Umupo siya dun sa usual seat niya, isinabit ang backpack sa sandalan ng upuan sa unahan niya at tiningnan ang phone.
"Lapitan mo na..." Kumiliti sa tenga ko ang mabahong hininga ni Ken.
"Creepy ka pare... tsaka.. ang baho."
"Dali na wala pa namang prof eh." I took a glance at her again. Should I try to make a move? "Dali na!" Bumulong ulit si Ken. I sighed and approached her.
"Uhm... Mich?" I said. Tumingin siya sa akin. Yung mga mata niya, maganda kahit na death glare ang tingin.
"Kailangan mo?" Tanong niya. Biglang nagpawis ang mga kamay ko habang iniisip ang sasabihin. Bakit nga ba ako lumapit sa kanya?
"May kailangan ka ba or sasabihin kasi kung wala itutuloy ko na ang ginagawa ko."
"Ah.. gu-gusto ko lang sanang mag-hi." Tanga. Ang tanga-tangang sagot Zac.
"Yun lang? My gosh naman. Wala naman palang kakwenta-kwenta." Sabi niya sabay talikod sa akin.
"Uhm... so-sorry..." Hindi na niya ko pinansin. Naghintay pa ako ng ilang seconds bago bumalik sa upuan ko.
"Anyare?" Bulong ni Ken. Hindi na ko tumingin sa kanya. Gusto ko sana siyang bigyan ng dirty finger dahil pinilit-pilit niya kong kausapin si Mich kaso bad yun kaya thumbs down na lang. Tinapik niya ang balikat ko bago nagsalita.
"Okay lang yan. Try mo ulit mamaya." Tumango na lang ako pero sa totoo lang ayaw ko na.
Ilang seconds after, pumasok na si Sir Andy sa room. Rel-Ed ang subject namin at ang topic ng discussion ay tungkol sa pagtulong sa kapwa.
"Students, meron nga pala tayong excursion next week." Sabi ni Sir at napuno ng hiyawan ang classroom.
"Talaga po? Saan po Sir?" Tanong ng class president namin.
"Sa isang Gawad Kalinga Village sa Batangas."
"Wuhoo!" Sigaw na naman ng klase. Lahat kami excited para sa activity.
"Sir ano pong gagawin namin doon?" Tanong naman ng isa pang kaklase.
"Titira kayo kasama ang isang pamilya doon. Lahat ng gagawin nila, maging trabaho man o gawaing bahay ay kailangan niyo silang tulungan."
"Wow! Exciting!" Sabi ng ilang students.
"At guys, by pair ang activity na 'to pero 'wag na kayong magpanic. Naayos ko na ang pairings." Sabi ni Sir at napalitan ng disappointment ang hiyawan kanina. Sayang, ang saya sana kung kami ni Ken ang magka-partner. Isa-isa nang binigay ni Sir ang pairing. Nalungkot na ako nung narinig ko ang pangalan ni Ken tsaka nang isa pa naming classmate. Hay nakakainis. Sana naman maayos ang mapapunta sa akin.
"Zac Reyes?" Tumingin ako kay sir nang tawagin niya ang pangalan ko. "Ang ka-partner mo naman ay si Michelle Vasquez."
Para akong nagka-mini heart attack after kong marinig ang pangalan ng partner ko.
"A-ano po sir?" Tanong ko. "Michelle Vasquez po?" Alam kong mukha na naman akong tanga sa pagtatanong ko pero ano yun? Bakit siya?
"Bakit? May problema?" Tanong ni sir. Bago pa ako makasagot, narinig kong nagsalita si Mich.
"Sir teka lang po. Bakit po si Zac ang partner ko? Lalaki po siya." Napatingin ako kung na saan siya. May point naman yun. Kaso medyo nakaka-offend kasi yung tono ng pagsasalita niya eh, para kasing nandidiri at halatang dismayado siya.
"Ano namang problema doon Ms. Vasquez? School activity naman 'to."
"Eh sir ayoko po sa kan- Ay ayoko po sana ng boy partner." Sakit. Yun oh. Sinabi na niyang ayaw niya sa akin. Basted agad kahit wala pang nangyayari.
"Ah sir, tama po si Mich. Parang medyo hindi po maganda 'pag kami po ang magkapartner. Hindi po comfortable para sa aming dalawa.
Napaisip si sir sandali.
"Sige sige, kaso lahat ng classmates niyo paired up na. Paano ba yan? Mas marami kasi ang lalaki sa klase niyo eh. Maliliit lang ang mga bahay dun. Baka hindi kayo magkasya kapag may nag-tatluhan."
"Sir kami po maliliit lang kami." Sabi ni Lexie. "Kung pwede po, sa amin na lang si Mich."
"Eh paano naman tong si Zac?" Tanong ni sir.
"Sa amin po sir!"sigaw ni Ken sa likuran ko.
"Naku Ken, hindi kayo kakasya." Sabi ni sir at lahat sila ay nagtawanan. Tumawa rin ako kahit medyo awang-awa ako sa sarili ko.
"Eh sir, pwede po bang solo na lang? Kung pwede po, ako na lang pong mag-isa." Sabi ko sabay sulyap kay Mich.
"Hay naku, kung ganon rin lang eh stick na tayo sa original pairings. Ms. Vasquez, you're paired with Mr. Reyes. Final na yan. Okay?" Sabi ni sir at tumuloy na sa lecture.
Patay ako nito.
______________________________________
Uhm corny ba? Please comment what you think about this chap. Thanks xoxo
BINABASA MO ANG
Habulan, at Ako Palagi ang Taya
RomanceAng love, parang habulan lang yan. Tatayain mo yung mahal mo, pero posibleng hindi ikaw ang habulin niya.