Bhria
"HMMM.."
I woke up feeling dizzy and sore. Hindi katulad sa mga nababasa ko sa ibang romance novel— pagmulat ko palang ng aking mga mata ay agad na rumagasa na ang alaala ng nangyari sa amin ni Dhanelle kagabi.
Mahirap ang hindi iyon kalimutan lalo na kung magigising ako na hinahalik-halikan nya ang batok ko habang humahaplos ang malikot nyang kamay sa flat kong tiyan.
"Dhanelle, stop it." I said as I hold her hand to stop it from roaming on my body. Pinilit ko pa ang sarili kong hindi mapapikit para hindi magpatalo sa kiliting ngsisimula nanamang buhayin ng mga haplos nya.
Naramdaman kong gumapang ang mga labi nya sa ibaba ng tenga ko saka bumulong. "Good morning hon," Masuyong saad nya saka ako hinila paharap sa kanya at hinalikan sa noo.
Bahagya akong lumayo. Umaga na— no, medyo tanghali na siguro dahil madaling-araw na syang nagpasyang patulugin ako. Hindi ko alam kung anong meron sa libido nya kagabi at pakiramdam ko ay wala syang kapaguran. Kapag alam nyang pipikit na ako dahil sa saglit na pahinga ay gagala nanaman ang kamay nya sa ibabang parte ng katawan ko at maglalaro doon para magising ako.
"I need to go home," Saad ko saka pinilit ang namimigat kong katawan para bumangon.
Nagising na ako. Nagising na ako para bumalik ulit sa realidad kung saan nais ko nang lumayo sa babaeng mahal ko. Napaka tanga man isipin dahil kung ang iba ay pinipilit ang sarili nila sa taong mahal nila o nagiging masaya dahil sa mahal rin sila ng taong yun, ako naman ay pilit lumalayo sa taong mahal ko kahit pa alam kong mahal din naman nya ako.
Tanga kasi ako eh. Duwag na masaktan ulit ay duwag na sumubok ulit.
Naka-upo na ako sa kama at akma nang tatayo ng pigilan nya ako sa pamamagitan ng pagyakap sakin mula sa likuran.
"Dito ka muna please. I still want to be with you." Naglalambing na sabi nya saka nya hinalikan ang balikat ko.
Mahigpit kong hinawakan ang kumot na nakatakip sa hubad kong katawan saka pilit na hindi nagpaapekto sa init ng katawan nya mula sa likod ko, maging sa lambing ng boses nya at pati narin sa masuyo nyang halik.
Yeah, hindi nga ako naaapektohan. Shit!
"I need to go home now. Baka nag-aalala na si mommy sakin." I said half truth and half...alibi.
"No need to worry. Tinawagan ko na si mama kanina habang natutulog ka and told her na kasama kita." Muli nanaman nyang binigyan ng magaang halik ang balikat ko. "Isa pa, baka hindi mo rin sya maabutan sa bahay nyo ngayon because by this time, magkasama na sila ni mommy ngayon at nagbabonding nang dalawa. Tinawagan ko kasi si mom at pinasundo sya sa bahay nyo. Natatandaan mo yung promise ko sa kanya noon?"
Dahil sa narinig ko ay mabilis akong humarap sa kanya. "Bakit mo ginawa yun?" Kunot noong tanong ko.
Bigla naman nya akong tinignan na parang naguguluhan. Hindi nya siguro inaasahan ang magiging reaksyon ko.
Napabuntong hininga ako saka pilit na nagsalita ng mahinahon. "You know that I'm asking for an divorce diba? Kaya hindi mo na dapat inilalapit ang mommy ko sa pamilya—"
"Shut up." Mariing saad nya.
Naumid ang dila ko at tila hindi makapagsalita. Ang kaninang maganda nyang mood ay napalitan ng madilim na mukha. Marahas syang lumayo sakin at pabalang na tumayo. Agad akong nag-iwas ng tingin nang parang baliwala syang naglakad sa kwarto ng hubo't hubad. Pumasok sya sa banyo nang hindi sinasara ang pinto niyon. Nakita ko pa sa gilid ng aking mga mata nang magsuot sya ng bathrobe saka muling lumabas na wala paring ekspresyon ang mukha.

BINABASA MO ANG
Chased Desire (COMPLETED)
RomanceDesire 2: Dhanelle Reese Mature Content R-18 SYNOPSIS: Loving someone who can't love you back is the most painful way of loving.. It's been six years when Bhria Alfonso- 'Reese' chose to run away from her wife. Akala nya ay hindi na magtatagpo ang l...