CD 5

25K 745 205
                                        

Bhria

DAHAN-DAHAN akong napadilat nang maramdaman ko ang kakaibang init na humahaplos sa aking pisngi. Napaungol ako ng mahina at muling isiniksik ang aking mukha sa unan. Parang sa bawat paghaplos nun ay tila may nagigising na kung ano sa aking pakiramdam.

Napadilat ako para lang manlaki ang aking mga mata sa babaeng nakangiting nakabungad sa akin.

"What are you doing here?!" Mabilis kong hinablot ang kumot na nakababa na sa bewang ko at itinakip iyon sa aking dibdib na tanging bra lang ang saplot.

"No need to hid it co'z I've seen it for about.." She look down at her Rolex watch. "Fifteen minutes, I guess."

"Bakit di mo manlang ako ginising saka anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok at pano mo nalaman na dito ako nakatira?" Mabilis akong tumayo habang kipkip ang aking kumot na nakatakip sa aking katawan.

"Sinundan kita kagabi to tell you something pero naisip ko na pagod ka na so I decided to come here today."

Habang nagsasalita sya, ako naman ay abalang nagbabalot ng sarili hanggang sa likod para matakpan iyon. Napabuntong hininga ako nang hindi ko maabot ang dulo ng kumot dahil sa haba niyon at kailangan ko pang yumuko para pulutin ang dulo. Bumaling ako kay Dhanelle na pinagmamasdan lang ako.

"You need help?" Nginitian nya ako ng alanganin.

"Yes I do." I raise my brow when she stand like a lightning in fast. "Get out."

"Oh," Parang nagising sa katutohanang saad nya. Wala nang salitang lumabas sa bibig nya at tumalikod nalang para lumabas.

Muli nanaman akong napabuntong hininga. Pabalang akong naupo sa kama. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto ni Dhanelle. I mean, she should be mad at me dahil hanggang ngayon ay nakakulong parin kami sa kasal na kinamunuhian nya. Dapat malamig ang pakikitungo nya sakin tulad noon..pero bakit ganito? Bakit parang ang bait-bait nya sakin?

At tama ba ang naramdaman ko kanina na hinahaplos nya ang mukha ko? The Dhanelle I've known six years ago will never do an effort to caress my cheek.

Napailing ako.

I should be careful. Kaya lang siguro sya mabait sakin dahil alam nyang gusto ko na rin tapusin ang kasal na dapat sana wala nang bisa ngayon. Napahawak ako sa puso ko. Hindi na dapat ako magpadala sa mga kabaitang ipinapakita nya..katulad noon. Natuto na ako diba? Kailangan ko nalang panindigan yun ngayon.

Nagpasya na akong tumayo at kumuha ng damit. Nagsuot lang ako ng robe saka bumaba ng hagdan para maligo sa nag-iisang banyo namin na nasa kusina.

"Oh, mabuti nalang at bumaba ka na. Kanina pa naghihitay ang asawa mo dito." Nakangiting lingon sakin ni mommy.

Hindi ko iyon sinagot, bagkus ay pasimple kong tinignan si Dhanelle sa magiging reaksyon nya. I was waiting for her disapproval reaction but instead, she gave me a smile.

"Maliligo lang po ako." Sabi ko nalang saka tumalikod.

"ALAM mo bang sikat na car racer na pala itong asawa mo at may iba't ibang business na syang naitayo. You should be proud to your wife hija, Dhanelle is already reach her top in her early age." Nakangiti si mommy habang parang anak nyang ipinagmamayabang si Dhanelle sakin.

Kung alam mo lang mom..

Ngumiti nalang ako at hindi na nagkomento pa. Ipinapatuloy ko nalang ang pagkain ng agahan habang silang dalawa ay nagkakape lang. Gusto ko sanang sabihin kay mommy na kaya si Dhanelle nandito ay para pag-usapan ang divorce ng kasal namin but..seeing my mother's hapiness and those smiles na minsan ko lang nakikita at hindi manlang umaabot sa mata pero ngayon na nadito si Dhanelle ay parang lumiwanag ang mukha nya. I don't have a heart to tell her that. Ewan ko ba kung anong gayuma ang pinakain ni Dhanelle sa mga magulang ko pero simula noon hanggang ngayon ay gustong-gusto parin sya ng mga ito. Lalong-lalo na si Daddy.

Chased Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon