Bhria
NAPAPAILING nalang ako habang nakatingin sa masayang mukha ni Dhanelle.
Kanina pagdating na pagdating palang namin ay masaya na nyang binalita kay mommy na pumayag na akong magka-baby kami, at hindi pa nakuntento tinawagan pa nya ang mga magulang nya ora mismo para lang sabihin yun.
Kaya yan tuloy..napasugod agad si mommy Savah na excited na ring magkaroon ng apo kay Dhanelle. Pupunta nga rin sana si daddy Tricky ang kaso ay may meeting pa syang inaasikaso.
Dahil nga sa may sariling negosyo ang kambal at sa rami ng kompanyang pag-aari ng Reese empire ay nagtutulong-tulong nalang ang mag-aama sa pamamahala nito.
Pangiti-ngiti lang ako kila mommy, mommy Savah at Dhanelle na masayang nag-uusap tungkol nga sa pagbubuntis ko.
"Next week kami bibisita sa family doctor natin para malaman namin ang gagawin." Sabi ni Dhanelle saka bumaling sakin. "Is that okay to you hon?"
"Yes, sure." Nakangiting sagot ko.
Marami pa silang napag-uspan habang ako naman ay nakikisali rin paminsan-minsan. Ang hirap kasing sumingit sa huntahan nila. Mukhang mas excited pa sila saking magdadala ng baby.
"I'M sorry. I got too excited."
Tumingin ako kay Dhanelle habang nakaunan ang ulo ko sa chest nya.
"Sobra akong na-excite na magkakababy na tayo kaya hindi na kita natanong kung okay lang bang sabihin ko na agad sa mga parents natin ang tungkol dun. Even the schedule in next week bigla ko nalang napagpasyahan. I'm sorry.."
Mabilis akong umiling. "You don't have to. Pabor naman sakin ang mga desisyon mo. Isa pa, I want to see you happy. Nakita ko kung paano mo tignan sila Daniel kanina and from that moment I thought that I neglecting you to have something special and that is to have children." Nakangiting saad ko.
Bigla syang napa-upo kaya napa-upo narin ako.
"Kaya ba nagpasya ka kaagad na magkababy na tayo? Dahil iniisip mo na naiinggit ako? Bhria-"
"Shhh.." Mabilis kong pinigilan ang sasabihin nya gamit ang isang daliri. "Hindi yun ang ibig kong sabihin. At sino bang nagsabing naiinggit ka? I saw how happy you are for your twin. Naisip ko rin na siguro mas sasaya kung ako naman ang magbibigay sayo ng anak. Saka gusto ko narin naman magkababy dahil hindi na ako bumabata. Kailan mo naman gustong magbuntis ako? Kapag expired na ang matres ko? O baka gusto mong ikaw ang mag-dala?"
Mabilis syang umiling bilang tungon.
"You're still young for me." Nakangiti nang sabi nya sabay halik sa labi ko.
Napairap ako. "I know. Babyface yata 'to, saka twenty-six palang ako excuse me. Ikaw matanda ka na kasi thirty ka na."
"Babyface rin ako." Pinitik nya ng mahina ang tungki ng ilong ko. I crinkle my nose. "Twenty-six. Still young for me."
"We should start now because I want to have a children. Mas marami, mas masaya and then we will name them after the names of some god and goddesses of Greece, Rome or maybe in Germany or Norse." Excited na sabi ko. "So, what do you think." I asked her.
Nangingiti nya lang kinabig ang ulo ko saka ako masuyong hinalikan sa noo. "Mas excited ka pa pala sakin." Bulong nya.
Ipinalibot nya ang isang braso nya sa ulo ko at ang isa naman ay sa bewang ko saka nya ako isinama sa pagbagsak nya sa kama.
Natatawa akong yumakap sa kanya habang nakaunan na ngayon sa braso nya. Hindi naman nagtagal ang tawa na yun dahil agad rin akong naghikab.
"Tulog na tayo." Basag ko sa katahimikan.

BINABASA MO ANG
Chased Desire (COMPLETED)
RomanceDesire 2: Dhanelle Reese Mature Content R-18 SYNOPSIS: Loving someone who can't love you back is the most painful way of loving.. It's been six years when Bhria Alfonso- 'Reese' chose to run away from her wife. Akala nya ay hindi na magtatagpo ang l...