So heto na nga, para kaming nasa intro ng Slam Dunk. At dahil ako ang bida, edi ako si Sakuragi. Tsk kainis. Hindi pa naman kagwapuhan yun. Hay. Anyway...
Jump ball na kami ni Jeremy at dahil may halong pakitang-gilas ang galawan ko ngayon, ako ang mas mataas ang naitalon at nakuha ko ang bola. Pinasa ko agad sa kakampi ko. Half court lang naman kami kaya konti lang ang takbuhan. Yun nga lang, mas intense kasi paunahan na talaga kami sa pag-score at mas matindi ang agawan.
Naipasa ulit sa akin ang bola tapos biglang harang naman agad ang mga kamay ni Jeremy.
Nakikita ko sa peripheral vision ko a.k.a gilid ng mata si Mich. Nanonood at siya at andun pa rin ang babaitang si Leslie.
"Hindi boyfriend ni Mich si Jeremy." Biglang nag-echo sa isip ko ang mga sinabi ni Leslie.
So kung hindi niya boyfriend si Jeremy, mag-ano sila?
Waaah! Tama bang yun ang iniisip ko sa oras na to?
Anyway... Nag-side step ako para lituhin si Jeremy sabay tira.
At tumigil ang mundo... nung hindi nagshoot ang tira ko.
Boplaks talaga!
So ayun, nice one sa pagpapakitang gilas. Pucha naman!
Medyo nahiya ako pero may biglang sumigaw ng pangalan ko. Napatingin ako sa side at nakitang si Mich pala yun.
"Zac! Go Zac!" Sabi niya with matching two thumbs up.
Shet parang biglang sumanib sakin si Popeye dahil bigla akong nagka-energy!
Chinicheer niya ko my ghad!
Nagsmile ako sa kanya ng super laki at nagfocus na ulit sa laro.
Nagkascore na pala kami ng 2 points dahil after nung palpak kong tira eh nakuha pala ni Nathan yung bola sabay shoot. So meaning parte din ako nun diba? Haha.
Back to the game.
Kina Jeremy naman ngayon ang bola. Nakaabang na ako agad sa ilalim ng ring in case hindi mag-shoot yung tira ni Eric. At dahil mala-anghel ang dila ko, hindi nga nag-shoot. Kaso bad trip na naman dahil si Jeremy na naman ang nakakuha ng bola.
Buwakanang yan! Lagi na lang eh!
Pinasa ni Jeremy kay Aaron ang bola.
Yown! Advantage! Mas matangkad ako kay Aaron. Paktay siya sakin. Bwahaha!
Pagkatira niya, sabay talon ko naman kaya isang pangmalakasang butata ang naganap!
"Woah!"
"Ayos yun!"
"Oh ano ka!"
"In your face!"
Yan. Yan ang mga lumabas sa bibig ng mga kaklase namin. Tamang balahura lang.
Pero don't worry, hindi ako nagpalamon sa mga cheer nila. Agad kong pinasa kay Andrew ang bola. Pagkakuha niya, sinenyasan niya ko gamit ang mata niya pero gets ko na yun. Pinatalbog niya ang bola sa board, tapos finollow-up ko! At salamat naman, pasok sa banga!
"Astig ka pare!" Sabi sakin ni Nathan at Eric.
"Nice one, man!" Sabi naman ni Jeremy sabay high five.
At dahil wala naman siyang alam tungkol sa maliit ko galit sa kanya, nag-high five din ako.
Narealize kong wala naman nga kaming competition dapat ni Jeremy. Hindi naman ako nanliligaw kay Mich at walang may alam na gusto ko siya except kay Ken at kay Leslie so dapat chill lang ako.
BINABASA MO ANG
Habulan, at Ako Palagi ang Taya
RomanceAng love, parang habulan lang yan. Tatayain mo yung mahal mo, pero posibleng hindi ikaw ang habulin niya.