"Okay guys, meet your partners para mapag-usapan niyo ang mga daldalhin niyo. Three nights tayo roon kaya kailangan niyo ring magdala ng pagkain na kakainin niyo pati na rin yung mga ibibigay niyong groceries sa foster family niyo."
Nagkumpulan na ang mga classmates ko with their partners. Tumingin ako kay Mich. Nandoon pa rin siya sa upuan niya, wala talagang balak lumapit sa akin kaya ako na ang tumayo.
"Uhm... Mich? Usap na tayo tungkol sa mga bibilhin natin?" I said. Hindi siya kumibo. I took a look at her face. Nakasimangot. Kunot ang noo. Huminga ako ng malalim. Hinila ko ang isang upuan at umupo sa tabi niya.
"Mich? Anong mga bibilhin natin sa supermarket?"
"Ewan ko." Sagot niya pero hindi pa rin siya tumingin sa akin.
Paano ba 'to?
"Canned goods and noodles siguro noh?"
Tumingin na siya sa akin, pero ang mukha niya, pissed off.
"Alam mo, wala na akong pake sa mga ganyan." Sabi niya.
"Eh kasi sabi ni sir pag-usapan na..." Hindi pa 'ko tapos sa sasabihin ko pero nagsalita siya ulit.
"Bakit ba kasi ikaw ang partner ko? Nakakainis!" Mahina ang pagkakasabi niya sa last word pero ramdam na ramdam ko ang intensity.
Nag-decide na akong tanungin kung bakit siya bad trip na bad trip sa'kin.
"Eh... a-ano ba kasing problema? Bakit ba ang sungit mo sa'kin?" Tanong ko kahit medyo nanginginig ang buong katawan ko.
"Excuse me? Sino ka naman para magtanong sa'kin ng ganyan? Kapal ah."
Yumuko ako nang konti.
"'Di ko kasi ma-gets eh. 'Di kita ma-gets."
"Alam mo, pa-cute ka kasi. Akala mo ba hindi ko nahahalata yung pagtambay-tambay mo sa quad tuwing umaga? Kasama mo pa yung kabarkada mo. Ang creepy mo. Hindi naman kita type kaya 'wag ka nang mag-effort dyan."
Feeling ko lumiit ako bigla. Basted na agad kahit hindi pa nanliligaw.
"Eh hindi ko naman - "
"Alam mo ba kung sino ang mga pangboyfriend material? Yun. Si Jeremy."
Tiningnan ko kung nasaan si Jeremy at tinitigan kong mabuti ang itsura niya.
Gwapo. Ang lakas ng dating. Sikat sa school. Mayaman rin katulad ng Mich. Bagay na boyfriend ng mga magaganda. Sasagutin kahit hindi pa nagsisimulang manligaw.
"Kaya Zac, kung may balak kang manligaw or pumorma, 'wag mo nang ituloy."
Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"Wala naman talaga akong balak ligawan ka eh, dahil alam kong hindi ako papasa sa'yo. Alam ko rin kung saan ako lulugar kaya hindi mo na kailangang sabihin sa'kin yan."
Parang nabigla siya sa mga sinabi ko dahil natahimik siya.
Nagsalita ako ulit.
"Sige, ako na lang bibili ng mga kailangan sa supermarket. Pero 'wag kang mag-expect na marami at pang-sosyal ang mga bibilhin ko. Hindi naman ako mayaman katulad mo. Bumili ka na lang din ng para sa'yo para wala nang problema. Sige." At tumayo ako para bumalik sa upuan ko.
Pagka-upo ko, bumulong na naman si Ken.
"Uuuyyy... partners sila. Yiheee!"
"Tumahimik ka nga." Sabi ko.
"Sungit. Bakit? Dream come true di'ba?"
"Hindi nga eh. Nightmare."
"Ano? Anyare?"
"Ayoko na pag-usapan, Ken. Medyo nakaka-bad trip eh." At hindi na nga nanggulo si Ken.
Ang sama pala talaga ng ugali niya. Bakit kaya nagustuhan ko pa yun? Katangahan.
BINABASA MO ANG
Habulan, at Ako Palagi ang Taya
RomanceAng love, parang habulan lang yan. Tatayain mo yung mahal mo, pero posibleng hindi ikaw ang habulin niya.