CD 4

24K 752 389
                                        

Bhria

PARANG lumilipad ang isip ko habang naglalakad ako pauwi. Nakasakay na ako at isang jeep nalang sana ang sasakyan ko nang magkulang pa ang pamasahe ko. Wala tuloy akong choice kundi ang maglakad ng malayo-layo. Hindi ko nalang ininda ang sakit ng paa ko sa heels na suot ko.

Muli akong napabuntong hininga habang bumabalik sa alaala ko ang napag-usapan namin ni Daniel.

"Its been years, I know its too late but I'm apologizing for my sister's stupidity."

Napakunot noo ako sa pagatataka nang sabihin sakin yun ni Daniel.

"W-what do you mean?" Takang tanong ko.

Ngumisi lang sya sakin. "C'mon Bhria, you can fool everyone but not me." Tinaasan nya ako ng kilay. "Kung napaniwala mo sila sa mga kwento mo, pwes hindi ako. I know how much you love my sister. Mas maniniwala pa siguro ako kapag sinabi mong sya ang nanglalaki." Saad nya saka natawa ng bahagya.

Napangiwi naman ako. Hindi ko maimagine na manglalaki si Dhanelle, I mean, she's hot and perfect for a woman but as womanizer as a guy.

I compose myself. "Matagal nang nangyari yun. Kinalimutan ko na yun." Liar!

"Really?"Halatang hindi naniniwalang sabi nya. "Kinalimutan mo na rin bang kasal ka parin sa kanya hanggang ngayon kaya Alfonso na ang ginagamit mong apilyedo?"

"Kahit kailan hindi naman ako gumamit ng apilyedo nyo." Matatag na sabi ko.

Napakunot noo sya saka nagsalubong ang kilay na parang nagtataka. "Why?"

Nagkibit balikat ako. "Because she doesn't want to."

Totoo naman yun. Ayaw nyang ipagamit sakin yun apilyedo nila dahil sabi nya ay kailangan daw muna naming itago ang relasyon namin para nga maiwasan ang mapag-usapan ng mga tao sa school. Naisip ko na may point naman sya kaya sinunod ko nalanng din. Ayoko rin naman maging topic araw-araw kapag nagkataon.

Sa unang pagsasama namin ni Dhanelle ay mabait pa sya sakin kaya mas lalo pa akong nahulog noon sa kanya. I even gave my self to her. Akala ko yun na yung simula ng magandang pagsasama namin pero nagkamali ako. Unti-unti syang lumayo sakin at naging malamig ang pakikitungo nya. Hindi ko manlang napansin— mali, alam ko na ayaw na nya sa pagsasama namin pero pinagsasawalang bahala ko lang.

"Kelan nga pala magsisimula ang shoot saka sino yung makakapartner ko sa photo shoot?" Pag-iiba ko ng pagksa.

"Oh, that." Tumikhim sya. "Just come here at ten in the morning on monday. You'll meet her on the shoot."

Beeeepppp!!

Napapitlag ako sa malakas na busina ng sasakyan sa likod ko. Hindi ko napansin na naglalakad na pala ako, lampas sa sidewalk. Mabilis akong tumabi at umakyat sa gilid para makadaan ang sasakyan.

Marahas yun bumukas kaya mabilis akong yumuko para sana magsorry kaso hindi pa man ako nakakapagsalita ay ang galit na nyang boses ang nagpatigil sakin.

"Are you stupid?! Are you trying to kill yourself by walking like you're just walking on the moon?!"

"I-im sorry.." I sincerely said.

Nag-angat ako ng paningin sa kanya para lang matigilan ng makita ang kanyang mukha. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang emosyon. Para akong naputulan ng hininga at hindi makasagap ng hangin sa isang saglit. Kusang umatras ang mga paa ko ng isang hakbang at humakbang pa muli ng tanggalin nya ang dark shades na suot nya at sumalubong sakin ang asul nyang mga mata.

Chased Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon