Maiba Taya Ulit

910 18 12
                                    

Nandito na kami ni Mich sa kusina at siya na raw ang mag-gagayat ng mga gulay.

"Sure ka? Kaya mo?" Tanong ko.

"Of course~ Ikaw kaya nagturo sa'kin." Sabi naman niya habang nakangiti. Nakangiti na naman!

Lord, bakit siya ganito?

Pero hindi. Bawal kiligin. Patayin ang feelings. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Ah okay." Nilapitan ko ang kaldero para tingnan ang karne. Tapos pasimple ko siyang nilingon. Oh teka teka... tinitingnan ko lang kung okay pag-gagayat niya.

"So meaning ba nyan, may natutunan ka from me?" Sabi ko pero para hindi big deal kunwari, hindi ako ulit nakatingin sa kanya. Ganyan talaga, gwapings eh.

Joke.

"Uhm... yeah I guess. I mean... ngayon ko lang nalaman gawin to eh. And that's because of you. Kung hindi mo ko tinuruan, I wouldn't have any idea how to do this."

Alam ko dapat patay ang feelings pero tao lang naman ako. Pwede naman kilig on the inside tapos deadma on the outside 'di ba?

Kinompose ko muna sarili ko bago magsalita ulit.

"Ah... wala yun ano ka ba." Yan ang mga sagot para mukhang cool lang.

"Hindi kaya. I know mahirap akong turuan noh."

"Uhm... hindi naman sa ganon... more on nakakatakot ka kaya mahirap." Sabi ko with a giggle.

"Ah... oo nga pala noh. Sorry for that. Sorry ulit."

Nagulat ako sa sorry niya kaya bigla akong lumapit sa kanya.

"Uy wala na yun. Don't worry. Nagjojoke lang naman ako. Wag ka na magsorry, Mich."

Tumingin siya sa'kin tapos biglang tumawa.

"Oh bakit paiyak ka na? Haha."

So napa-smile naman ako agad.

"Eh kasi baka mamaya awayin mo ko ulit."

"Hindi na nga. Okay na tayo."

"Talaga ah..."

"Yes..." Tapos sabay kami nag-smile sa isa't-isa.

Ayun. Kinikilig na naman ako. Buseeet! Teka, kailangan hindi niya mahalata. Aha! Lalabas ako.

"Uh Mich papahangin lang ako sa labas. Parang di ako makahinga sa usok eh."

"Huh? Are you okay? Gusto mo tawagin ko si sir?"

"Ay no no... wag na. Okay lang ako. Wait lang ah." Sabay takbo palabas.

"Waaaah! Bakit kasi? Bakit kasi ako kinikilig? Hindi dapat eh. Hindi dapat. Kasi baka pinagtitripan lang niya ko. Tapos maniwala ako. Sasakay ko. Tapos kung kailan joy ride na tsaka naman babangga yung sasakyan tapos ayun. Deads na. Ayoko! Ayoko ayoko ayoko!"

"Zac? Ay ano gang nangyayari sa iyo?" Shocks nahuli ata akong nag-momonologue ni tito.

"Ah.. tito wala po. Nagpapahangin lang po."

"Ay sus! Palusot ka pa. Narinig kita utoy." Ayan na nga patay na.

"A-ano pong narinig niyo?"

"Yung kinikilig ka kay M-"

Alam kong walang galang tong ginawa ko pero tinakpan ko ang bibig ni tito gamit kamay ko.

"Tito parang awa mo na, wag kang maingay. Please po."

Tumango si tito kaya dahan-dahan ko inalis ang kamay ko.

"Ayos ka ring bata ka. Sana naghugas ka naman ng kamay. Amoy uling eh." Sabi ni tito habang pinupunasan ang bibig niya.

"Ay sorry po. Tsaka nagkabigote po kayo ng konti. Teka po pupunasan ko." Ikukuskos ko sana ang manggas ng t-shirt ko sa nguso ni tito pero bigla niya kong pinigilan.

"Ay ako na laang utoy." Sabi niya.

"Sorry po tito nagpanic lang ako."

"Haha!" Sabay hampas sa balikat ko. "Ay ikaw talaga. Dalawang araw pa lang kayo rito pero panatag na ang loob ko sa inyo ni Mich kaya wala yun."

"Talaga po? Salamat po."

"Ano ba ang problema? Bakit ayaw mong aminin sa sarili mo na gusto mo siya?"

I can't believe na magha-heart to heart kami ni tito. Cool!

"Eh kasi po. Kung napansin niyo ayaw niya talaga sa akin. Tapos po ngayon biglang bait po niya. Nag-promise na rin po ako sa sarili ko na hindi na ko magkakagusto sa kanya."

"Oh bakit naman? Mabait na pala siya sa'yo eh."

"Di ko po alam tito. Parang ang weird lang kasi."

"Naku Zac, kung ano man ang pinapakita niya sa'yo, edi tanggapin mo. Buti nga nagbago siya eh. Hindi na masungit sa'yo, nakikipagkwentuhan na di'ba? Kaya okay lang yan. Tsaka hindi mo naman kailangang ligawan agad eh. Magkaibigan muna dapat."

Medyo na-enlighten naman ako sa sinabi ni tito kaya napatango ako.

"Gets ko po tito. Thank you po."

"You're welcome, utoy." Sabay hampas na naman sa balikat ko. Medyo masakit na pero baka talaga lang malakas si tito. Hindi naman siya gumaganti dahil sa uling kanina di'ba? Anyway...

"Sige po tito, babalikan ko na po si Mich sa loob. Medyo malambot na po ang karne kaya sandali na lang po kakain na tayo."

"Siya sige Zac. Kaya mo yan. Wag ka na magpatay ng feelings. Sige ka, ipagsisindi ko ng kandila yan." Joke ni tito.

"Wag naman po. Haha!" Sabay pasok sa loob.

Pagdating ko sa kusina, naabutan ko si Mich na inaassemble ang mga ginayat na gulay sa pinggan.

"Wow galing ah. Nagayat mo na lahat." Sabi ko.

"Yes. Except sa potatoes. I can't peel them without a peeler." Sabi niya with sad face.

Ang cute. Huhu.

"Ah sige ako na ang bahala dyan. Baka mahiwa ka kasi."

"Sige. I'll watch you para next time ako naman."

"Uh okay sige." Binalatan ko na ang mga patatas habang concentrated naman siya sa ginagawa ko. Medyo nakakaconscious pero kineri ko sa ngalan ng bulalo.

Yun yun eh!

After mawalan ng saplot ang mga patatas, pinahulog ko na kay Mich ang mga yun sa kaldero.

"Uy Mich careful ah kasi baka matalsikan ka ng sabaw."

"Don't worry Zac, I can do it." Smile na smile na naman siya.

At ayun siya na ang pinagluto ko ng bulalo. Sinupervise ko na lang siya.

Meh ganon ulit? Haha.

At sa wakas, nakaluto na kami ng lunch.

Tinawag na namin sina tita para kumain. Nakakatuwa na para na kaming family. Automatic na kami ang maghahain ng la mesa tapos magkatabi din kami ni Mich sa pag-upo.

Last day na bukas. Mamimiss ko 'to. Mamimiss ko siya. Kasi baka pagbalik sa real world, iba na ulit.

Habulan, at Ako Palagi ang TayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon