Umaga na.
Actually sobrang aga. 3:30 am pa lang pero gising na ko. Ang hirap kasing matulog dito sa paanan. Hindi na ako makatulog kaya dahan-dahan kong nilapitan yung mga pinamili kong groceries para tingnan kung anong pwedeng lutuin for breakfast.
Breakfast.
Yun nga pala ang dahilan kung bakit na-bad trip pa siya lalo sa akin. Hay. Ang init ng dugo sa'kin no?
Hinalungkat ko yung laman ng eco bag pero pinilit kong wag masyadong mag-ingay. Baka magising si Michzilla.
Corned beef, sausages, tapos Maling. Ano pa kaya? Puro naman hindi healthy to eh. Kainis.
"Anong ginagawa mo?"
"Aaahh!" Muntik na kong maging baseball player at ibabato ko sana yung sausage. Pero napigilan ko. Whew! That was close. Naks.
"Bakit ka naman nanggugulat?" Bumilis and heartbeat ko. Buti sana kung dahil sa love kaso hindi. My gahd.
"I can't sleep well. Ang nipis ng mattress."
Napansin niyang hawak ko pa rin ang lata ng sausage.
"Kakain ka? Ang aga mo namang mag-breakfast." Sabi niya habang nakatingin sa phone niya. Joke ba yun? Parang di ko alam kung dapat akong tumawa o ano. Anyway.
"Tinitingnan ko lang kung anong pwedeng lutuin mamaya sa breakfast." Sabi ko habang binabalik ang mga canned goods.
"What did you buy ba?" Tanong niya with her eyes on her phone pa rin.
"Canned goods."
"I know that. Ayan nga di ba hawak mo. What I mean is what kind? Let me see." Ano? Kakabalik ko lang sa bag tapos ilalabas ko na naman? Ba yan.
Isa-isa ko na namang inilabas ang mga de lata.
"Yan lang nabili ko." Sabi ko.
"Ilapit mo dito. Ano ako pa lalapit sa'yo? Ew."
Kalma lang Zac. Michzilla yan. You don't want her in her beast mode at 3:30 ay 3:40 na pala in the morning.
Inilapit ko sa kanya ang mga lintik na de lata na 'to like an alila. Hay.
"Ayan na po." Sabi ko at nag-death glare siya sa'kin nung marinig yung 'po'.
One by one niyang tiningnan ang mga goods.
"555? Who names canned goods with numbers? And this? Maling? Oh the cheaper version of Spam. Sausage? Ew." Sabi niya. "Who would want to eat those?"
"Ako. Kinakain ko yan." Sabi ko. "Sa mga hindi mayaman, masarap na ang mga yan pero siyempre para sa'yo, baka pang aso or pusa niyo lang yan."
"What? Pang aso? My dogs won't eat those. May dog food sila."
"Ah... okay." Isa-isa ko na uling kinuha ang mga de lata kong walang awang nilait ni Michzilla.
Pagkatapos kong mailagay sa bag ang mga lata, kinuha ko ang phone ko at nag-set sa alarm ng 4:30. Siguro naman palabas na ang araw nun. Maghahanap ako ng mabibilhan ng mga prutas at gulay. Kahit canned goods lang ang posibleng kainin namin ngayong umaga, at least may konting fruits para healthy pa rin ang baby ni tita.
Speaking of tita, weird din naman na tita at tito ang tawag namin sa kanila eh mga nasa 30's pa lang naman ata sila. Pero mas weird siguro kung ate at kuya. Eh bakit ko ba pinoproblema to? Tsk.
Niyakap ko ang unan ko at pumikit. Ipinatong ko rin ang phone ko sa may ilong ko para maramdaman ko yung alarm. Naka-vibrate lang kasi eh.
After 45 minutes nanginig na ang phone ko kaya tahimik akong tumayo. Lumabas ako ng kwarto habang dala ang phone at wallet ko lang. Pagsilip ko sa labas ng main door, medyo may konting liwanag na at may bukas na ilaw na sa ibang bahay. Hindi na masyadong scary. Naglakad-lakad ako hanggang sa may nakita akong tinadahan. Tamang-tama may saging at mangga.
BINABASA MO ANG
Habulan, at Ako Palagi ang Taya
RomanceAng love, parang habulan lang yan. Tatayain mo yung mahal mo, pero posibleng hindi ikaw ang habulin niya.