"Hey Zach, anong level mo na?"
Naku oo nga pala may tinatanong nga pala siya sa'kin. Nagpunta na naman sa kabilang universe utak ko.
"Uhm... mataas na eh.. nasa 41,722 na brilliance ko eh."
Wala eh. Talino eh. Joke.
"Oh wow mataas na level na nga yan. Kakastart ko lang yan laruin last week eh. It's so fun to play noh? Pero siguro sa iba boring siya."
"Sinabi mo pa... si Ken nga ayaw na ayaw 'to eh. Sakit daw sa ulo laruin."
"So true ganyan din si Leslie." Sabi niya habang tinitingnan ang phone niya. Napatingin din naman ako. Binubuksan na pala niya ang game.
"Ugh I'm stuck in this level nga pala. Help me naman oh. Please?" Sabi niya sabay lapit ng konti towards me.
Dugdug... dugdug... Yung puso ko, may pa-drums.
"Aah.. ah oo naman. Anong level na ba nyan?"
Kailangan magpakitang-gilas. Alam niyo na, pa-impress ganern.
Binigay niya sa'kin phone niya. Naku po iPhone X ata 'to. Sana hindi tatanga-tanga kamay ko at mabitawan pa 'to. Didilim kinabukasan ko neto.
"Ayan... parang alam ko na yung kulang na word." So pinagconnect-connect ko yung mga letters hanggang sa makabuo ako ng word at ayun! Pasok sa banga!
"Oh my gosh ang galing mo. Grabe ang dali lang pala nung word. Bakit di ko naisip yun? Kainis!"
Ang. Cute. Niya.
Kainis.
"Di ganyan talaga minsan. Ako rin eh may ganyang moment din."
"Haha so dapat pala dalawang tao ang maglaro para pag pagod na yung brain nung isa tutulong na yung isa."
"Kami ng mga pinsan ko ganon. Minsan palitan ng phone kasi magkakaibang level naman haha."
"Ganon? Ang saya naman. Sa amin kasi ako lang kaya walang tutulong sa'kin."
"Talaga? Bakit? Wala ka bang kapatid or pinsan?"
Tuloy pa rin siya sa paglaro ng phone habang nagsasalita.
"Kapatid wala. Mga pinsan naman... they live far eh kaya we don't see each other often."
"So sinong kasama mo sa house?"
"Uhm... parents ko... kaso gabi na sila umuuwi from work so hindi ko rin naman sila nakakabonding."
"Ganon? Eh maganda naman ata bahay niyo... I'm sure marami kang pwedeng gawin dun."
"Oo... I have everything there... may pool, theater room, may mini gym na rin... pero wala naman akong kasama... so hindi ko rin na-eenjoy.
Aaw.. Totoo pala ang sinasabi nila na hindi porke't mayaman sila eh masaya sila.
"Hmm... ano bang gusto mong gawin na hindi mo pa nagagawa before?"
"Well... never ko pang na-try kumain sa... ano ngang tawag dun? Yung tinuturo lang yung food?"
Haha ang cute niya talaga.
"Karinderya?"
"Yun tama! Sa karinderya nga! Never pa ko nakakain dun." Binaba na niya muna yung phone niya sa tabi niya. "Masarap ba dun?"
"Uh... depende..."
"What do you mean depende?"
"Depende sa nagluluto... minsan kasi magkalasa yung afritada at menudo sa mga ganon. Yung adobo nga parang menudo na rin. Haha."
BINABASA MO ANG
Habulan, at Ako Palagi ang Taya
RomanceAng love, parang habulan lang yan. Tatayain mo yung mahal mo, pero posibleng hindi ikaw ang habulin niya.