Ako Pa Rin Ang Taya

838 12 22
                                    

Pagkatapos mag-lunch, niyaya kong tumambay si Mich sa bench kung saan ko siya sinundo kanina.

"So... musta naman tuhod mo?" Sabi ko after ko siyang alalayan umupo.

"Uhm I think malapit na siyang gumaling. I hope bukas nakakalakad na ko ulit ng maayos kasi we're going home na." Sabi niya.

Oo nga pala. Uwian na bukas.

"Ah... tama. Makakatulog ka na sa malambot mong bed." I said with a smile pero deep inside medyo nalulungkot ako. Feeling ko kasi nasa ibang dimension kami. Tapos bukas balik na nga sa reality tulad ng sabi ko kanina. Lahat kaya ng mga nangyari dito maiiwan rin dito? Sana naman hindi.

"Uy!" Sabi niya. "Why so quiet?"

Napatingin ako bigla sa kanya. Medyo napatitig actually.

"Uh... Wala lang." Sabi ko sabay ngiti.

"Mich!" Napalingon kami pareho. Si Jeremy.

"Hey!" Bati naman ni Mich.

Pinanood naming lumakad towards us si Jeremy.

"How's your knee?" Tanong ni Jeremy with his gwapong accent kung paano man niya yun nagagawa.

"Well it's getting better. Hopefully I get to walk properly na tomorrow." Sabi niya at nagngitian silang dalawa. At dahil pabebe ako at may feelings, chechever muna ako.

Waaah para na akong beks! Curse you Lloyd Cadena!!!

Pasok beks na Moira: Kahit ako'y babakla-bakla, puso ko naman ay titigas-tigas pa rin sa'yo~

Oops tama na. Baka kung saan pa mapunta to. Balikan na natin ang selos moment.

"Uh sige guys, maglalakad-lakad muna ako dun." Sabi ko. "Dyan na muna kayo ah." Sabay alis without looking back at Mich.

Ang arte ko noh? Hay.

Habang naglalakad ako, nakita ko si Leslie na nakatambay sa may labas ng bahay ng foster family niya.

"Leslie!" Tawag ko. "Musta ka naman? Masakit pa ba paa mo?"

"Ah hi Zac." Sabi niya. "Oo eh... medyo namamaga pa."

"Hala paano na yan? Nasabi mo na ba sa parents mo?"  Tanong ko.

"Oo tumawag na ako kanina. Ang OA nga ni mommy gusto nang sumunod dito pero kinausap naman na siya ni Sir kaya kumalma na siya."

"Ah buti naman." Sabi ko sabay sulyap sa mga malalandi banda dun.

"Crush mo si Mich 'di ba?" Napalingon ako ng mabilis kay Leslie.

"Hoy ano ka ba?! Saan galing yun?" Sabi ko habang nagbablush palingon-lingon sa paligid.

"Sus! Deny ka pa. Halata ko kaya."

"Wag ka ngang maingay dyan. Gusto mo apakan ko paa mo? Gagawin ko talaga yun." Tumayo ako para bad boy vibes. Pinadyak-padyak ko pa paa ko para masindak siya.

"Oh easy lang. Umupo ka nga. Tsaka ilayo mo yang mga paa mo sa injured foot ko. Dun ka dun ka." Pinausog niya ko sa corner ng bench pero di naman kami masyadong magkalayo.

"Eh kasi naman kung ano-ano ang sinasabi mo dyan."

"Why? Hindi totoo? You don't like her talaga? Cross your heart, hope to die? Kahit mag-choke man si Ken ngayon?"

"Oh bat nadamay ang bilog na yun?" Kamot ulo ako. Kawawa naman si Tabs.

"Because you're denying the obvious."

"Hay nako Leslie dyan ka na nga." Sabi ko habang papatayo na.

"Just in case you're wondering, walang boyfriend si Mich." Narinig kong sabi ni Leslie.

Habulan, at Ako Palagi ang TayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon