Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit, lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Ken sa labas kaya nagmadali akong pumunta sa kanya.
"Ken!" Sigaw ko.
"Dude!" Inakbayan niya ko agad. "Yihee... tabi sila mamaya~" Siniko ko ang tagiliran niya pero hindi tumalab kasi may nakabalot na jelly protective layer sa kanya. Pinagandang tawag sa bilbil. Peace.
"Ano ka ba! 'Wag ka ngang maingay dyan. Baka marinig tayo eh hindi naman ikaw ang papahirapan niya 'pag nagkataon." Sabi ko.
"Sus..." Aba marunong din palang mag-roll ng eyes si Ken. "Okay sorry. Eh kumusta naman? Paano kayo matutulog mamaya?"
"Siya makakatulog siya ng maayos, ako hindi."
"Bakit?"
"Huwag na huwag daw akong didikit sa kanya."
"Ano may balak ka bang yakapin siya?!" Pinisil ko ang left cheek niya.
"Hindi ano ba!? Meaning hindi ako pwedeng lumapit sa kanya. Hindi pwedeng magdikit ang mga balat namin!"
"Grabe namang makapisil 'to! Cute na cute ka sa'kin eh no? Bawal raw pisilin ang pisngi kasi raw maglalaway. Sige ka duduraan kita!" Sapilitang kumawala ang pisngi ni Ken sa'kin habang napaatras naman ako after marinig ang salitang "dura". Ew! "Edi 'wag kang dumikit!" Sabi pa niya.
"Paano nga paano? Ang kitid ng kutson! Kahit gustuhin kong sa sahig na lang matulog wala na rin namang space sa sahig kasi nga kasing size ng kutson yung sahig!!!" Nagpapadyak pa ko ng paa para may emphasis.
"Dude, gigil si ikaw?" Tanong ni Ken habang natatawa.
"Oo, gigil si ako! Gigil na gigil!" Habang nanggigigil ako rito, bigla namang iniluwa ng pinto si Mich.
"Hala pare andyan na siya." Bulong ni Ken.
"Shit shit shit! Narinig niya ata tayo. OMG. Talikod tayo dali!" At tumalikod nga kami ni Ken. "Tingin sa taas, kunwari sight-seeing mode." Sabi ko ulit.
"Hay naku, these creeps." Narinig kong sabi ni Mich habang naglalakad papunta sa ibang classmates namin.
"Ayan safe na tayo." Kinulbit ko si Ken kasi parang napasarap siya sa pagtingala sa clouds.
"Pare ang galing nung ibon oh, lumilipad." Sabi ni Ken.
"Adik ka ba? Tara na nga dun kina sir." Naglakad na rin kami papunta sa kumpol ng mga students.
"Okay class, ngayong na-meet niyo na ang foster family niyo, I want you to know them and be one of them even just for three days. I guarantee it would make a huge impact in your life after experiencing living with them."
"Yes sir." Sagot namin. Tumingin si sir sa watch niya.
"Ayan, almost dinner time na. Tumulong na kayong mag-prepare ng ng food." Nagba-bye muna ko Ken at naglakad na pabalik sa bahay nina Tito Mario. Si Mich? Kaya na niya sarili niya.
Pagpasok ko, mag-uumpisa palang mag-gayat si Tita Gina ng mga gulay kaya dali-dali ko siyanv nilapitan.
"Tita, ako na po ang gagawa niyan. Magpahinga po muna kayo." Sabi ko. "Ano po bang hapunan natin?"
"Ginisang gulay laang at galunggong. Nakain ga kayo niyon?" Tanong ni tita.
"Opo! Ang sarap po nun tapos naka-kamay! Wow!" Sorry medyo OA pero masarap naman talaga yun 'di ba?
"Mabuti naman kung gayon."
"Kami na rin po ang magluluto." Sabi ko.
"Ha eh sa kahoy lang ang aming lutuan eh."
BINABASA MO ANG
Habulan, at Ako Palagi ang Taya
RomanceAng love, parang habulan lang yan. Tatayain mo yung mahal mo, pero posibleng hindi ikaw ang habulin niya.