Bhria
INIS kong binalingan si Dhanelle habang may malawak na ngiti sa kanyang labi. Nakababa na kami sa chopper at nalapag na namin ang mga gamit namin sa condo unit na tinutuluyan namin ay hindi parin nawawala ang inis ko sa kanya.
“Will you pleash shtop shmileng!” Inis na bulyaw ko.
“What?”
Lalo akong nainis nang ngumisi sya sakin. Padabog kong tinanggal ang mask na nakatakip sa namamaga kong labi at buwisit na binato yun sa kanya.
“I said, stop smiling!”
“Oh-oh! Okay! Okay!” Natatawa pa nyang sabi saka itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
Sinagot ko lang sya ng irap.“What do you want to eat?” Pilit na pinapaseryosong tanong nya.
“Ewan ko sayo!” Tinalikuran ko nga.
“Food or me?”
Sa inis ko ay walang salitang humablot ako ng unan saka ibinato yun sa kanya. Sapul sa mukha.
Take that!
Pinulot nya yung unan. Akala ko ibabato nya rin yun sakin pero dahan-dahan lang syang lumapit saka iyon inilapag sa kama na inuupuan ko. Hinalikan nya ako sa noo saka kumindat sakin.
“Ang sarap mo namang magmahal..damang-dama ko.”
“Ang corny mo!” Pinisil ko sya sa ilong. Ang tangos..
“I love you.”
“I love you too." Kunwaring napipilitang sagot ko.
“Bati na tayo?”
“Oo.” Malawak ang ngiting sabi ko.”
“Good,”
“Pero sa sofa ka parin matutulog.” Sabay tayo. Iniwanan ko sya dun na nakatanga.
Nagpasya na akong bumaba para maghanda ng kakainin naming. Hapon na kami nakalapag kanina at kaunti lang ang kinain ko dahil baka bigla nalang akong magsuka sa chopper, kaya ang ending? Eto, gutom na gutom. Actually kanina pa talaga kumukulo ang tiyan ko sa gutom kaya sobra akong naiinis kay Dhanelle.
Nagsalang ako ng kawali sa kalan saka ako kumuha ng hotdog sa ref. Naghihiwa na ako ng hotdog nang pumasok si Dhanelle sa loob ng kusina saka umupo sa tapat ng island shaped kitchen.
“I don’t eat hotdogs.” Napasimangot na sabi nya habang tinitigan ako sa paghihiwa ng hotdog.
Saglit lang akong sumulyap sa kanya saka ko hinarap yung kawali saka naglagay ng mantika. Ito lang kasi yung madaling lutuin kaya ito muna ang uulamin namin— ko lang pala.
“Why? Masarap kaya ang hotdog.” Nakataas ang kilay na sabi ko.
“Mas masarap ang peanut butter.” Inis na sagot nya.
“Kanya-kanyang panlasa lang yan.” Sabi ko nalang.
“Hindi. Mas masarap talaga ang peanut butter kesa sa hotdog and I’m gonna prove that to you one of this days..” Nakangisi nang sabi nya.
Bipolar!
“Ano nga palang gusto mong ulam kung ayaw mo ng hotdog? Ipagluluto nalang kita kamahalan.” I sarcastically said. Ang pili naman kasi sa pagkain ng babaeng ‘to.
“No need to cook. Gagawa nalang ako ng sandwich na may peanut mo— I mean, na may peanut butter mo. Diba bumili ka nun last, last week?” She grinned.
Naguguluhan naman akong tumango.
Walang salitang tumalikod sya sakin saka naghanda ng sarili nyang pagkain. Habang ako ay nawi-weird-uhan sa mga ikinikilos nya.

BINABASA MO ANG
Chased Desire (COMPLETED)
RomanceDesire 2: Dhanelle Reese Mature Content R-18 SYNOPSIS: Loving someone who can't love you back is the most painful way of loving.. It's been six years when Bhria Alfonso- 'Reese' chose to run away from her wife. Akala nya ay hindi na magtatagpo ang l...