"Oh Zac! Ay kumusta naman ang adventure niyo sa ilog? Ayos ba ga?" Salubong na tanong ni tito sa akin.
"Uhm okay naman po tito. Mahirap yung daan pero napakaganda po." Sagot ko.
"Mabuti naman." Reply ni tito. "Ay teka, nasaan si Mich?" Sensitive topic pero palaging nababanggit. Ano ba yan.
"Ah... andun po sa labas. Na-out of balance po kasi nung paakyat na po kami."
"Nakow eh bakit nandirito ka? Aba'y tulungan mo." Worried na sabi ni tito.
"Okay na po yun tito. Nandun po si Jeremy." Busy-busyhan akong naghuhugas ng kamay para kunwari hindi big deal.
Meh ganon?!
"Sino naman iyon? Boyfriend niya?"
"Di ko po alam tito eh." Hindi ko naman talaga alam.
"Maganda yun ah. Bakit hindi mo nililigawan?" Naku kung alam lang ni tito.
"Ah... eh hindi po ako nun type." Sagot ko sabay inom ng tubig. Bakit ba ko natetense?
"Asus. Type ka noon. Hindi pa lang niya alam." Sabi ni tito sabay tawa. Si tito talaga oh . Parang sinabi niyang hindi talaga ako papasa kay Mich ah? Pektusan ko kaya to?
Joke lang. Hindi ako nangpepektus ng mga tito.
"Haha! Naku tito, magmeryenda na lang po tayo."
"Siya sige ayan may sumang yakap diyan sa la mesa. Yan ang kalamayhati. Kow pagkakasarap!"
"Sumang yakap?" Medyo naguluhan ako sa sinabi ni tito dahil ang mga suman na madalas kong makita ay puro payat at single. Oo, single as in mag-isa lang. Pero pagtingin ko sa la mesa, medyo malapad at magkadikit ang mga to. Magkayap nga, medyo nasakal nga lang dahil sa tali pero cute pa rin. Buti pa tong mga suman, couple.
"Masarap iyan sa kape! Teka igagawa kita. May kapeng barako dine eh."
"Ah sige tito, salamat po." Pinag-aralan ko pang mabuti bago ko na-gets kung paano tanggalin ang tali sa suman.
Medyo slow. Pasensiya naman.
Nilagay ko sa platito ang mga suman at binuhusan nung brown sauce sabay tikim.
"Wow tito! Ang sarap po nito." Sabi ko barely audible. Alam ko ang golden rule na "don't talk when your mouth is full" pero sarap talaga. First time kong kumain ng suman na may sauce eh. Nom nom!
"Oh ayan, kapeng barako para sa mga katulad nating barako."
Tinitigan ko yung kape, ang itim. Barako nga.
Tinikman ko and men, napapikit ako.
Hindi uso ang asukal kina tito. Pwede na 'tong mambugbog ng lasenggo sa kanto. Ang tapang eh.
"Ano Zac, masarap?" Actually masarap naman siya kahit medyo nakakahilo kaya tumango ako with thumbs up. Iba lang talaga yung tama. Gumuhit sa lalamunan ko eh. O baka dahil mainit. Ewan naguguluhan na ko.
"Tao po?" Bigla na lang may tumatawag sa may pinto pero kilala ko na ang boses.
"Oy utoy anong kailangan mo?" Tanong ni tito.
"Si Zac po?" Tumayo na ko bago pa magkapagsalita si tito.
"Oh Jeremy, bakit?" Turn ko naman magtanong.
"Ah si Mich kasi, tawag ka." Nag-nose to nose ang mga kilay ko.
Uy~ iniisip mo kung paano nangyari yun noh?
"Tawag ako ni Mich? Bakit naman?"
"Sunduin mo daw siya eh. Masakit pa rin kasi ang tuhod niya." Jeremy explained.
BINABASA MO ANG
Habulan, at Ako Palagi ang Taya
RomanceAng love, parang habulan lang yan. Tatayain mo yung mahal mo, pero posibleng hindi ikaw ang habulin niya.