Habulan Na

1.2K 17 0
                                    

So ayun na nga, namimili ako ng mga kailangan namin dito sa supermarket. Sinama ko na si Ken para may pwede akong pagtanungan kung tama ba yung mga dadamputin ko.

Hanggang ngayon, nababad trip pa rin ako kapag naaalala ko yung mga sinabi ni Mich kahapon. Grabe siya magsalita. Ganon ba ko ka-obvious? Pero kahit na... ang sama namang masyado.

Nabulabog ang pagmumuni-muni ko nang narinig ko ang mga kaluskos ng mga chips sa cart.

"Ken naman, ano yan?" Tanong ko habang nakatingin sa mga bag ng potato chips at mga candy.

"Eh hindi ko mapigilan eh... Naglalakad lang naman ako kaso bigla akong kinindatan nyang potato chips." Sabi ni ulol. "Tapos yang bag ng mentos na yan, kinantahan ako ng Baby Shark. May dance steps pa!" Sabi niya habang medyo natatawa. Napatawa na rin naman ako.

"Gago. Palusot ka pa eh katakawan lang naman ang tawag dyan!"

"Sorna. Haha. Ako naman magbabayad nyan."

"Thank goodness. Salamat naman, Lord!"

"OA naman nito! Nga pala, paano na kayo ni Mich bukas?" Tanong ni Ken sabay bukas ng Clover Chips.

"Hoy ano ba hindi pa bayad yan!" Sabi ko.

"Okay lang yan. Babayaran mo naman 'to mamaya..." Isang dakot ng chips ang shinoot niya sa bibig niya.

"Anong ako?!" Feeling ko medyo nag-super saiyan ako dun ah.

"Ay ako pala! Ako magbabayad. 'To naman. Highblood agad. Puso mo..." Kumalma naman ako agad. "Kala ko makakalusot..."

"Linawin mo kasi..." sabi ko. "Eh ewan ko nga kung paano kami bukas. Parang timang rin naman kasi si sir. Ano kayang sumapi dun at kami pa talaga ang pinag-partner niya?"

"Baka binulungan..."

"Anong binulungan? Nino?" Natatanga na naman 'tong si Ken.

"Binulungan ng kabarkada mong mga cupid... 'di na raw kasi uso yung mga bow and arrow na ganyan... modern times na raw... gamitin ang mga prof para mas effective." Napailing na lang ako sa takbo ng isip nitong si Ken.

"Tigilan mo na yang Clover Chips na yan ah. Lakas tama ka eh. Magbayad na nga tayo. Ihiwalay mo lahat ng sa'yo ah." At nagbayad na nga kami.

Day na ng excursion at hindi na ako mapakali. Naiinis na rin ako ng konti dahil ang dami kong dala. Nagdala rin ako ng maliit kong unan tsaka kumot in case na kulang ang gamit doon. Nahihirapan din kasi ako kapag hindi ko sariling unan ang ginagamit ko. I looked at my classmates at nainggit ako kasi magkakasama silang magkaka-partner samantalang si Mich eh hindi ko alam kung na saan. Ako tuloy may bitbit ng lahat. Bago kami sumakay sa bus, isa-isang tinatawag ni sir ang bawat pair para sabihin kung kaninong family kami titira. Tinawag ni sir ang pangalan ko kaya pumunta na ako sa unahan.

"Oh Zac, nasaan na ang partner mo?" Lumingon-lingon muna ako bago sumagot.

"Ah sir... hindi ko sigurado kung nasaan siya eh." I answered.

"Sino nga ulit ang partner mo?"

"Si Ms. Vasquez po." Mahina ang pagkakasabi ko kasi baka nasa tabi-tabi lang pala siya at pag-initan na naman ako mamaya in case marinig niya.

"Ms. Vasquez! Pumunta ka na rito sa unahan!" Sigaw ni sir habang naglilingunan rin ang mga classmates ko. Hindi na ko tumingin sa likuran dahil nawala na ang excitement ko para sa trip na 'to dahil sa kanya.

After a few seconds naramdaman ko na lang na may nakatayo na sa tabi ko.

"Ms. Vasquez bakit ba hindi kayo magkasama ni Zac?" Tanong ni sir.

"Hindi ko po kasi siya makita eh." I heard her say. Sus. Kasalan ko pa na hindi niya ko makita?

"Eh 'di bale, sa Gonzales family kayo titira. Buntis pa lang si Mrs. Gonzales pero malapit na siyang manganak so I am expecting na tutulungan niyo siya sa gawaing bahay para hindi siya mahirapan. Yun naman ang point ng trip na 'to 'di ba?" Tumango kaming dalawa. "May trabaho kasi ang asawa niya during the day kaya wala siyang kasama sa bahay."

"Opo sir." Sagot ko.

"Kami po ang magluluto?" Tanong ni Mich.

"Yes Ms. Vasquez, kayo ang gagawa sa bahay. Siya, sakay na kayo sa bus." At itinuloy na ni sir ang pagtawag sa iba pa naming classmates. Pasakay na ko sa bus nang mapansin ko ang mga gamit ni Mich. Ang dami. Dalawang medium-sized bags. Tapos may isang Eco bag na puno ng groceries. Nagcontemplate ako kung tutulungan ko siyang magbuhat ng gamit, pero hindi naman siya nagpakita ng signs na gusto niya ng tulong ko kaya hinayaan ko na lang siya. Nasa may pinto na ko ng bus nung narinig kong may kumausap kay sa kanya. Si Jeremy.

"Mich? Need help?" Sosyal talaga ng mga moves.

"Yes please! Kahit itong groceries na lang. Ang bigat kasi ng canned goods." Sagot naman ni Mich. Tumuloy na ko sa bus at naghanap ng upuan.

Habulan, at Ako Palagi ang TayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon