-hampas na may kasamang haplos pa sa braso ng asawa ko. Ito namang isa, parang walang pakiramdam. Bigla tuloy uminit yung ulo ko.

BINABASA MO ANG
Chased Desire (COMPLETED)
RomanceDesire 2: Dhanelle Reese Mature Content R-18 SYNOPSIS: Loving someone who can't love you back is the most painful way of loving.. It's been six years when Bhria Alfonso- 'Reese' chose to run away from her wife. Akala nya ay hindi na magtatagpo ang l...