Pagkatapos kong maghugas, pumunta ako sa kwarto para kumuha ng towel kasi I can smell myself na. Naks.
Nagulat ako nang makita ko si Mich sa loob na nakaupo sa kutson. Eh wala naman talagang uupuan dun kundi yung kutson. Zac naman oh. Anyway...
Hindi ko na lang siya ginulo at dumiretso na ko sa bag ko.
"Sabon sabon... nasan ka?" Bulong ko pero malakas ata akong bumulong dahil biglang nagsalita si Mich.
"Do you need soap? May extra ako. Dove."
Dove? Beauty soap? Sosyal yun ah. Pero nope nope... ayaw ko. Ayaw ko kasi may sabon naman talaga ako... nagtatago nga lang.
"Ah hindi, meron akong sabon. Nasiksik lang dito." Sabi ko habang tuloy sa paghahalungkat. Hindi na masyadong masungit ang tono ko kaya 'wag kayong ano dyan.
"Okay. I'm trying my best to be nice to you, Zac." Ayan na naman siya. Bakit masungit na naman siya? Bipolar ba 'to?
"Dahil nag-offer ka ng sabon, nice ka na agad?"
"Well what do you want me to do? You should be thankful dahil nag-eeffort akong makipagbati sa'yo."
Napatingin ako sa kanya bigla dahil sa sinabi niya. Langya talaga.
"Wow... ganon ba?" Tumayo ako. "Thank you ha? Thank you sa effort mo na makipagbati sa akin. It's my honor." Nag-bow pa ako.
Sarcastic. Ngayon lang ako naging ganito.
"Buti na lang ikaw ang naging partner ko. Extra ang saya ng excursion na 'to dahil sa'yo grabe!" I added.
Medyo lumalaki na ang mga butas ng ilong niya dahil galit na siya. At oo, hindi na ako natatakot na magalit siya sa akin dahil super duper turn off na ako sa kanya.
Turn off? May gumagamit pa ba ng term na yun? Eh basta.
"Grabe ka rin. Wala ka talagang manners. Pumapatol sa girls. Kaya 'wag kang magtaka kung bakit walang babae na interested sa'yo."
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Alam mo, kala ko... magiging mabait ka na eh... kasi the way mo akong kausapin kanina... tapos nagluto ka... tinatanong mo pa ako tungkol sa mga lulutuin... muntik na nga akong maniwala eh. Buti na lang hindi. Masama pa rin ang ugali mo. Kung wala akong manners para sa'yo, edi wala. Favor na lang, 'wag na tayong mag-usap. Wala namang magandang lumalabas sa bibig mo eh. Tinanggihan ko lang yang sabon mong "Dove" negative na agad ang dating sa'yo."
At hindi na ulit siya nakapagsalita.
"Ang baba talaga nang tingin mo sa'kin no?" Sabi ko sabay walk out ulit.
Aba nagiging hobby ko na ang mag-walk out ah.
Ang banyo nina tito ay hindi talaga banyo. Make-shift na liguan lang na gawa sa kawayan na may nakapalibot na tarpaulin. May malaking dram ng tubig tapos ang pangsalok ay yung kalahati ng 1.5 na bote ng Coke. Patay si Mich neto pag maliligo.
Eh bakit ba ako worried kung paano siya maliligo? Bwisit.
Nag-proceed na ko sa pagligo. Dun na rin ako nagbihis kahit medyo challenging lalo na sa pagsusuot ng pantalon. Lumabas na ko ulit at pumunta sa kwarto. Buti naman at wala na si Mich dun. Sinampay ko yung towel ko sa may bintana sabay labas ng bahay. Naabutan ko ang mga classmates namin na naglalakad pababa. Nakita ko rin si Ken kaya nagmadali akong naglakad.
"Tabs!" Sigaw ko at lumingon naman siya. Alam niyang siya yun? Haha. Tumigil siya sa paglalakad para hintayin ako.
"Bilisan mo baka maiwan tayo." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Habulan, at Ako Palagi ang Taya
RomanceAng love, parang habulan lang yan. Tatayain mo yung mahal mo, pero posibleng hindi ikaw ang habulin niya.